Narito kaingay ang 2 kilos na Luyang Dilaw na gagawin kong turmeric power. Magkaiba po ang Salabat at Turmeric. Ang Salabat po ay mula sa luyang maanghang na karaniwang ginagamit sa lutuin bilang pantanggal lansa sa ulam at pampalasa. Ang turmeric naman po ay luyang dilaw kung tawagin sa atin. Karaniwang ginagamit bilang herbal na gamot at ginagawang tsaa ng matatanda. Para sa nagtatanong kung paano gumawa ng turmeric powder narito ang proseso. - hugasan ang luyang dilaw at gadgarin - pagkatapos pigain ang ginadgad na luyang dilaw gamit ang malinis na tela upang kunin ang katas - sunod ilagay ang katas ng luyang dilaw sa malalim na lutuan at maglagay ng asukal. At isalang sa apoy. - halu-haluin hanggang matuyo at maging pulbos na. Mga Dapat Tandaan • kumukulay sa kamay at sa mga kagamitan ang luyang dilaw kaya pumili ng gagamiting tela na luma na. • kailangan ng mahabang pasensya sa paggawa dahil madalas kailangang mong halu-haluin ito hanggang matuyo • dalawang sangkap lamang ang kailangan mong gawin sa paggawa nito. Luyang dilaw at asukal • para sa lulutuin ko 1 kilong brown sugar at 2 kilos na Luyang dilaw ang sukat. • kung nais nyong sumubok para makapagluto ang irerekomenda ko ay 1 kilong luyang dilaw sa 1/2 kilong brown ma asukal, 30 mins to 1 hour ang tagal ng pagluluto sa sukat na inirekomenda ko. • para sa actual na pagluluto maaari kayong manood ng YouTube tungkol dito Pahabol ni granny : Basta kaingay natutuyo yan kahit gaano pa katagal ito nakasalang sa apoy, siguraduhin lamang na kapag natutuyo na hinaan lamang ang apoy hanggang maging powder na ito. Kapag tapos ko ng gawin, ipopost ko ito mamaya para sa finish product!! Natutuhan ko ang paggawa nito dahil sa aking anak na panganay.
1 comment
mas oki yung ganyng herbal kahit paaano organic sya at makakatulong sa atin din.