read.cash Log in
@Nengste more from that month

Ito kaingay ang aking natutunan tungkol sa Breast Cancer sa video na aking napanood. 1. Karaniwang sakit ng mga kababaihan sa ngayon, maaari magkaroon din nang ganitong sakit ang mga lalaki ngunit bihira lamang. 2. Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Breast Cancer - Hereditary - Stress - Pagkain - Hormonal imbalance - Aging 3. Ang breast cancer ay hindi madaling malaman kung meron kaagad nito kapag stage 1 pa lamang, ngunit madali na itong matukoy kung nasa stage 2 na dahil mayroon nang mararamdamang pananakit. Ang payo, ugaliing mag physical test sa panapanahon. At huwag baliwalain ang makakapang bukol lalo na kung ito ay maliit pa lamang, mas magandang agapan na ng maaga ang sakit upang hindi na ito lumala at mauwi sa matinding pinsala at gastusin. 4. Ang payo upang maiwasan ang ganitong uri ng sakit - palakasin ang Immune System - kumain ng masusustansyang pagkain - Iwasang kumain ng sobra. Sobrang pagkain ng matatamis, maaalat, mamantika, mataas sa cholesterol. Sa maiksi have a healthy lifestyle. Ang powerful kaingay ng pagdeliver ng host ng mga information. Ang natandaan ko kaingay sa sinabi ng host, 'Iwasang idahilan na wala kayong pera noong mababa pa lang ang stage ng cancer, bakit ? Ngayong stage 4 na, may pera na ba? Ang punto, huwag ng hintaying lumala ang sakit. Agapan na agad upang mas malaki ang chance nang paggaling at hindi lumaki ang gastusin.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.