read.cash Log in
@Nengste more from that month

Hello, kaingay nagluto ako ngayon ng ilang pirasong tinapay para sa meryenda. Simpleng tinapay lamang ito na pinahiran ng butter at binudburan ng sesame seed sa taas. Bagay ito kaingay sa mainit na kape habang nagmumuni-muni. Kapag nais ninyo ng mas healthy na version ng tinapay, maaari kayong maghalo ng gulay sa minasang tinapay. Gaya ng tinadtad na malunggay, na grate na carrot, kaonting nilagang kamote o kalabasa. Siguraduhin kaingay na saktong dami ang ilalagay na gulay sa harina. Sa mga nag-iisip na sumubok na mag luto ng tinapay ngunit walang oven. Maaari po kayong gumamit ng steamer. Para mas confident kayo sa pagluluto, maaari kayong manood ng video sa youtube para makita ang ilang sample ng pagluluto ng tinapay gamit ang steamer. Sa mga baguhan, pumili ng pinakasimpleng tinapay na iluluto, at ingredients na hindi mahirap hanapin. Mag simula muna sa 2 cups na harina ng hindi ka naman mabigla sa pagluluto. Yun lang kaingay, Happy cooking!

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.