read.cash Log in
@Nengste more from that month

Nakasalang na ang aking labahin sa washing machine at habang inaantay ang paghinto nito. Gagawa muna si granny Nengste ng.... Homemade Skinless Chicken Longganisa Sangkap -350 grams giniling na manok -2 buong bawang -1 1/2 kutsara ng Paprika -1/3 asukal na pula -1 kutsara ng Asuete para sa kulay -Asin -kutsay (optional) -2 kutsara ng corn starch Procedure -Paghalu-haluin lamang ang lahat ng sangkap. - Ilagay muna sa ref bago ibalot sa cling wrap para mas madaling ihulma. - Kapag handa na ang lahat, isteam ng 15 minuto. Note: Siguraduhin na tuyo ang ihahalong giniling na manok o na idrain mabuti para hindi masyadong malabsa ang gawa. - naglagay lang ako ng kutsay kaingay dahil mayabong ang tanim ko na kutsay ngayon. At sempre para healhty na rin. - kung wla kayong asuete, maaaring ipalit ang food color na red at kung wala pa rin ay maaari namang hindi na maglagay. Mas maganda lamang kase tingnan kaingay kung may kulay ito. Kapag natapos ko na gawin ipopost ko po ang finish product mamaya. Happy cooking kaingay! Tandaan, wag magtitipid sa sangkap nang ang lasa ay masarap!

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.