by Gracee / Wednesday / August 4, 2021
Darating ang araw, ang ating mga magulang ay papanaw
Darating ang araw, ating mga sandalan at haligi ay unti-unting mawawala
Darating ang araw, mga ngiti nila'y hanggang panaginip at nasa imahinasyon na lamang
Darating ang araw, pag-sisisi'y ay wala nang halaga dahil sila ay pumanaw na
Darating ang araw, pilyo nilang ngiti ay hangang sa isip na lamang
Darating ang araw, mukha nila'y di na masisilayan
Darating ang araw, ang kanilang sermon sa atin ay hanap-hanapin
Darating ang araw, masasabi mo na lang........
Sana mas pinakita at pinaramdam ko sa kanila kung gaano ko sila kamahal
Sana mas inalagaan ko pa sila ng higit pa sa pag-aaruga ginawa nila sa akin
Sana mas pinili kong maging mabuti sa kanila kaysa maging pabigat sa buhay nila
Sana mas nagporsigi ako para nabigyan ko sila ng buhay na mas maganda
Sana mas nakinig ako sa payo nila kanila nung mga panahong pakiramdam ko ay sirang-sira ako
Sana mas pinili kong pasayahin sila kaysa bigyan ng sakit ng ulo
Sana mas pinili kong intindihin ang sinasabi nila kaysa sa sinasabi ng iba
Sana mas pinili kong habaan ang pasensya ko at intindihin mga kakulitan at katigasan ng ulo nila
Sana....Sana....Sana...........
Mga SANA na mananatiling sana na lamang pag silay ay lumisan na.
Ang ating mga magulang ay hindi bumabata. Habang tayo ay tumatanda, ganun din sila.
Madalas, mas pinipili nating suwayin sila at ipilit ang gusto natin. Hindi natin namamalayan na sila ay nahihirapan na at nasasaktan na sa mga ginagawa natin. Mahirap mang isipin pero ganun tayo sa mga magulang natin.
Sana pagkatapos mo mabasa ito, ay maisipan mong baguhin ang iyong pakikitungo sa iyong mga magulang. Matanda na sila. Hindi sila bumabata kundi tumatanda na. Sa paglipas ng mga na araw, buwan at taon ay rurupok na ang kanilang buto at mahihirapang tumayo mag isa. Sana ay andun ka sa tabi nila upang gabayan at pagsilbihan sila ng walang pag-aalinlangan at pagrereklamo.
Ito lang ang nais kong sabihin sa iyo, kaibigan, "mahalin, tulungan at alagaan mo ang mga magulang mo hangga't sila ay andyan pa sa sabi mo". Mas mainam isipin na sa kanilang pagpanaw, tanging saya at magagandang memorya ang tatatak sa isipan at hindi puro kalungkutan, pighati at panghihinayang ang maiiwan.
Hanggang dito na lang aking mga mambabasa, hanggang sa muli!
((**if you wanna read the English translation, click the globe icon beside the EXC above but just a reminder some words, statements might not be translated correctly ))
I started drafting this yesterday afternoon but was not able to finish it so, I decided to end it this afternoon too. This was just popped out of my mind after my canceled class yesterday at 3 PM. When I started writing this, I feel sadness for I feel like I am in a situation where I have many regrets yet my parents are still alive. Maybe I am just guilty because I often failed to do the things I mentioned above like intindihin ang sinasabi nila, habaan ang pasensya sa ugali at katigasan ng ulo nila, iparamdam kung gaano ko sila kamahal, and all. But while finishing this today, I feel better. Maybe it is also because of my mood. Yesterday was so tiring that I felt bad for myseld but today I have more free time to rest.
I published this just to share it with you. I just want to share what is on my mind because in the last few days, my mind is overthinking and I can't help it so I decided to write it here and publish it.
This is also my entry for the "TAGALOG CHALLENGE" (meron ba? hehe). To the others who don't know, we are celebrating "BUWAN ng WIKA" (FILIPINO LANGUAGE MONTH) every August of the year in the Philippines to show appreciation and give recognition of our National Language --Filipino.
-the end.
Have a nice day! đ
MY OLD ARTICLES!!
Choose and Have Fun (this & that)
Recalling The Forgotten Memories
A Scary yet Funny and Awkward Incident turns into A Self-assessment
The Never Have I Ever Challenge
Get Pissed yet Control Your Emotion
A Simple Girl's Birthday Celebration
Catching Up in the Middle of Black Out
Nagpaparamdam talaga sa akin ang pag gawa ng artikulo gamit ang ating sariling wika.
Pero mabalik na tayo. Tinamaan ako, "Sana mas pinili kong maging mabuti sa kanila kaysa maging pabigat sa buhay nila". The term "pabigat". Aray, aray, aray. Hahaha. Until now yan pa din naffeel ko pero alam ko makakatulong din ako sa finances dito sa bahay.
Yung pagiging vocal talaga sa parents yun ang nahihirapan pa ako. Kaya sa actions na lang ako minsan bumabawi.