Bunso Pictorial Pinapunta sa school ang mga estudyante na may matatanggap na award para sa kanilang picture taking. Ito ay para sa kanilang Virtual Recognition, nanghingi na yung adviser ng bunso ko before ng picture nila. Pero mas maganda daw kasi kung ulitin ang picture may photographer daw sa school na kukuha ng picture sa mga bata. Lalo na at ipa-flash sa live streaming ang picture nila sa Virtual Recognition gusto lang daw ng guro ni bunso ang the best, agree naman ako…
@ruby0622 in July 2022
My Girls Ready for the Gatsby Party ^_^ Akala ko bukas pa ang birthday ng kapatid ng biyenan kong babae ngayon na pala ang party. Kaya sobrang busy today naghanap din ng mga accessories sa mga girls ko. Papunta na kami sa venue medyo malapit lang ang venue mula dito sa furniture shop ng mga biyenan ko kaya lang medyo trapik din alas singko daw mag umpisa kaya late na kami hehe. Excited na mga dalaga ko sa party haha. Siguradong mag enjoy mga dalaga ko nito minsan lang din…
Party Done! Nakakapagod rin ang dumalo sa ganitong event pero happy naman pati ang aming mga tummy :) Maraming kakanin na pagpipilian at mga ulam na masasarap hindi ko na kinuhaan ng litrato nakakahiya kasi hehe. Naging emotional pa ang birthday celebrant, tita ni hubby dahil ang alam lang niya ay magdi-dinner lang sila tapos may pa-surprise party pala sa kanya ang mga anak Kaya naiyak talaga si tita nandun lahat ang mga kapatid niya at mama nila :) Kaya nagulat siya…
Blessed Sunday! Nakakatuwa ang akala ko hindi mapasama sa makakakuha ng award ang panganay ko kasi walang update ang adviser niya. Sa kay bunso kasi last week lang ang announcement ng may award na estudyante parehas lang sila ng paaralan na pinasukan kaya akala ko talaga hindi siya kabilang sa may mga award. Kaya nalungkot din siya kasi si bunso meron at siya wala daw :) Kaya tuwang-tuwa nung nalaman na mayroon din pala siyang award kahit online class lang sila nakatanggap…
Sinigang sa Bangus Nakapaglunch naba ang lahat? Katatapos ko lang magluto sa aming simpleng ulam na sinabawang maasim na bangus :) Pumunta pa akong Tagaytay market may kalayuan din dito sa furniture shop ng mga biyenan ko isang daan pamasahe sa tricycle balikan wala kasing dumaan na mobile palengke. Ang mamahal na talaga ng bilihin mahigit dalawang daan na kaagad isang bangus na malaki. Ito naisipan na ulamin dahil mabilis lang lutuin kaysa karne alanganin na kasi sa oras…
Ready for Delivery Medyo malayo ang may-ari ng mga furniture items na'to kung saan nila i-deliver sa maynila pa :) Ang dami rin ng inorder ng customer may kamahalan pa isang item nito kapag maraming pera talaga parang bumili lang sila ng kendi sa dami ng binili :) Ang gaganda rin ng pinagawa nila mas gusto ko yung swing sarap diyan magrelax hehe. Ang dalawang lounge lang naiba kulay blue pero may halo na kaunting puting kulay :) lahat kulay puti na malinis talaga tingnan…
Nakapamasyal kami sa Lola Grande ng mga anak ko, nanay ng biyenan kong babae medyo malapit lang din ang bahay nila sa furniture shop ng mga biyenan ko sa Tagaytay Silang malalakad lang. Dahil uuwi na kami dito sa bahay kaya binisita namin ang Lola :) Pagpunta namin nandun din pinsan nila yung nakatalikod na nakapink, baby pa ito huli nilang kita. Bumisita lang din kay Lola. Kaya natuwa pinsan nila may kausap at kalaro na siya. Kaya nalungkot nung umuwi na ang mga ate.…
Bunso Virtual Recognition Ito ang araw na pinakahihintay nating mga magulang para sa ating mga anak ang kanilang tagumpay nalagpasan ang isang buong taon sa pag-aaral. Ang sarap din sa pakiramdam bilang magulang makatanggap ng karangalan ang ating mga anak. Kahit Online Distance Learning ang kanilang pag-aaral nakakatuwa may karangalan silang natatanggap :) kahit ito'y Virtual Recognition lamang. Congratulations to my bunso. Patuloy lang sa pagsisikap sa pag-aaral at maging…
Virtual Recognition/Releasing of Card, Medal and Certification Kaninang umaga ang Virtual Recognition ng aking panganay nauna yung kay bunso kahapon ng hapon. Ang ganda ng ngiti ng aking prinsesa parang kay bunso kahapon tuwang tuwa rin nakita sa telebisyon ang mukha niya haha. Ang saya lang bilang magulang sila'y nakatanggap ng karangalan :) Nagbubunga ang pagsisikap at pagpupursige nila. Kaya naging abala rin Kasi pagkatapos ng Virtual recognition ng aking panganay…
Pizza for Snack ^_^ Kahapon pa ang dalawa nangungulit na gusto daw nilang pizza naniningil sa award nilang natanggap haha. Sabi ko bukas nalang dahil nandito daddy nila work from home nasa kasi ngayon ayaw pumayag na maextend na naman bukas. Kaya nagpadeliver ang daddy nila, pagkagising nila kanina hinanap kaagad ang pizza haha. Ngayon lang din uli makapagpizza kaya tuwang tuwa sa paborito nilang meryenda :) Ito rin paborito nilang flavor cheese overload :) Deserve naman din…
Avocado with Milk Naghatid ang kapatid ko ng blessings ang daming avocado na binigay. Marami daw kasi sa likod bahay nila kaya naambunan ako :) Ang ganda rin ng laman niya masarap papakin pero siyempre mas masarap kung may gatas hehe. Kaya nilagyan ko ng condensed milk para mas enjoy siya kainin. Kaming mag-asawa lang kumain ayaw ng dalawang dalaga namin ang arte lang :) Hindi kasi nila kilala ngayon lang din ako gumawa ng ganito. Kapag sa pagkain o ulam din ganyan sila ayaw…
Nuggets for Lunch Isang mapagpalang araw Noise fam! Nakapananghalian naba kayo.? Wala akong maisip na ulam namin ngayon kaya nagluto nalang ako ng nuggets para sa mga chikiting ko. Nakabili ako ng ginataang puso ng saging yun na ulamin ko. Dahil night shift si mister mamayang hapunan pa ito kakain naghihilik pa ngayon hehe. Mabuti nalang work from home lang schedule niya hirap din magnight shift papasok sa workplace wala na masyadong masakyan. Dito ko na niluto sa air fryer…
Owen my Girls Pet Isang mapagpalang araw ng Biyernes sa ating lahat. Naging abala ako nitong mga nakaraang araw kaya ngayon lang nakabisita :) Natatawa lang ako dito sa alagang pusa ng mga anak ko pangalan niya si Owen yan pinangalan ni bunso sa kanya :) Pinapabilhan nila ito sa daddy nila ng cat food kaya dito na talaga sa bahay tumatambay. Pero hanggang sa labas lang siya ng bahay ayaw kong papasukin sa loob dahil magkalat ang balahibo pinapasok ko siya saglit lang. At…
Happy and Blessed Sunday! Itong araw ang selebrasyon ng church sa ika-28th years na katapatan ng Diyos. Kanina po itong umaga at halos kakauwi lang din namin may kaunting salo-salo pagkatapos ng gawain ni Lord doon na ang pananghalian ng lahat ng dumalo. Kaya maraming ligpitin kailangan pagtulungan at picture taking na rin pagkatapos hehe. Papuri sa Diyos sa katagumpayan ng Kanyang gawain! All the Glory and Honor belongs GOD! Hope you enjoy your weekend filled with God's…
Tinolang Manok may Tanglad Nakapananghalian naba ang lahat kami katatapos lang din :) Ito naisipan kong ulam na lutuin ngayon para makahigop ng chicken soup si mister. Nilagnat kasi kahapon mabuti nalang nung ininuman ng paracetamol medyo bumuti ang pakiramdam pero may sinat parin at walang gana kumain kahapon biscuit lang kinakain at tinapay. Mabuti nalang dito lang sa bahay schedule niya sa work kahapon kaya nakapagtrabaho parin kapag hindi busy nakakahiga siya kaya…
Household Chores Ito ang aking bunso tinuturuan kong gumawa ng mga gawaing bahay. Dahil bakasyon na at walang pasok dapat matuto na kahit sa simpleng paghugas ng mga pinggan. At nag enjoy naman siya sa kanyang ginagawa habang naghuhugas siya binabantayan ko naman kung maayos ba pagkahugas :) Kahit naka apron na basa parin ang sando niya hehe. Hinahayaan ko nalang basta matuto lang. Palitan sila ng ate niya sa paghuhugas kada araw tuwing tanghali ang schedule nila, ako naman…
Pasalubong ^_^ Nakabisita ang aking mga biyenan galing Tagaytay kaninang umaga at nakakatuwa may dala uli silang karneng baka at may pa-breakfast din galing kay jobee :) Dalawang kilo ng karneng baka ang dala nila tig-isang kilo ng buto-buto at pangsteak. Nakatipid kami sa badyet at masarap pa ang ulam, mga gulay nalang binili ko dinamihan ko na ng gulay ang Nilagang baka. Makakatikim lang talaga kami ng ulam na karneng baka kapag nagdala mga in-laws ko :) Hinati ko sa…
Throwback Friday! Mapagpalang gabi Noise fam! Pasensya na kayo naging abala lang kahapon at ngayong araw kaya ngayon lang nakabisita sa inyo. Naglinis kasi ng bahay kahapon dahil day off ni mister para may katulong akong maglinis dami kasing nakatambak na bagay na hindi naman ginagamit. Kailangan ng itapon o ipamigay kaya medyo lumuwag na after namin maalis ang mga nakatambak. Kaya maaga natulog kagabi medyo napagod at ngayong araw laba dami naman mabuti nalang umaraw nitong…
Simple Snack Nagpaluto kanina mga dalaginding ko ng bananacue mas makatipid rin kasi kapag magluto nalang kaysa bumili isang stick nasa kinse pesos na tapos dalawang saging lang na maliliit. Mas masarap pa kapag ako nalang magluto haha yun sabi ng mga anak ko :) binobola pa ako haha mas masarap nga naman kainin kapag mainit init pa :) Naging abala rin sa araw na'to kaya pasilip-silip lang dito. Daming pinagkaabalahan at mamaya kaunti aalis naman puntang church may praktis ng…
Homemade Burger Steak Ang simpleng ulam ngayong pananghalian ulam burger steak niluto ni mister :) Naggisa lang daw siya ng bawang at mushroom bumili ng isang lata hindi na sinama ang sabaw maasim kasi yun. Ginisa niya sa butter pagkatapos ilagay ang tinunaw na harina at nilagyan ng beef cubes isang piraso para mas malasa at masarap may kaunting toyo rin para magkulay brown ang sauce :) Tuwang-tuwa naman ang dalawang girls namin ang sarap daw lasang jobee ang burger steak na…
Pasta Cheese & Broccoli Naghahanap ako ng makakain nakakagutom magtupi kaytagal na itong tupiin ko ngayon lang naasikaso. Sa isang linggong labahan kaya sobrang dami din ang tupiin :) Nakita ko itong binigay ng kaibigan ko na pasta matagal na itong stock ngayon ko lang naluto, tikman natin kung masarap. Sinunod ko lang instruction sa likod magpakulo lang naman ng tubig at gatas tapos kaunting butter kapag kumulo ilagay ang pasta. Hintayin lang ng limang minuto haluin…
Happy Lunch Namimiss ko ang lumpia kaya ito naisipan lutuin na ulam ngayong lunch hanggang dinner na yan :) Bumili lang akong giniling halagang isang daan at tatlong karots mas masarap kasi kapag maraming karots. Ang ganda rin ng lumpia wrapper mahahalata mong bago ang bango niya :) Kinulang ng wrapper kaya pinrito ko nalang ang sobra nilagyan ko lang ng crispy fry. Bumili rin akong isang balot ng pangpakbet na gulay halagang bente pesos para may gulay naman. Walang sahog na…
Throwback Thursday ^_^ Ito yung una at huling beses manood ng sine mga chikiting ko nasa Tagaytay kami nito sa Lolo at Lola nila. Sobrang nag enjoy sila sa pinapanood nila na palabas "Frozen II". Halos lahat yata ng bata gusto ang movie na'to lalo na mga bebe girls :) Ang ingay nga nila nanood nakakatuwa rin kasi nakakaintindi na sila sa pinapanood at panay ang react lalo na bunso ko :D Hindi na uli nakapanood ng sine lalo na sa panahon ngayon kailangan yata vaccinated ang…
Bunso Hobby Isang mapagpalang gabi Noise fam! Naging abala ako ngayon araw laba dami day hinati ko lang ang labahin sobrang dami kukulangin ang hanger kapag nilabhan ko lahat kaya sa Lunes na ang iba :) Maulan pa kaninang umaga mabuti sa hapon maaraw na kaya medyo nakatuyo rin sampay nalang uli bukas. Natutuwa lang ako kay bunso hindi nya alam kinukuhaan ko siya ng litrato ayaw kasi niyan may magpicture sa kanya habang gumuguhit nadidistract yata siya hehe. Ito talaga ang…
Owen Takot ^_^ Mapagpalang araw ng Sabado sa ating lahat. Biglang umulan ng malakas ngayon hapon mabuti nakatuyo na ako sa mga nilabhan ko kahapon. Natawa ko dito sa alagang pusa ng mga anak ko si Owen natakot kanina sa malakas na kulog. Kaya biglang natago dito sa may pintuan. Natakot rin siguro siya mabasa sa ulan kaya rin nagtago :) Nasipon pa naman ang pusa nato kaya hindi pwede maulanan haha. Baka may ideya kayong gamot paano mawala ang sipon ng mga pusa?medyo matagal…
Jobee Dinner/Meryenda Napakagenerous talaga ang mga biyenan ko sa kanilang mga apo kaya damay kami lagi sa pagkain kapag bumibili sila para sa mga bata :) May deniliver silang items ng furniture shop nila at madadaanan dito sa bahay kaya pinasundo nalang sa gate ng subd. ang meryenda ng mga apo :) Nagmamadali kasi sila uuwi pang Tagaytay pagkaabot ng snacks at dinner ng mga bata umalis na kaagad. Isang maulan na araw ngayon kaya ang sarap lang kumain at matulog :D Pagkatapos…