Join 82,382 users already on read.cash

Di na Mababawi

59 57
Avatar for Ruffa
Written by Β Β 1135
2 months ago

Hindi naman sa nilalahat ko pero bat ang daming tao na paasa? Yong pakikiligin ka, nagbibigay pa ng motibo at todo todo pa ang banat sa'yo tapos sa huli joke lang pala ang lahat? Yong akala mo may patutunguhan, yong akala mo may maganda ng nabubuo pero yon na nga "Akala" akala lang talaga ang lahat. Pinasaya ka ng sobra, pinakilig ng mga 100 times tapos in the end laro lang pala sa kanya ang lahat. Yong kala mo tuloy tuloy ng makukulayan ang mundo mo. Hindi lang isang kulay iba iba pa pwedi ng rainbow. Tapos sa huli babalik lang sa black and white na parang yong lumang TV ng Nanay mo matapos isampal sayong walang kahulugan ang lahat.

Matapos nyong magbatuhan ng mga sweet nothings and sweet messages sa isa't - isa, biglang isisigaw sa mukha mo ang malaking katotohanang WALANG KAYO, WALANG TAYO, WALANG WALA!!! Sana nong una palang sinabi na agad na laro lang pala ang lahat ano. Para naman nalagyan ng malaking harang ang puso para hindi nadadala sa matatamis na salitang akala mo'y tunay dahil sa tono ay akala mo'y totoo. Ay dun na nga ulit papasok si AKALA! Akala nalang lagi, si akala na walang malay. Si akala na laging nagiging dahilan ng nga pusong luhaan. Si Akala na laging nasisisi kahit walang wala syang idea na ganon na pala kalaki ang kasalanan nya.

"Ako ang nasisisi, ako ang nakikita, ako ang laging may kasalanan..." Parang yong kantang yan, maididikit na sa pangalan ni "akala" kahit hindi naman nya kasalanan na masyadong assuming ang ilan. Lahat nalang bibigyan ng dahilan tapos mamaya iiyak ng akala mo'y namatayan. Papalahaw, magwawala tapos kung sino sino pa ang sisisihin ee sa kanya naman talaga nagmula ang problema. Marupok masyado, lahat nalang bibigyan ng kahulugan. Kukulayan ng pilit kahit hindi naman talented na mangguguhit. Para lang yang prutas ee pag hinog sa pilit, nagiging matabang walang lasa walang tamis at walang bibili - tapos malulugi.

Ngayon isipin mo ang connection nila, at malalaman mo - malalaman mo na ang pilit na pagmamahal ay walang maidudulot na mabuti. Hindi kalang bibigyan ng sakit ng ulo, sakit ng katawan, sakit ng matres, sakit ng bewang, sakit ng ngala ngala or kahit anong sakit pa iyan - maaari ka rin nyang bigyan ng dahilan na hindi na ulit magmahal dahil nasaktan kana ng a million times, kaya sa huli'y iyong mapag didisisyonan.. Hindi nalang magmamahal, hindi nalang susubok ulit at pipilitin ng sarhan ang pusong nasaktan. Marami ng pwdng gawing dahilan at isa na doon ang pagiging marupok mong nilalang.

Pero mabalik tayo ulit sa mga nilalang na sobrang galing magpaasa tapos di naman kayang panindigan ang ginawang katarantadohan. Tatakbo agad palayo kapag nakita nilang masyado ng nagiging swryoso ang lahat. Yong pag nakita nilang hulog na hulog kana bigla nilang ilalagapak ang bomba sa harapan mo at iiwanan kang luhaan - hindi lang luhaan dahil winasak na nya lahat pati ang pangarap mong magkaroon ng magandang hinaharap kasama ang iyong minamahal. Tinalikuran, sinaktan, pinaasa at binigyan ng malaking dahilan para maniwala na ang true love ay kathang isip lamang. Na walang chance para ang pag ibig ay masuklian.

Na wala kang karapatan na sumaya, na Hindi para sayo ang pagmamahal, na hindi ka mamahalin kelanman at walang naka sulat sa palad mo na mamamahalin ka rin ng taong mahal mo. Ang saklap lang pero maaaring ganon na lang nga ang isipin ng iba. Mauuwi sa depression dahil sa walang kwentang nuno sa punso na minahal mo lang naman pero bakit sakit pa ang isinukli. Pwd namang kwarta nalang tapos dollars para lungkot ay mapawi. At ang hinagpis na dulot ng kanyang pagpapaasa ay mejo makalimutan, lol. But kidding aside, sana di nalang pinaasa, sana di nalang inulan ng mala asukal nyang banat para lang putaktihin ng langgam latur.

--

Heh πŸ₯΄, can't think of a topic again that's why I have decided to just write a tagalog hugot na I know a lot can relate lol. Writing this one is a lot easier than if I write something else. I actually thought of this after listening to some good music. You know, Spongecola, Silent Sanctuary and Eraserheads songs hihi. They are one of the best you see. Good thing I listen to it coz a thought suddenly pop up in my head and then cachinfgggg voila, surprise, tadaaaaa hihi.

I hope you enjoy reading this and I hope you go back to that time where you also experience this kind of scenario. Where you pour all of your love into that someone and after doing all of that they will slap the truth to your face that all of what's going on is just NOTHING but a joke, a game and it's really just nothing. You're the only one who assume, you conclude that and this and you are the reason why you're hurting rigjt now.

So, if you're in this kind of situation right now. I hope you woke up right now to see what's really going on, hahahaha.

Ciao.


Recent Article


Read these to Start inΒ Club1BCH


November 14, 2021

--

27
$ 10.89
$ 10.09 from @TheRandomRewarder
$ 0.15 from @King_Gozie
$ 0.10 from @immaryandmerry
+ 16
Avatar for Ruffa
Written by Β Β 1135
2 months ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

From this, all my heartbreak nag flashback in my past lovelife.. Grabe sakit huhu yung binigay muna nga ang lahat. Halos wala ng matira dahil nasa kanya na ang lahat pero in the end bigla kana lang sasabihan na "your not enough" haha tagos sa puso! But in the end forgiveness and acceptance ang nangibabaw.. And now im happy to my new partner. Im newbie here! Godbless!

$ 0.00
2 months ago

Daming pafall sa mundo yung tipong magpapakita ng motibo then in just a snap magdidisappear nlang bigla. Awts gege

$ 0.00
2 months ago

Yun ang masakit, yung nagpapakita sila ng motibo but in the end sabihin sayo na "Walang Tayo". Sana sa simula sinabi nalang nila no? para dili tayo mag assume. Ang tahimik ng buhay ng tao tapos guguluhin lang, tas ang ending balewala rin. Hayyystt ang saklap.

$ 0.00
2 months ago

Bat ang sakit, relate ako dito,ung binigay mo na lahat pero at the end maghahanap pa siya ng iba.πŸ’” akala ko ako lang para sa kanya,pero akala lang pala.

$ 0.00
2 months ago

Awwwww, when mo naranasan? Nito lang ba? Awwww, awts, pain, pighati at pasakit haha. Ang dami din kasi nilamg ganyan ano aigooo.

$ 0.00
2 months ago

Matagal-tagal na din, pero minsan na aalala ko parin hihi,

$ 0.00
2 months ago

Haha awiehhhhehhhhh, meron nga hhaha.

$ 0.00
2 months ago

Bakit nga b may ganun? Prang madali lng sa knila na manakit ng damdamin... Dun k na lng muna sa article ni madam jane jeje.. oo, alam q tApos mo na un pro balikan mo pra mahawa k ulit sa magandang ending πŸ˜‚

$ 0.00
2 months ago

Hahaha bakit nga kaya ano? Never kapa naging paasa madams? Hahaha

$ 0.00
2 months ago

Though I could not understand all, but I know that Music was your inspiration to write this. Well, I might need to listen to some music too.

$ 0.00
2 months ago

Hehe yeah it's from music i mean I was inspired to write it because od it. Thanks by the way 😍

$ 0.00
2 months ago

Ito ang pinaka ayaw ko, lalo na marupok ako. Naku Po!

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha ingatan ang puso kung ganon, pero matulog kana bata hoyyy ala una na.

$ 0.00
2 months ago

Bago lang po ako natapos galing sa bakbakan ng School Works.

$ 0.00
2 months ago

Ate knock knock! Kunwari nag who's there ka na

"Hiniwang pusit" Di mo na mababawi hiniwang pusit sa mga salitang binitiwan mo.

Chour. Ktnxbye hsahhsshah. Ayan kasi bawal assuming daw pero why kasi sila paasa ano? (Feeling may experience. Haha)

$ 0.00
2 months ago

Sagad naba iyan Marygoround, bat mas nalungkot ata ako jan sa banat mo na iyan πŸ₯ΊπŸ€£πŸ€£πŸ€£. Wag kana magmamahal Marygoround, baka madali ka ng ganyan naku yari. Buti nalang wala pa akong experience na ganyan. Ahahahahah

$ 0.00
2 months ago

Ah wala pa ba? Ows? Hahaha

Sorry na nga sa banat e kasalanan ng pusit talaga yon hahaha

$ 0.00
2 months ago

ouch naman eto baby gerl

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha why naman Noona, ikaw mandin ang ganito? Jahahaha

$ 0.00
2 months ago

mapanakit to masyado kasi totoo naman..pero hindi naman ako gnito kasi di ako masyadong paasa hahha

$ 0.00
2 months ago

Bwahahha, pero paasa pa rin Noona blehhh ahahaha

$ 0.00
2 months ago

huh ? on which part?

$ 0.00
2 months ago

Ay paasa na sa una sa huli pasakit:)

$ 0.00
2 months ago

Hahaha naransan mo na?

$ 0.00
2 months ago

MedyoπŸ˜€

$ 0.00
2 months ago

Naku careful na talaga tayo sa mga paasa na yan. Sa una lang sila magaling pero pag nakuha ka na, I mean pag naging kayo na, eventually mawawala na yung mga asukal na feelings na pinakita nung una

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha, why naman kasi nakuha ahahahaha. Alin ba ang nakuha ang jewel in the palace? Jahahaha kaya nga may mga ganyan din talaga ee mga fvck bois πŸ™„

$ 0.00
2 months ago

Ang lalim ng hugotπŸ˜…πŸ˜… bakit nga ba kasi may mga paasa.πŸ˜… sa una kala mo kayo pero ganun pala siya sa lahat.πŸ˜…πŸ˜…

$ 0.00
2 months ago

Ayiehhhhh, parang may pinaghuhugutan naranasan mo na ano? Hahaha

$ 0.00
2 months ago

Slight 🀭🀣 kaya nakakaasar yang mga paasa buti hindi ako umamin kung hindi nayari kana dai🀣🀣

$ 0.00
2 months ago

Mukhang ang lalim ng pinaghugutan sis ah..ang iba siguro dyan eh pinagdaanan mo na..hehe..napakaswerte ko pala kung tutuusin dahil never ko naranasan na yung parang pinaasa ng taong minamahal...first crush, first love, first bf ko kasi si mister..hehe..hindi na nakalingon pa sa iba..c

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha walang nagpaasa sakin hoyyy kathang isip lang yan lahat ahahahaha. Bat parang dalang dala kayo sa mga hugot ko wahahahaha. Anyways, yiehhh, lucky you. Grow old with you naba iyan 🀩😍

$ 0.00
2 months ago

Palagi mo naman kaming nadadala sa stories mo sis..hahaha...

Sana nga sis hanggang sa pagtanda magkasama tayo

$ 0.00
2 months ago

Wow sana lahat haha

$ 0.00
2 months ago

Inggit ka Meyzeeeeeepot? Juwa kana kasi ahahahaha. Ayaw mo ba alisin yang pagka nbsb mo? Yiehhhh hahaha

$ 0.00
2 months ago

"Hindi kalang bibigyan ng sakit ng ulo, sakit ng katawan, sakit ng matres, sakit ng bewang, sakit ng ngala ngala or kahit anong sakit pa iyan" 🀣🀣🀣. Mapapaihi na lang ako neto. Iba ka talaga pag lumabas pagkakalog mo noh? 🀣🀣🀣

$ 0.00
2 months ago

Bwahahahaha, legit ba yan madams ahahaha.

$ 0.00
2 months ago

Mukang ako yong paasa dati hahaha. Sorry nman eh sa Hindi ko pala siya mehel 😁.

$ 0.00
2 months ago

Hahaha ee ngayon? Mehel ne mehel ne? Ayiehhhhh ahahaha

$ 0.00
2 months ago

Natawa ako sa hugot mo sis.. Ang lalim haha been there but not anymore 😁😁

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha, relate na relate ka ee wari ko hahahaha

$ 0.00
2 months ago

Haha super πŸ˜…

$ 0.00
2 months ago

Kaya dapat we will not settle for less eh. Sa simula pa lang dapat tanungin na kung may patutunguhan ba. Dapat may label talaga. Sayang yung mga araw na ilalaan mo sa kanya na walang kasiguraduhan. Sayang yung mga araw na sana masaya ka na sa tamang tao. Char! Haha.

$ 0.00
2 months ago

Base on experience yan ano? Tanda ko pa yan Josepennnnnnn ung about sa inyo πŸ™„

$ 0.00
2 months ago

Sakit naman nito sis. May mga tao talagang mahilig mag paasa. Yung akala mo na siya na, yung akala mo makakasama mo na siya in the future pero akala lang pala lahat.

Ang sakit niyan sis. Grabe lalo na pag nahuhulog kana talaga sa taong yan. Bigla nalang bula na nawala kaagad. Parang panaginip lang lahat.πŸ’”

$ 0.00
2 months ago

Hahaha bat parang naranasan mo na sis? May pinag huhugutan tu πŸ€” hahaha. Masakit talaga iyan, kaya bago pumasok sa malabong usapan na ganyan - linawin muna ang score between you two.

$ 0.00
2 months ago

Hahaa oo sis. Ex ko dati. Nanligaw sakin tas hinintay ako 1 year tas nung naging kami na nag cheat.πŸ˜…

Oo sis. Pero minsan na prove mo na ma seryoso sya tas sinagot mo na, bigla nalang magbago. 😁

$ 0.00
2 months ago

Hahaha ay gegu naman nyan ahahaha bat pa sya nag antay magchicheat din pala ahahaha parang engot ahahaha

$ 0.00
2 months ago

Oo nga sis. Tama ka talaga. Ewan ko sa kanya. Nadala ata sa temptation sis...πŸ˜„

$ 0.00
2 months ago

Ipamukha mo pa sakin mare hahaha. Mafall ang talo sa larong yan.

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha, why why? Napag daanan mo na? When when? Wahahaha, ilag ka nalang mare ahahaha

$ 0.00
2 months ago

Kamakailan lang mare hahaha next please hahaha

$ 0.00
2 months ago

Hahaha arayko mare, dinadamayan kita 😭😭🀣🀣🀣

$ 0.00
2 months ago

Okay lang amre basta dalawa tayo hahaha

$ 0.00
2 months ago

Mukhang may pinaghuhugatan ka ate ah, ganyan tlaga ang bois mahilig makipaglaro lalo yung puso ng babae, sobrang rupok kase ng mga babae kaya madali mahulog sa mga salitang matatamis, yung tipong araw araw kang Chinachat tapos tinatanong kung kumain kana ba, aaakalain niyo na nag aalala sila, actually naglalandi lang naman ang mga lalake kapag bored sila kaya lesson learned wag umasa sa sa matatamis na salita or else ikaw din masasaktan.

$ 0.00
2 months ago

Hahahaha, wala akong pinag huhugutan hoyy pero nakuha ko yan sa kanta ee ahahaha. Totoo rin daming maano na guy ngayon, pero di naman lahat. Pero partly kasalanan din ng ibang gurl, masyado silang ano - yong iba lang ha not all.

$ 0.00
2 months ago

Malalim pinag hugutan nito ah mukhang may pinag dadaanan πŸ˜‚

$ 0.00
User's avatar EJ
2 months ago

Haha.. Tagalog nga.. Si Seqioua knina tagalog dn 🀣

$ 0.00
2 months ago

Hahaha nagka sabay sabay ano ahahaha.

$ 0.00
2 months ago