read.cash Log in
@ruby0622

Physical Fitness/Ruler Drop Test Sobrang abala kahapon pa may pinuntahan kami ni mister at sa araw na'to daming activities na ginagawa mga estudyante ko at may mga performance task pa, dito kami tumatagal sa PT basta bidyo ang gagawin. Kaninang umaga ito ginawa namin ng panganay ko ang performance task nila sa P.E. ang dami kaya naabutan kaming pananghalian hindi ko namalayan ang oras malapit na pala ang ala una:) Isa sa pagsubok sa physical fitness ang natuwa ako itong ruler drop test ilang beses muna kaming nagpraktis kasi hindi niya masalo ang ruler hehe, pati kami ni mister nakikisali dito at si bunso :) Sa pagsubok na'to nasusukat ang bilis na aksyon sa pagsalo ng ruler kasi walang hudyat kung kailan ito ilalaglag. Natapos rin ang sampung physical fitness na gagawin ng panganay ko pero super pagod din siya lalo na sa 3 minute step test medyo mataas kasi ang hagdan kung saan akyat-baba siya tapos may push up pa kaya todo exercise siya kanina haha. Isang mapagpalang araw ng Biyernes Noise fam! Ang bilis talaga ng araw weekend na uli at October na bukas nalalapit na talaga ang pasko :) https://noise.app/ruby0622

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.