Bunso Birthday Celebration Sobrang abala ko kahapon dahil kaarawan ni bunso, naghanda lang akong kaunti pansit para sa mga kapitbahay ipamimigay at mac & cheese na request ni birthday celebrant. Dahil birthday niya hindi pwede walang cake, kapag birthday dapat may cake daw talaga hehe. Kaya bumili ang daddy niya ng cake at sinamahan ng pizza na fave nila ng ate niya. Masaya na rin siya sa selebrasyon may bisita siya pagsapit ng gabi yung kalaro nila at dumating din ang kapatid ko at asawa niya. Nafeel na niya ang birthday niya kasi may visitors na daw siya hahaha. Pero naniningil naman sa kanyang regalo bakit wala daw siyang gift sabi ko kahapon bukas nalang. Tapos ngayon tinamad rin akong umalis para bumili ng regalo dahil maulan. Tinatandaan pa naman talaga kapag nangako ka, kaya sinabihan ko na bukas nalang uli kasi maulan may bagyo bawal lumabas hehe. Pumayag naman bukas singilin na naman ako uli nito mga bata ngayon talas ng memory kapag nangako ka hindi nila nakakalimutan :) Kumusta ang weather diyan sa inyo? Dito sa amin medyo lumakas na ang ulan hoping wag ng lumakas pa signal number 3 na dito sa Cavite nagulat pa ako sa alarm ng selpon ko na alert galing sa NDRRMC. Mag iingat po tayong lahat be ready and alert nalang tayo. Nag iipon na akong tubig baka mawalan maigi ng handa. First time ko pala magpost sa noise.app ko hindi ko pa masyadong kabisado sa kabila kakaumpisa pa lang. Hoping maging friends rin tayo doon hehe. Ito po ang link : https://noise.app/ruby0622 #Bunso8thBirthday
6 comments
happy birthday to her. sarap nman ng cake nya
Salamat sa pagbati sis...fave niyang flavor sa cake sis chocolate :)
Happy birthday!🎉🎂
Happy happy birthday sa anakis mo sis na follow na kita
Salamat sis sa pagbati at pagfollow mo sa kabila hehe hindi ko pa masyadong kabisado dun mag explore pa lang :)
Ganyan talaga sis maninibago ka kahit ako ganon din eh pero masasanay din tayo 😊