read.cash Log in
@ruby0622

Lunch Time Nagluto si mister ng ulam namin pork adobo, pag uwi namin galing church kanina mag alas dose ng tanghali ito niluluto niya. Nilagyan niya ng patatas na maliliit mabuti may stock sa ref medyo matagal na Ito nakastock. Hindi ko na pinabalatan ang patatas pinahugasan ko nalang ng maayos mas maraming bitamina daw kapag may balat hehe. Nung naluto ang ulam maghahain na sana ako tapos wala palang sinaing na kanin. Grabe nagutom na ako sa ulam tapos wala palang sinaing, ngayon kumukulo pa lang sinaing ko. Pinakain ko nalang muna ng tinapay mga anak ko. Hintay lang maluluto rin:)

12 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.