October 1st (Celebrating Lola's Birthday) Ito ay kahapon pa na ganap, dahil kaarawan ng aking biyenan na babae bumisita siya kahapon dito sa bahay galing Tagaytay para kasama magceleberate sa kanyang mga apo. Mag alas singko na sila dumating dahil nagpasahod pa daw sila sa mga manggagawa ng kanilang furniture shop kaya hindi pwedeng umalis ng maaga. Pinasyal lang mga apo sa mall at kapag nakapunta ng mall hindi pwede walang laro :) sumakay pa sila sa carousel hindi na bagay malalaki na sila at naglaro pa dito sa palaruan ng mga baby sabi ko sila nalang matanda naglalaro, pero gusto talaga kaya no choice kundi palaruin pagbigyan minsan lang naman medyo mahal kasi sa trenta minuto 150pesos kaagad hehe. Nung napagod maglaro kumain kaming samgyupsal nakakatikim rin uli hehe. Ang dalawang chikiting ayaw ng samgyup kaya binilhan nalang ni mister sa jobee nagpaalam muna kami sa restaurant ng samgyup kung pwede magdala ng ibang food pwede naman daw. Kaya ang dalawang makulit jobee kami lang ni mister at mga in-laws ko nagsamgyup. Kaya busog much kagabi, thank you Lord! Pagkatapos kumain ng mga chikiting nagpabili pa ng cotton candy sa labas kasi ng samgyup restaurant may nagtitinda. Kaya super enjoy ang dalawang bata spoiled lang kahapon binibigay kung anong gusto pa-birthday daw kasi ng Lola kay bunso hehe. Dito na natulog mga biyenan ko kagabi sa bahay at kaninang alas diyes ng umaga umuwi sa Tagaytay. Kapag Sunday daw kasi medyo maraming customer sa shop nila dahil maraming namamasyal kaya kailangan nilang umuwi :) Happy and Blessed Sunday Noise fam! #MallDay #HappyKids #SamgyupsalForDinner
5 comments
ang happy naman nagblow out si Grandma sa birthday nya. Panigurado happy na happy mga apo nya!😉
Oo nga sis sobrang nag enjoy ang mga apo hehe. Blessed Sunday!
wow thats so yummy
Happiest birthday to your granny long life good health always happy Sunday
Salamat iyong pagbati sis. Blessed Sunday!