read.cash Log in
@ruby0622

Scrabble Game Dahil weekend ngayon, pahinga daw muna sa mga activities sa school at playtime muna. Nandito sa bahay ang guy friend nila na english speaking hehe mapapalaban ka sa english kapag nandito ang batang 'to ayaw talaga magtagalog haha. Sa bahay kasi nila english speaking sila :) Ang mga anak ko lang din kalaro niya nahihirapan kasi mga bata dito sa amin maging kalaro siya dahil hindi siya nakakaintindi masyado ng tagalog. Ang mga anak ko naman ingles speaking pero nakakaintindi sila ng tagalog yun lang sinasagot ng ingles ang mga kalaro nagkakaintindihan naman sila hehe. Ang saya lang nila tingnan nagkakatuwaan maglaro ng scrabble at may natutunan pa. Nakakatuwa kapag ganyan ang nilalaro kaysa gadget dati wala pang scrabble na laruan kapag nandito sa bahay ang guy friend nila, ang hawak kaagad ay gadget at naglalaro sila ng roblox. Mga bata kasi ngayon, online games na ang alam laruin doon sila magaling :) Kaya dapat limitahan talaga mga anak natin sa paggamit ng gadget. Kumusta ang lahat?Kabilis ng araw weekend na uli sobrang init na naman ang panahon. Happy and Blessed weekend to all enjoy :)

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.