Paksiw na Dilis/Panghimagas Ito ang aking simpleng ulam sa pananghalian sa mga bata nagluto akong century tuna na may sayote, ayaw kasi nila ang ulam ko :) Kahapon pa itong paksiw na dilis niluto ko, bihira lang may tinda nito dito sa palengke namin. Namiss ko itong ulam maalala ko noon kabataan pa sa probinsya namin madalas ginagawa namin dito sa dilis ay kilawin kapag presko at ginagawang tinola. Dahil malansa pagkatapos kumain ng paksiw kailangan may panghimagas. Ang arte lang dati naman noon ganito lagi ulam namin sa probinsya hindi ako nalalansahan. Pero ngayon kailangan may matamis na kendi akong kinakain pagkatapos mag ulam ng paksiw, masarap na ulam pero pagkatapos gusto ko may kinakain na matamis para maalis ang lansa arte lang haha. Mabuti itong si mister may binili na panghimagas ito ang paborito niya. Sabi ko dapat bumili rin ng kendi na matamis masarap kasi kumain ng ganun pagkatapos ng meal pampaalis umay o lansa mahal kasi ang chocolate kaya kendi nalang mas mura hehe. Kumsuta ang lahat? Ang gulo ni weather ngayon, aaraw tapos uulan naman kaya yung sinampay ko labas-pasok nakakapagod kaya hindi ko na nilabas :)
5 comments
grabee ang bango niyan sissy kasi may dahon nang saging ganyan din ginagawa namin sa bolinao sis hehe butangi calamansi ang isda sis hugasan muna tapos lagyan nang calamansi pantanggal lansa
Oo nga sis ginagawa ko rin yan sissy pampaalis talaga ng lansa kapag pinigaan ng kalamansi pero kapag naubusan ng kalamansi diretso na luto hehe
Ito nga madilim na naman nagbabadya dala ng habagat yarnmay buntot pa
Maulan na dito sis kaya nga dahil sa habagat kaya hindi maganda ang panahon.
Nakuh sis ganon din dito ang lakas ng ulan dito magmula 3pm now lang humina