Ginisang sayote at Pritong tinapa Ito ang aming simpleng pananghalian ng mga anak ko, wala kasi dito si mister nasa Tagayatay sa mga magulang niya dahil nahospital ang kanyang kapatid doon. At dahil kami lang mag-iina magkakasundo kami sa ulam maarte kasi ang daddy nila mapili sa ulam hehe. Naggisa lang akong sayote may stock kaming century tuna nilagyan ko. Grabe ang mahal na talaga ng gulay ngayon magulat ka sa presyo dalawang sayote lang kwarenta na kaagad mahigit. May naglako kahapon ng hapon na tinapang galunggong bumili na rin ako isang balot kwarenta din tama lang sa presuo niya, kaya ito partner sa gulay namin na ulam. Hanggang hapunan na ito na ulam namin tipid-tipid muna ngayon ang hirap magbudget sa araw-araw na uulamin sa mahal ng bilihin. #LunchTilDinner
16 comments
Kung ano pa yung simple na ulam yun din ang masarap
Kaya nga sis para sa akin masarap na dahil sanay naman sa ganitong ulam lang :)
paboreto lo din ang sayote sis... sarap kapag gisado ...
Kaya nga sis masarap na kahit seasoning lang walang sahog busog kana :)
hahah cheat muna sissy habang wala pa si mister hindi ko masyado gusto si sayote sis peru kumakain naman ako pag may ganyang luto ang
Kaya nga sissy makatipid ako kapag wala si mister hehe. Kami ng mga anak ko sis gusto ang gulay na sayote kahit seasoning lang walang sahog masarap na :)
Parang partner ko mas maarte pa sa amin. Kapag kaming mag iina kahit anong ulam lang hehe. Sarap kaya tinapa.
Same pala tayo ng partner sis kaming mag iina rin walang problema sa ulam kapag nandito si mister medyo magastos sa budget ng ulam hehe
Kaya sabi ko kapag d nya gusto ang ulam luto siya ng ayon sa lasa nya hehe.
yan ang perfect combination kahit ganyan lang sya pero ang sustansya niya mararamdaman mo iba din kasi kapag gulay at isda ang pinagsama mo
Kaya nga perfect combination talaga ang pritong isda at gulay na ulam. Tipid-tipid muna sa budget :)
Pkain sis. Khit tinapa lng
Ang sarap nga ng tinapay sis mas gusto ko rin itong galunggong na tinapa walang tinik kasi masyado :)
sarap naman ulam nyo, sis
Aruy combination ang ulam sissylabs ah
baka naman may natira pa sis hehehe (para sakin 😂)