read.cash Log in
@ruby0622

Mac and Cheese Isang mapagpalang araw ng Sabado Noise fam! Sobrang init ng weather ngayon tirik na tirik si haring araw kapag hindi ako naglalaba pansin ko ganito ang panahon haha. Kapag naglalaba ako madalas umuulan, kaya itong asawa ko kapag nakita akong naghahanda ng mga labahan sabihin kaagad alam ko na ang weather ngayon mamaya uulan dahil maglalaba daw ako haha. Anyway, ito ang aming simpleng meryenda ngayong hapon Mac & cheese. Ito ang request ng birthday girl, ang aking bunso. Ang cake to follow na dahil tulog pa ang bibili night shift kasi ang daddy nila mamayang alas kwatro medya daw siya bibili ng cake. Nagluto rin akong pansit bihon para ipamimigay sa aming kapitbahay wala masyadong gulay ang aking pansit ang akala ko kasi may repolyo pa sa ref wala na pala tinamad na akong bumili :) Ang sabi pa ng aking bunso, parang normal days lang daw ang birthday niya ngayon, wala daw kasi kaming bisita hindi kagaya nung nakaraang birthday niya marami siyang visitors hehe. Ang plano kasi namin kakain lang sa labas para walang gastos masyado kailangan magtipid :) Sabi ni mister sa day off na daw niya sa Miyerkules ang selebrasyon magdinner lang kami at may pasok din mga chikiting sa araw na yun. Ang sarap daw ng mac and cheese na niluto ko kumpara sa niluto ng daddy nila nakaraang birthday ng aking panganay mas cheesy daw :) #SnackTime #MacAndCheese #BirthdayGirlRequest

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.