Grocery Budget Halos tatlong araw din nanahimik namiss ko mag ingay hehe hindi kasi maganda pakiramdam mga nagdaang araw kaya pahinga muna sa pagbabad ng gadget. Ngayon medyo okay na pakiramdam tambak din mga gagawin, naglaba dami kaninang umaga mabuti nakiayon si weather, kaya nakatuyo ng nilabhan. Pagkatapos, mga activities naman ng mga estudyante ko nahihilo ako mag assist sa dalawang anak ko daming tanong haha hirap maging titser :) Nakasahod pala si mister kahapon kaya nagbudget na kaagad ng grocery para in case maubusan ng allowance may mga de lata o noodles kaming maiulam at hindi rin pabili-bili sa tindahan. Nasa 2k na kaagad mahigit ang nagastos hindi naman ganun kadami ang nabili halos mga snacks lang ng mga chikiting, malalaki na sila kaya mabilis maubos ang stock nila na pagkain :) Sobrang mahal na talaga ng bilihin ang sahod hindi naman tumaas ang hirap magbudget. Ang pasalubong na binili ng daddy nila para sa akin na butter macaroons, mga chikiting lang din nakaubos isang araw lang halos ubos na kaagad may tatlong piraso natira masarap daw kasi hehe. Have a great and blessed night :)
19 comments
Oreo sis yummy
Oo nga sis fave din ng mga anak ko :)
Daming foods ng mga chikiting mo sis. Hehe..
Oo nga sis hindi pwede maubusan kasi panay bili sa tindahan mas mapagastos Ka kaya dapat may stock silang meryenda :)
saya ni bebe girl sis 😊
Basta maraming food sis ang saya nila :) kailangan may stock na meryenda nila mapagastos Ka kapag panay bili sa tindahan.
Pag budget Ang pinag usapan relate ako dyan. Mahirap talaga mag budget, dahil nga sa ung budget natin eh yun pa rin tapos Ang bilihin ay tumataas Ang presyo. Kailangang mag isip ng mga paraan kung paano ba ang gagawin para magkasya. Pagtitipid Ang unang naiisip natin di ba . Kung paano magtipid yun Ang gagawan natin ng solusyon. Paano ba magtipid ? Parang Ang hirap sagutin ng simpleng Tanong na ito at mahirap gawin d ba.
Masarap tulog mo nyan mamaya sis kasi napagod ka sa buong araw. Kaka okay mo lang sumabak agad sa gyera hihihi laban. Hahaha atleast may naiwan pang tatlong piraso na macaroons para sayo sis makakatikim kapa sa pasalubong ng hubby mo sayo hihihi.
Kaya nga sis mabuti nalang may natira okay na rin naman sa akin kung wala meron sila ganun naman talaga tayong mga ina sis masaya lang mga anak happy na rin tayo :) Good evening sis.
Tama sis. Mas gugustuhin natin sa kanila lahat kaysa sa atin.
Mahal na talaga ng bilihin jusko
Kaya nga hirap magbudget sa mahal ng bilihin dami pang bayarin pero ganun pa man tiwala lang God will provide sa ating mga needs.
True trust lang natin sya
at tataas pa kamo. kaloka
awit na aba
malapit na hahaha
wow daming pang snaks
Ok nga yong isang libo onti lang ang mabibili sa sobrang mahal.Gandang Morning.
Kaya nga sis sa isang libo mo kaunti lang talaga ang mabili. Gandang hapon sis.