read.cash Log in
@ruby0622

Late Birthday Present https://noise.app/ruby0622 Grabe lang ang ngiti ng aking mga prinsesa lalo na ang bunso ko wagas lang hehe. Natupad ang gusto niya na regalo sa kaarawan niya. Dahil nangako ako ng gift ayan napabili talaga kanina dahil naningil na naman ang aking bunso wala na daw ulan pwede na akong bumili hahaha. Alam ko naman na sisingilin ako nakaraang araw pa kasi dapat daw yan dahil yun ang araw ng birthday niya :) Ang ate din nakisali sa regalo dahil wala daw siyang regalo nakaraang birthday :) Maganda naman pinabili niya na gift Scrabble lahat kami gagamit o maglaro nito pampatalino na rin haha. Si bunso guitar ang pinabili na regalo kahit laruan lang daw. Sabi ko hindi na bagay ang laruan sa kanya kasi big girl na siya haha. Kaya ayan nabili kong guitar sabi ko aralin niya para matuto siyang gumamit :) Kaya happy na sila sa kani-kanilang natanggap na gift. Medyo busy ang araw nato sa mga activities maraming performance task silang ginawa, kaya walang time gamitin ang kanilang regalo :) Kumsuta kayong lahat Noise fam? Hoping maayos ang lahat sa bagyong dumaan, dito lumakas ang hangin at ulan kagabi pero hindi naman ganun katagal. Salamat sa Diyos umalis na si karding. Stay safe all. #HappyKiddos

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.