Presentation done Blessed evening Noise family! May task ang aking panganay sa Math subject na problem solving at kailangan ibidyo habang sinasagutan para malaman ng titser paano sinagutan ng bata. At kailangan din i-explain ang nakuhang sagot. Syempre bago kami magbidyo nagpraktis na kami sa kanyang gagawin at explanation hehe para mabilis matapos :) Gumamit na rin ng white board para doon niya isulat o ipakita ang solusyon. Natuwa naman ang titser sa presentation ni panganay mabuti nalang nasend sa messenger mahigit apat na minuto rin ang tinagal ng bidyo :)
12 comments
Waw sipag naman. Good job si ate
Salamat sis :) fave niya na subject kasi ang Math sis kaya masipag hehe
Nice naman baka maging engineer yan or architect balang araw hehe
Haha kung anong gusto suportahan sis pero umpisa 4yrs old pa siya hanggang ngayon hindi parin nabago ang sagot gusto niya maging chef paglaki hehe
Chef tas magaling sa math haha ok cge kailangan naman ang numbers pag nagluluto eh haha
Haha oo nga sis kakailangin rin ang pagbibilang sa pagluluto haha
Very good naman ang mga estudyante mo, ka-noise! Nasa puso nila ang Pag-aaral. Good night, ka-noise!
Salamat mate...gusto niya kasi ang subject din kaya masipag mag aral hehe. Good night.
kakatuwa pag mga anak natin masipag mag aral Nakaka proud sisπ
Oo nga sis nakakaproud talaga bilang magulang sis :)
Congrats sa inyong performance. Kids really need the support of parents in their studies. Good job mom. Behind the success of kids in their study performances are the supportive parents.
Thank you sis...ganun Naman dapat tayong mga parents sinusuportahan ang mga anak :)