read.cash Log in
@ruby0622

Yummy Spicy Ramen! Maulan ngayong araw pagsapit ng hapon mabuti nalang at maaga akong natapos maglaba kanina, alas sais pa lang nag umpisa na akong maglaba kaya natapos ako ng alas otso medya banlaw nalang ginawa ko dahil pinaikot na ni mister madaling araw pa lang. May work from home kasi si mister at night shift kaya sabi ko isalang ng maaga ang labahin. Nakatuyo rin sa ibang labahin dahil naka spin naman. Dahil maulan ang weather ngayong gabi, nagcrave akong spicy ramen for dinner kaya pinabili ko si mister. At itong asawa ko pagdating sa pagkain walang tipid-tipid, sa korean mini mart pa bumili ng instant ramen may malapit kasi dito sa amin at may mga sahog pa na pangshabu-shabu kompleto pa talaga ang mga balls :) Pinabili ko kasi ramen spicy lang tapos gulay na pechay baguio mas masarap kasi may gulay, pero napagastos hehe. Sulit naman sa sarap ang ramen medyo nawala lang ang lasa ng dahil siguro sa dami ng sahog niya. Mabigat na rin sa tiyan hindi na ako kumain ng kanin ito lang busog much na at dahil spicy hindi makakain mga chikiting kaya nagpaluto rin sila ng beef noodles. Hindi namin naubos ni mister nilagay ko nalang sa ref para hindi masira for breakfast naman ang natira :) https://noise.app/ruby0622 #SpicyInstantRamen

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.