read.cash Log in
@ruby0622

Throwback Thursday Nakakamiss ang moment na'to kasama ang aking kapatid, magkasama kaming nagtatrabaho sa malayong lugar na'to. Nauna lang ako ng dalawang taon sa kanya. Hanggang ngayon nandun parin siya sa lugar na'to hindi niya talaga pinagpalit sa pag aasawa ang kanyang career sakit lang daw sa ulo ang pag-aasawa which is totoo naman hahaha. Ako naman gusto ko makita ang mini me version ko Kaya kahit sakit sa ulo enter parin haha. Masaya naman ako dahil may dalawang prinsesa ako hindi man sagana sa materyal o pinansyal, sila ang aking kayamanan :) Ang saya lang din balikan ang moments sa lugar na'to dito rin kami nagmeet ni mister, magkasama kami sa trabaho :) Isang dekada na rin mahigit ang alaala na'to. Namiss ko yung halos every Sunday dahil walang work nasa beach kami tapos daming baon na food, pagkain talaga ang habol hehe. #GtmoMemories #WithMySister

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.