Scrabble with Fam ^_^ Pagkauwi ng mga kiddos sa school kaninang alas dos, gumawa kaagad ng mga activities. Pagkatapos sa kanilang mga homework nagyaya ang mga dalaginding ko na maglaro daw kaming scrabble. Dahil day off ng kanilang daddy kaya kaming apat naglaro mas maganda maglaro nitong scrabble kung marami kayo mas masaya hehe. Ang tagal lang laruin ng game nato kailangan mo talagang mag isip haha kaya maganda ito para sa mga bata para madagdagan ang kaalaman sa spelling words o tamang spelling ng bwat salita. Nakakatuwa lang kasi instead na magtablet o gadget ang mga kiddos pagkatapos ng activities ay naglalaro nalang kami nito hehe, less gadget at may natutunan pa :) #ScrabbleGame
5 comments
gusto ko yan sissy kaso lang hindi ako pwde mag karoon niyan ngayon baka kainin kasi ni bunso hehe ang liit pa naman niyan kasyang kasya sa bibig haisst na trauma ako sissy ilang beses na kasi namin tong gitabang kasi kung ano ano kinakain..pero maayos yan sa ka age nang anak mo makakatulong sa pag iisip at nahhasa ang utak mag isip lalo na spelling
Totoo yan sis delikado ito sa maliliit pa na bebe iwas nalang talaga curious kasi sila sa mga bagay bagay. Oo nga sis, nakaktulong rin ito upang mas matuto mga kiddos sa spelling :)
Bibihira na lang ang nag lalaro ng ganian sana mga anak ko din makapag laro nian para naman ma sanay sila sa spelling
Oo nga sis parang kaunti na nga lang naglaro nito. Maganda talaga itong laruin sa mga bata sis mas matuto sila sa spelling.
ay cute. kamiss nga maglaro ng ganyan.fave ko noon snakes and ladder hehe