read.cash Log in
@ruby0622

Video Presentation Done May task ang panganay ko sa Mathematics her favorite subject :) Nagbigay ang titser ng problem solving tapos kailangan ibidyo ang sarili habang ginagawa ang task. Kailangan din i-explain ang sagot paano mo nasagutan. Bago kami nagbidyo syempre praktis muna sa gagawin niya at kung paano i-explain para mapabilis ang bidyo na magagawa niya ng maayos. Naging successful naman ang ginawang presentation ng panganay ko nagustuhan naman ng titser niya. Mabuti nasend sa messenger inabot din ng apat na minuto mahigit ang bidyo. Sinend ko kagabi sa titser via pm kahit hindi na oras ng pagtatrabaho sumasagot talaga ito si titser kapag may concern ka ang bait niya. Napakabait lang nagpasalamat pa sa akin dahil ginagabayan at tinuturuan ko daw si panganay sa kanyang pag-aaral. Ang sabi kasi ng panganay ko sa batch nila dalawa lang daw sila marunong pa sa multiplication at division, sabi ni titser nila silang dalawa lang daw ang grade 4 ang iba niyang kaklase grade 1 dahil hindi pa marunong. Mabuti nalang din talaga tinuruan ko na siya grade 3 pa lang sa multiplication at division nung malapit na ang pasukan dahil alam ko yun na ang lesson nila :) Nakakaproud lang din bilang magulang masipag mag-aral itong panganay ko si bunso rin naman pero kailangan ko pang iremind sa kanya hindi kagaya kay ate nagkukusa na palagi :) Malapit na ang uwian ng mga estudyante ko kaya sundo muna dahil maglakad pa papuntang school hindi naman ganun kalayo mula rito sa bahay para makatipid na din sa pamasahe tamang ehersisyo na rin :) Happy and Blessed Thursday Noise fam? Stay safe and lahat.

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.