Kawawang mga Kalabaw Kalabaw na tinaguriang pambansang hayop ng Pilipinas. Katulong ng mga magsasaka sa maghapong pag-aararo ng sakahan nila.Kung walang kalabaw, Paano kaya makakayang tapusin ng mga magsasaka ang pag-aararo sa mga palayan nila? Kung mangyayari yun wala din tayong bigas na maisasaing para makain..Paano na dba? Sa nakikita nyong yan sa larawan.. Dadalhin naman ang mga kawawang kalabaw sa ibang lugar para makatay. May mga restaurants kasi ang niluluto nila ay…
@Ysa19 in May 2022
Sample ballot Malapit na talaga ang election. Ano nakapagdesisyon naba kayo kung sino ang iyong iboboto? Ano ba dapat ang pairalin? Ang puso ba o ang isip natin? Ang gusto mo o yung gusto ng iba dahil sabi nila ay yun dapat na iboto mo? Minsan gusto ko na lang manahimik at sarilinin na lang kung sino ang iboboto ko. Kasi minsan kapag narinig ng iba na ito ang gusto mong iboto, ay baka magalit pa sayo ang mga tao..haha... Makita lang nga na kakulay ng kalaban ang suot mong…
Pansit at Kamoteng kahoy lang. Yan yung facebook viral ngayon. Ang mag-asawang kinasal na tanging pansit lang at kamoteng kahoy ang handa nila sa reception. Naiyak ang bride sa eksenang ito. Kung titingnan mo kasi ay parang simpling meryenda lang ang handa nila.. Tanging pansit, kamoteng kahoy, kanin gulay, with softdrinks din na kasama. Walang masama kung simply lang ang mga handa sa kasal o kahit nga wala. Ang mahalaga naman dun ay nabasbasan na ang kanilang pagmamahalan…
Paymaya( MAYA) Naglevel up na nga ang Paymaya. Pero yung name naman ng apps nila ay iniklian na..Naging ( MAYA ) na lang. sosyal na dba?hehe.. Naging medyo busy lang ako kanina kasi kinulit ako ng kapatid ko gawan ko daw sya ng Paymaya account.. so ayon dahil ako yung medyo may alam sa mga ganyan dito samin, ginawan ko nga sya.. Pero nahirapan akung i upgrade ang account nya..May problem kasi dun sa City address..Out side Naga city kasi kami. Pero nung gumawa ako dati ng…
Totoo ba ito? Ang mga tao daw na laging natutulog ng hating-gabi na, ay mas matalino kaysa sa mga taong natutulog ng maaga at nagigising din ng maaga?.. Kaway-kaway sainyo dyan kung feeling nyo totoo yan..hehe.. Mag 10pm na pala, Hindi muna ako matutulog ng maaga kasi iisipin kopa kung totoo nga yan. Haha.. Mema lang po mga ka Noise 😁 Ysa19 🌺
Huwag mong ikompara ang iyong sarili sa iba. Alam naman nating na madali lang natin yan gawin sa ating sarili ang pagkompara sa iba..mga narating ng iba sa buhay, mga nalampasan na mga pagsubok sa buhay. Pero hindi natin alam kung paano nya nagawa yun, kung anung hirap din na dinanas nya bago nya narating yun. Iniisip natin, mabuti pa sya, sana ganun din ako sa kanya, mabuti pa sya mayaman ako mahirap lang. Ang mas nararapat ay gawin na lang natin silang inspirasyon sa ating…
Simply Pretty Almost two months kona yata itong biniling lip and cheek tint from avon.. Bibihira ko lang syang magamit kasi hindi ko gusto yung lasa nya kapag nilalagay sa lips. Haha.. Nung una kung sinubukan maglagay nyang liptint, sabi ko bakit ganyan ang lasa nya? Medyo mapait.. yun pala ganun talaga ang liptint...Hehe.. Sabi ng kapatid ko, oy maglalagay narin syang liptint and magpapapula na din sya ng cheek nya... Siguro may pinapagandahan ito? Hahaha Sabi ko hindi ako…
Kanina lang 🌿 Tambay sa lilim ng Puno ng Avocado. Habang nag-iisip ng kung ano-ano. Habang binibilang ang mga dumaraang motorsiklo. Pipreno sila at ang iba ay humihinto. Ang iba naman ay lumiliko at meron namang nagtatago Tanong ko bakit ba sila humihinto? Yun pala dahil umiiwas sila sa mga taga LTO.. haha. Lagot nga naman kung mahuli no, kung wala silang lisensya at pati ang motor ay hindi naka rehistro. Nalagot na tuloyang ng hindi makapagmaneho. Kaya kayong mga nagmomotor…
Pag-isipan natin ito 🤔 Huwag nating hayaan ang ating sarili na i control tayo ng mga ito.Tao, pera at higit sa lahat ang mga masasamang pangyayari sa nakaraan mo. Tao sino ba sya sa buhay mo para hayaan mong controlin ka kung ano ang mga hindi dapat at dapat mong gawin sa buhay mo? Pero depende naman yun kung sino ba ang taong yun para sa buhay mo. Pero hindi sa lahat ng oras ay dapat pa control ka sa kanya. Tandaan mo, tao ka, hindi ka appliances na may remote control.. Na…
Nag mula ako sa south luzon. Ako'y bumabati sainyo ng magandang hapon. Kung kayo man ay nagugutom? Bakit hindi kayo bumili ng mamon? O kaya pwedi naman chicharon.haha. Pasensya napo kayo sa post ko. Sadyang wala lang pumapasok sa utak ko..Pero kahit ito man ay ganito..Respeto na lang po sa mga makakabasa nito 😁 Gandang hapon mga ka Noise. Ysa19 🌺
Believe there is good in the world 🌍 Naniniwala naman ako dito na marami paring kabutihan sa ating mundo. Kahit sandamakmak ang mga problemang kinakaharap ng mundo natin, nandyan yung kahirapan, karahasan, hindi pagkakaisa ng mga tao. Kanya-kanyang religion, kanya-kanyang paniniwala...Pero kahit ganun, meron parin tayong kabutihan na makikita, kahit pa gaano kagulo ang mundong ating ginagalawan. Imulat lang natin ang ating mga isipan kahit sa mga simpling bagay lang, mga…
High five on May five ✋ Mga kababayan ko dapat na malaman mo, bilib ako sa kulay ko ako ay Pilipino 🇵🇭 Ilang days na lang ay Election na. Hahatolan na ang dapat at karapatan dapat na maupong pangulo ng ating bansa. Kahit anong kulay yan Pula, rosas o ano paman yan. Dapat na lang nating igalang ang desisyong ng taong bayan at ating suportahan. Walang mangyayari kung puro na lang bangayan at siraan Ang tanging maapektohan lang ang ating inang bayan. Smile and Radiate…
Stay Hydrated Grabe tindi ng init ngayon. Kailangan nating uminom ng morethan 8 glassess of water a day. Pero ako more than 8 glassess yata ang naiinom ko.haha.. Mas marami kasi sakin ang tubig kisa sa pagkain. Which is maganda naman yun sa katawan natin.. Aside from water maraming alternatives para maging hydrated tayo palagi.. Kumain tayo ng plenty of fruits, lalo na yung mga juicy fruits, hindi yung bubble gum ha..😁 Like pineapple, watermelon, manga, oranges at marami…
Bubble Wrapped 🌯 Dumating na yung parcel na inorder ko from shopee lastweek. Medyo may kalakihan yung bubble Wrapped nya. Kaya ayon umandar naman ang aking imahinasyon. Ginawa ko syang pambalot sa bulaklak ( DIY ) bouquet of flowers made from bubble Wrapped. Pwedi ng ipamigay sa mga mahal nyo sa buhay. Komting dagdag lang ng konting palamuti, okay nyan.haha.. Kaya mga ka Noise, yung mga bagay na patapon na dyan sainyo. Huwag nyong basta lang itapon. Kasi may pakinabang pa…
Natatandaan ko laging sinasabi nun samin ni Papa. Kung wala man lang daw magandang sasabihin ay manahimik ka lang daw muna. Kaya ito ako kanina pa dito, browse up and down! Up and down! Pero wala pang ni isang post! Wala kasi akung maisip. Hahaha. Kaya tahimik lang muna. Kayo ba anung nasa isip nyo? Ano bang iniisip nyo? Share na nga yan at ating pag-usapan. Pero kain muna tayo ng orange. Para naman maging fresh ang ating isipan lalo na kung ang isip natin ay nagugulohan 😁…
Hey You! Walang nakakakilala kung sino ang totoong ikaw. Minsan ay nakaupo lang sa isang tabi at panay iyak lamang. Minsan ay nawawalan ng Pag-asa Minsan pakiramdam mo ikaw ay nakakaawa. Minsan nakangiti, pero sa loob ng puso ay nakakubli ang isang kahapon, pero dala-dala mo parin hanggang sa ngayon. Huwag mong ipagkait sa sarili mong maging masaya. Kasi tao ka din katulad ng iba. May karapatan kang maging masaya at magpasaya sa mga mahal mo at pati narin sa iba. Pagpatak ng…
Nandito na sya Nandito na sya para bigyan ulit tayo ng Pag-asa Nandito na sya para bigyan sigla ang ating umaga Nandito na sya para maging maliwanag ang kislap ng ating mga mata. Liwanag man nya ay sobrang nakakasilaw. Pero yan ang daan para bigyan tayo ng liwanag sa daan nating hinaharap. Mula sa madilim na gabi. Liwanag nya ngayon naman ang maghahari. Kaya halina at ating salubungin. Liwanag man nya ay sobrang nakakaduling. Pero pagkatandaan natin sa bandang hapon liwanag…
Trapik sa Daan Hayan naman at trapik naman sa daan. Kasi ang dahilan ay may nagbagaan naman daw! Alam ng trapik, pilit paring silang sumisingit. Kahit sasakyan nila ay mag kanda sabit-sabit sa katulad nilang mga sasakyan at driver na ubod ng kukulit. Haha.. Busina dito, busina dun..Sa sobrang init pati ulo nila ay umiinit.. Pati pawis nila'y nanglalagkit. Pati ba naman trapik at banggaan ay tama bang isisi kay Mayor na wala namang kinalaman.hehe.. Para lang madungisan ang…
Ating Alamin Sabi daw kapag ang taong laging gustong maupo sa side ng window ng sasakyan ay sya yung taong gustong laging mag-isa? Parang may katotohanan nga yan. Kasi ako yung tao na gusto laging maupo sa side ng sasakyan. Ano sa tingin nyo mga ka Noise? Alangan naman kasing maupo dun mismo sa driver seat? Haha Sobrang serious kasi ng mukha ko dyan, kaya nilagyan kona lang ng stickers. Haha. Mema lang po mga ka Noise. Goodevening. Ysa19 🌺
Ilang taon narin ang nakalipas. Araw-araw ay pagmamahal mopa rin ang hinahanap. Sobra ko syang namimis Lalo na ang mahinhin nyang tinig. Mga ngiti nyang anong bait Mama kahit nasan kaman Pagmamahal mo ay walang kapantay. Hindi man tayo mayaman Pero binusog mo kami sayong pagmamahal. Pagmamahal na walang katumbas na ano mang kayamanan. Hindi koman laging nasasabi sayo noon. Ang katagang ' i love you Mama.." pero alam mung mahal na mahal kita.. Sabi nga ibang klase ang…
Ina ng tahanan Saludo ako sa inyong lahat mga Ina ng tahanan. Sa binibigay na pagmamahal sa inyong mga pamilya. Sa pagbibigay ng gabay sa inyong mga anak. Sa mga sakripisyo araw-araw Sa mga gawain sa bahay. Sa paglalaba at pagluluto.. Na halos hindi na mag-kaugaga sa mga ginagawa.. Minsan puro kunsumisyon pa ang nakukuha sa mga anak at asawa nila. kahit ganun nandyan parin kayo at hindi sumusuko.. Alang-alang sa inyong mga mahal na pamilya. Kaya hayaan nyo akung batiin kayo…
Ikaw lang Minsan dumarating tayo sa oras na kahit masaya ka.. Tapos bigla na lang mag-iiba ang mood mo Ang hirap ano kapag ganun. Bigla kana lang mapapatigil at parang iiyak kana pero pilit mo itong pinipigilan. Kasi ang kalaban mo lang naman ay ikaw..Wala ka naman pweding sisihin kundi ang sarili mo lang. Pero dapat mo itong labanan kasi ang talo ay ikaw.. Sabi nga walang ibang makakatulong sa sarili mo ay kundi ang sarili mo din. Kasi ikaw ang nakakaalam ng kahinaan mo at…
Kaway-kaway na lang po dyan sa lahat na namurder ang daliri ng ink.. haha... Katulad ko na halos binuhos na sakin ni madam yung ink sa kuko ko, ay hindi lang pala sa kuko,, pati sa buong daliri ko! Panay ang sorry sakin ni madam kanina.. Sabi ko naman sa kanya okay lang po yan Madam.. 🤣 Sya nga pala, kawawa naman yung asawa ng pamangkin ng Papa ko.. Nagchat sakin yung pinsan ko kanina. Sabi nya sinugod daw yung Papa nya sa hospital kanina habang nasa prinsento sya, half…
Halalan 2022 Tapos na nga ba? Kanya-kanyang patutsada. Nakakabitaw ng masasamang salita sa kapwa. Lalo na yung may makakating mga dila. Kanya-kanyang pambato Kanya-kanyang pakulo. Kanya-kanyang pangako. At sana naman huwag mapako. Kung sino man ang manalo Ay respeto na lang ang ibigay nyo. Huwag yung gagawa ng kung ano-anong kwento na nakakasira sa kapwa tao. Matapos man ang lahat na bilangan Okay lang yan Kaibigan Kung talo man ang yung binotohan. may better luck nextime pa…
Parang gusto kung kantahin ngayon sa Wesing yung song ni Britney Spears na Toxic 😁 Para naman kahit paano ay marelax ang isip ko. Nagkalat kasi ang toxic ngayon sa social medias specially sa facebook.. Nakakastress tuloy magbasa sa newsfeeds ko..Kaya konting scroll na lang ako dun at titingnan ang messenger ko kung may important messages specially sa groupchat ng family namin. Tandaan natin, nasa sarili natin ang pagbabago wala sa kung sino man ang nanalong kandidato. Kasi…
Feeling lutang Silip lang ako dito mga ka Noise para kayo ay masilayan. Kahit feeling lutang ang aking isipan. Kanina pa ako dito ikot-ikot sa Noise, pero wala akung maisip na maipost. Marami akung nasulat sa notes, pero hindi ko matapos-tapos..Haha.. Tandaan bawal ang magpuyat Lalo na kung walang pinagpupuyatan.hehe. Mema lang po.. Ysa19-🌺 #goodnight
Huwag mangamba Sa pagmulat at pagpikit ng iyong mga mata. Pwedi bang gambalain muna kita? Isipin ang masayang mga alaala huwag yung puro kana lang nobela. Nangangamba sa mga pweding mangyari. Nangangamba sa mga posebling mangyari. Samo't sari ang pumapasok sayong kukuti. Pwedi bang magrelax ka naman te? Buksan ang iyong isipin, Para naman gumaan ang bigat na iyong pinapasan. Huwag kang mangamba Hindi ka naman nag-iisa Nandya sila para sayo'y at handang magpasaya at mahalin…
Mainit ba ang ulo mo? Tara na ang palamigin nyan. Mcfloat na natin yan. Hehe .. Bihira lang akung uminom ng something na malamig. Pero dahil sa sobrang init, ito oh, hindi makahindi lalo na kapag libre lang. Haha.. Sya nga pala ito yung isa kung pamangkin na makulit.. Sya si baby Faith... Huwag nyong istorbohin yan, kapag naglalaro ng Minecraft. Kundi iyak sa buong bahay ang katapat....hehe.. Ysa19-🌺
Rainbow 🌈 Tuwing hapon laging umuulan na dito samin. Hudyat na tag-ulan naman talaga. Pero may low pressure naman pala kasi, kaya laging umuulan. Sana huwag naman tuloyang maging ganap na isang bagyo. By the way, Pagkatapos ng ulan ito naman ang bahaghari muli naman syang nagpakita. Ang ganda ng kulay nya ano. Sana ganyan din ang buhay natin, maging makulay kahit may kanya-kanyang tayong mga pinagdadaanan sa buhay. Huwag parin nating kalimutang bigyan saya at bigyan ng kulay…
Totoo nga ang kasabihan na porket mabait ka puro kabaitan din ang isusukli sayo. Simulan natin ang aking kwento. Matapos ko syang alagaan binibigay lahat ang kanyang gusto. Halos pagkain kona lang binibigay kopa sa kanya. Tapos ganun lang ang isusukli nya sakin. Bahay ko bahay nya na din. Malaya syang labas pasok dito samin. Sala ko, sala nya din. Kusina ko, kusina nya din. Minsan nga nakikita ko nakahiga pa sya sa kama ko. Pero bakit ganun? Bakit dumating sa point na…
Beware sa mga Poser Nadaanan ko lang sa Facebook newsfeeds ko. Ganito yung kwento. May isang lalake na pinuntahan yung girl na kilala nyang online gf nya for 9 months na. Laking gulat ng babae na may lumapit sa kanya na nagpakilalang boyfriend nya daw online. Sa oras nayon napag-alaman nila na yung gf ng lalake na lagi nyang kausap online ay poser lang pala..Kasi yung babae na inaakala nyang gf nya ay wala namang kaalam-alam and hindi sya kilala. Kaya napagkasundoon nilang…
Tara at magkape Yun bang bumangon kana sayong kama para makapagkape ka.. Punta sa kusina.. Sabay kuha ng mainit na tubig, Timpla ng 3n1 kasi yun lang naman ang available dito samin. Haha.. Nalalanghap muna ang aroma ng kape. Ang bango nya talaga,nakakaganang amoy-amoyin.. Sabay higop kana .. Pagkatapos mong maghigop, Saka mo lang makikita, May maliliit pala na langgam sa kape mong tinimpla!Haha May magagawa kapa ba? Kung ang kape ay nalunok muna.huhu.... Pambihira saan kaya…
Kawawang bata Umiiyak ang pamangkin ko kanina. Nagmamakaawa sa mommy nya na maliligo daw sya sa ulan, Ang lakas kasi ng ulan dito. Ayaw naman ng mommy nya kasi baka siponin sya. Hinayaan lang ng mommy nya na umiyak ng umiyak sya. Sabi ba naman ng pamangkin ko, gusto muba mommy maubusan na akung water sa katawan? Iiyak lang talaga ako dito. Hindi na ako baby, malaki naman ako..Sabi naman ng mommy nya pag 6 years old muna lang papayagan na kitang maligo sa ulan.. Sabi naman ng…
Kahit ako ngayon ay nag-iisa Hindi ako takot na walang kasama. Kahit ano pang sabihin nila.. Okay lang ang sagot ko ano kaba! Ayokong pairalin ang takot sa aking isipan. Kasi daw ito ay senyales ng kahinaan. Kahinaan na nagpapahina ng ating kalooban. kapag takot ay pinairal. Anong kahihinatnat mo nyan kaibigan. Imulat mo ang isipan, na ang takot ay nasa isip lang natin yan... Pero sa totoo lang, hindi ako natatakot kahit minsan wala akung kasama dito sa aming bahay. Mas…
Ulan bakit kaba naman ganyan. Hindi moman lang ako pinagbigyan na matuyo ang aking mga nilabahan. Maaga akung nagising para sana maaga din matuyo ang aking mga labahin. Pero anung saklap, matapos kung makapagsampay ay bumuhos na ang malakas na ulan. Hahaha... Para kang tuliro, uulan bigla at biglang hihinto. Ano kaba nananadya o talagang nanunubok lang ng pasensya.haha.. O kay sadyang hindi natin talaga hawak ang panahon. Pero kailangan lang natin maging mahinahon. kahit…
Hey its monday Sabi nga ang bagong araw ay kahulagan daw yan ng bagong panimula. Panimula ng mga pwedi nating gawin sa buhay. Panimula ng dapat nating baguhin sa buhay. Lahat ng tao ay nagkakamali at nakakagawa ng mali. Pero sa pagkakamali nyan hindi ibig sabihin ay masama kang tao. Masama ang ugali mo. Lahat yan may rason kung bakit natin yun nagawa. Pero sa pagkakamali nyan, may oras pa naman na baguhin yun, kaya binibigyan nga tayo ng panibagong araw. Para ayusin ang…
Pili Nuts Tara na at kumain ng Pili nuts. Ngayon ko lang nalaman rich in vitamin E pala ito. Mababa lang ang cholesterol nya. May antioxidants sya. Nakakatulong din ito para lumakas ang ating mga buto at saka nagpapatalas din ng ating isipan. Kaya kumain ako nito para kahit paano tumalas din ang isip ko mapurol na kasi. Haha.. Once sinabing Pili nuts, originally galing bicol yan. Pero karamihan na Pili trees ay matatagpuan yan sa Catanduanes. Sila ang Pili nuts capital dito…
Sa ilalim ng Dilaw na buwan. Sarap titigan ang natural mong kagandahan. Nangingislap sa kalawakan ang tunay mong kariktan. Anung hiwaga nga ng mundong ating ginagalawan. Hindi ko maiwasan isipin bakit ka nandyan? Pwedi bang bumaba ka kahit saglit lamang. Para naman masilayan ka ng malapitan. Sa sobrang init sa loob ng bahay. Lumabas ako saglit, pero ako'y biglang naakit sa bilog na bilog na buwan nyan. Kay ganda nyang pagmasdan, sinabayan pa ng konting haplos ng ihip ng…
Hindi ko namalayan hapon naman pala. Mag 24 oras na wala pa pala akung post dito. Hahah.. Napasarap kasi ang tulog ko kanina kahit sobrang init ng panahon dito. Konting-konti na lang at matutuyo na talaga ang utak ko.Hehe.. Yan naman ang mga kalapati. Salarin kung bakit maraming poop sa bubong ng bahay ng kapatid ko. Hindi mo naman sila mapigilan kasi dyan nila gustong tumambay. Malayang lilipad-lipad at malayang nakatanaw sa kung saan. .. Ysa19-🌺
Swipe left or Swipe right? Tunog ng tunog cellphone na nakacharge. Sabi ko kanino ba yang cellphone na nakacharge dyan? Sabi ng kapatid ko, kay ano yan dun sa kapatid kung namamatayan palang ng asawa.. Ayon tunog ng tunog. Paulit-ulit ang kulit ng caller. Sabi ng kapatid ko, sagutin muna at baka importanteng tawag yan. Ayon sinasagot ko sana, pero hindi ko alam kung swipe left or swipe right ba? Hindi ko kabisado kasi ang phone nya, vivo kasi . Tapos nakasagad pa ang…
Simple and one of a kind Person My twin sister sabi nila.hehe. celebrating her birthday today. Sya yung kapatid ko na masasabing kung ubod ng simpling tao. Sa pananamit nya, sa itsura nya, pambihira syang maglagay ng kung ano-ano sa mukha nya. Lipstick and powder lang okay na sa kanya. Minsan nga wala pa. Haha.. Kabaliktaran naman sa ugali ng asawa nya. kung sino pa yung lalake, sya pa yung mahilig bumili ng kung ano-anong mga gamit sa kapatid ko. Napakasimply nyang babae.…
Just got home Chat ako kanina ng kapatid ko. Sabi daw magbihis ka at pupunta tayong Naga.. Ako naman always on the go..Basta niyaya nya, bihis agad at sakay sa sasakyan..haha. Ayon nagchat daw kasi ang asawa nya, "Magcelebrate ka naman ng birthday,, kahit pansit lang for long life.. Since wala naman dito ang asawa nya kasi Nasa Canada, kami lagi ang kasama nilang mag-ina kapag lumalabas sila.. Ayon busog much ang inyong lingkod. Sa Classic Savory lang kami kumain kasi andun…
Hopia Dice Ube Kapag napupunta ako sa SM Ito agad ang hinahanap ko, hopia dice. Favorite ko kasi ito. Since maaga akung kumain ng lunch, kaya ito maaga din akung nagutom. Mabuti na lang at nandyan si hopia dice, hahah.. Ayon instant pamatid gutom and sabayan ko na lang ng tubig. Mema lang po ulit mga ka noise 😉 Ysa19-🌺
Yun bang nag-isip kang matagal kung anong ipopost mo. Tapos ng nakapost kana, nabasa mong may mga mali sa pagkakatype mo kaya eedit mo sya.. Pero imbes na edit ang naclick mo ay delete 🤣 Saklap naman nun... Huhu..
Tag-ulan Hito naman tayo sa panahon ng tag-ulan. Kaya konting ingat mga kaibigan. Maaaring ubo at sipon Sakit ng ulo at lagnat ay maranasan. Tandaan nandyan parin si covid na mapaglinlang. Maaaring tatahimik-tahimik lang pero ang makamandag nyang virus ay nakakamatay. Ito naman ang tag-ulan Mga pagbaha ay kabilaan.. dahil sa mga baradong imburnal. Kaya konting linis-linis din mga kabarangay. Huwag panay tapon na lang ng basura kung saan-saan. Ulan-ulan tingnan nyo ang daan.…
Saturdate with my family Late birthday celebration ng kapatid ko. Nung may 18 ang birthday nya, Pero nag decide syang ngayong may 21 na lang gawin ang birthday celebration nya sa isang resort malapit dito samin. Sana hindi naman masyadong matao. Pero nakapareserve narin kaming cottage for 50 person's Ang dami namin ano. Haha. Pero kulang pa nga yan. Kasi may hindi pa nakasama. I'm sure lalabo nito ang pool.eww.. haha! Hindi naman ako maliligo, tamang pasyal-pasyal lang sa…
Tired but Happy Grabe sobrang sulit yung araw ko ngayon. Masaya kasi kasama ko ang buong pamilya. Specially ang mga bulinggit na makukulit. Na walang sawa sa paglangoy sa pool kahit sobrang init ng araw. Bata, matanda, dalaga, binata. Mga magjowa at ang iba naman ay wala!. Haha.. Sobrang sunulit ko ang araw na ito. Unli bondat ako. Haha. Hindi lang Ysa, dalawa, tatlong beses akung kumain. Wala akung paki kahit domoble ang aking bilbil. Minsan lang naman kaya dapat sulitin..…
Busy Sunday Isa sa kapatid ko ulit ang magdidiwang ulit ng kaarawan ngayon. Actually marami sa pamilya ko ang nagdidiwang ng kaarawan sa buwan ng mayo. Halos araw lang ang pagitan nyan. Kapag may kaarawan meaning may kainan yan.. Kaya later busog much naman ako nyan. Haha.. By the way, bago ako magpakabusog mamaya. Ito muna ako nagpapakahirap sa pagpump ng balloons. Actually everytime may okasyon dito samin ako yung isa sa abala sa pagdecorate nyan. Sa pagpump ng balloons…
Its my life Its now or never I'm gonna live forever ......🎵🎶🎤 1 day akung nawala dito. Walang post walang comments, walang heart. Wala lahat... Sinadya ko talagang pigilan ang sarili kung hindi muna magnoise.. Dahil magbabakasakali lang pong may makamiss din sakin. Pero parang wala naman yata.hahaha..Joke! Sinadya ko talaga, kasi ibang noise ang ginawa ko. Totoong Noise.. Yung ingay talaga na maraming makakarinig sa boses kung parang sirang pinilipit na yero ang tunog.…
Minsan hindi mo naman kailangan ng maraming pera para maging masaya ka. Hindi mo kailangan ng mga material na bagay para makapagpasaya sayo. Kahit isang simpling Hi and hello lang, Kumusta kana mula sa mga taong nakakakila sayo ay sapat na para maging masaya ang araw mo. Bigla mapapangiti ka at sabay sabi sa isip mong, Ay si ano, naalala ako.. Mga sa simpling salita na pweding makagaan sa pakiramdam ng taong sasabihan mo nito.. Kaya para sainyo mga ka Noise.. Hi and hello po…
Jackie Sya si Jackie, hango ang pangalan nya sa pelikulang " Titanic " Nung kasagsagan kasi ng Pandemic nahumaling yung pamangkin kung panoorin paulit-ulit ang pelikulang titanic. Timing naman na dumating ang aso nayan sa buhay nila, napulot lang ng bunso nyang kapatid sa kalsada yang aso nyan. Dahil sobrang nakatatak ang pelikulang titanic sa isip nya, specially c Jack, kaya pinangalanan nilang jackie ang aso.. Babae kasi kaya naging jackie. Haha.. By the way, si Jackie ang…
Pagsubok Ito yung mga oras na nararamdaman natin ngayon sa Noise. Madaming tanong sa ating isipan kung ano naba ang nangyayari? Pero kahit ano payan, ihanda na lang natin ang ating mga sarili at isipin natin na ang lahat na sinimulan ay meron din yan katapusan. Nothing will stay... Kaya habang nandito pa sya. Enjoy na lang natin ito. Huwag muna nating isipin yung about mga pending fts..Wala ng earnings.. Kasi yung makatagpo o makakilala ng mga kaibigan dito sa noise ay…
Dragon Fruit Dahil parang ayokong kumain ngayon ng kanin dahil sa sakit ng aking nararamdaman!! ( Girls Problem) Kaya ito kakain na lang ako ng dragon fruit. Baka sakaling maging fresh ang pakiramdam ko nito. Kahapon pa kasi mainit ang ulo ko.haha! Bakit kaya ganun ano? Kapag meron ang isang babae, bigla na lang nainit ang ulo mo. kahit sa simpling bagay lang, parang gusto mo agad mang upak ng tao.haha.joke! Sinabayan pa ng init ng panahon. Kaya Kahapon nakita ako ng kapatid…
Kaway-kaway sa Gustong magka UTI. Haha.... Tara mga ka Noise at samahan nyo akung kumain ng junkfoods.. Pero masama ang masobrahan nito, kundi UTI ang aabutin nyo nito. So far, never pa naman akung nagkaroon ng UTI,, Palibhasa bihira lang naman akung kumain ng mga junkfoods, at uminom ng softdrinks at kumain ng maaalat na pagkain, cause para magkaroon ng UTI... Eat and drinks moderately Para ang aking katawan ay Laging healthy 😁 Ysa19-🌺
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagkakandarapa ako kung saan ba ako magtatago? Hindi ako nerbyosang tao, pero tinablahan ako ng nerbyos.. Ano ba ito? Katapusan naba ng mundo o katapusan kona ba? Sunod-sunod na putokan ang naririnig ko.. I'm sure malapit lang samin. Tumatakbo na ang utak ko kung ano nabang nangyayari sa labas. Kinuha ko ang phone ko, habang nanginginig sa takot at message ako sa sa GC ng family namin.. magsarado na kayo ng mga pinto ng bahay nyo.. at yun…
Yung bang maaga kang nagising para makapaglaba at matapos din ng maaga. Tamang-tama kay ganda ng sikat ng araw ngayon. Nasa kalagitnaan kana ng iyong paglalaba, masaya kana kasi malapit kanang magbanlaw. Tapos mapapansin mo yung patak ng tubig sa nawasa ay unti-unting humihina at tuloyan ng nawala..O kay saklap dba! Huhu ..Kailan kaya darating ang tubig? Kailan ko kaya mababanlawan ang mga nilabhan ko? Kung wala naba akung tuloyang maisuot? Haha . Magwelga na kaya ako kay…
Mawawala kana nga ba? Sa mahigit na isang taon nating pagsasama.Hindi maitatanggi na minahal nga kita. Binago mo ang mundo kung walang sigla. Binigyan mo ng kulay ang buhay kung puno ng lungkot sa tuwi-tuwina. Lungkot ko'y napalitan ng saya Pakikipag-usap sa ibat-ibang tao ay natutunan pa. Mga ngiti sa araw-araw ay hindi maikukubli. Tuwing nakakausap ko ang mga taong araw-araw kung nakakasama ay nag-uumapaw ang tuwang nadarama. Sadyang binago mo ang tahimik kung paligid.…
Unforgettable Experience From my facebook memories! Ito yung time na nakatira pa kami ng Laspinas ng kapatid ko. Dahil malapit lang ang laspinas sa Pasay. Kaya kapag walang work ang kapatid ko, niyaya kami nyan sa Mall at yun na nga, Fisrtime kung mapunta sa " Mall Of Asia... yung pinakamalaki daw na mall in asia. Niyaya nya akung sumakay sa giant wheel. Ako naman ah ok.. sakay kung sakay. Sabi nila nakakatakot daw! Nung nakasakay na kami ng kapatid ko, Nakita ko yung…
A blessing from heaven Ito yung sinasabing tumingin-tingin ka lang sa paligid mo at makakakita kang mga bagay-bagay na masasabi mong biyaya mula sa langit. Simpling bagay lang yan pero kung ma appreciate mo sya masasabi mong ang bait talaga ni GOd. Lumabas ako sa bahay namin Para magpaaraw, kasi lagi nalang akung nakakulong sa loob. Paano ba naman laging maulan dito.Pero bigla akung napatigil sa paglalakad ko. Nakita ko kasi yang plants nyan nakapulopot na sya sa cable wire…
Eat fresh! Eat healthy Eat Atlantic Daily Yan yung slogan ng isang pinakatanyag na bakery dito sa bicol specially sa Naga City. Ang Atlantic Bakery... Madami akung tinapay ngayon sa kwarto ko. Paano ba naman kasi ako yung inutusan naman ng kapatid ko na ayusin ang mga ipamimigay mamaya sa padasal namin sa bikol word ( Panao) kami kasi yung nakaschedule ngayon. Nagkaroon kasi ng isang debosyon ang mga original na mga naninirahan dito samin at isa na dun ang mga ninono ko.…
Kawawa naman sya 😉 Kuha ko pala ang larawang yan nung nagparesort kami. Nag-ikot-ikot ako sa paligid ng resort. Pero bigla kung napansin yan. Sabi ko sa kapatid ko kawawa naman sya. Sino kaya ang gumawa nyan at ganyan ang naisip nyang gawin? Haha. Tingnan nyo naman kasi halos parang nangangawit na sya habang nakayuko, makuha lang ang pagkain nya.. Pero kung ihahalintulad natin sa ating mga buhay ganun naman talaga ang mga nararanasan natin. Hindi lahat na gusto mung makuha…
Hey its monday the 30th day of May Kay bilis lang ng panahon matatapos naman ulit ang buwan ng mayo. Sunod naman ay hunyo. Kaya sa mga nagbabalak dyan magpakasal dalian nyo na para june maging bride kayo.Hehe. Ano ba ang nasa june bakit maraming nagpapakasal ano? Bye the way! Maaga akung nagising kasi may appointment ako. Ayokong ma late at ayoko din na ako ang hinihintay. Kaya kapag ganun, halimbawa 9 am ang call time, 7 am nyan gising na ako. Kakain, magkakape,…
May Pinuntahan akung meeting kanina sa LGU. Mahigit 2 years, kanina naman lang kami nagkita-kita ng mga nakakasama ko everytime may mga seminars, and meeting sa LGU. Secretary kasi ako ng isa sa association dito saming Town. Kaya hindi ako makahindi kay Ma'am ng MSWDO na hindi umattend kahit dami kung palusot na ginawa.haha. Nakakalungkot nga lang kasi may mga kasamahan ako dati, pero kanina hindi kona sila nakita kasi isa sila sa mga natamaan ng COVID-19...😔 Balik tayo dun…
Sana ang araw na ito ay mapuno ng pagmamahal At mapuno ng saya ang ating mga puso... Sabi nga sa isang commercial ni Michael V... J. O. Y joy in my heart Deep deep down in My heart ♥️ Kaya smile naman dyan mga ka noise.. At isipin kung sino yung mga nagbibigay ng saya dyan sa inyong mga puso.hehe. Goodmorning And God bless Everyone! Ysa19-🌺
BB Powder Dahil may bago na tayong president. Kaya nagpalit narin akung powder. Ito yung Ponds Magic BB Powder. Tingnan natin kung anung magic ang sinasabi nya. Baka sakaling gumanda ako, ito na lagi ang gagamitin ko. Haha. Tingnan nyo tuloy, napamirror selfie ako. Pasensya sa madadaanan ng post kung ito. Bored lang po ako.hehe.. Ysa19-🌺
Naalala nyo ba ito si George? Ang spoiled na baboy. Haha.. Masyadong na spoiled ang baboy nyan kasi maaga syang hiniwalay sa ina. Lagi kasi syang nadadaganan ng ina nya at lagi nahuhuli kapag nagpapadede na ang ina nya. Ang resluta lagi syang nawawalang ng pwesto. Busog na ang mga kapatid nya, sya gutom parin. Kaya ang ginawa ng kapatid ko, hiniwalay na lang sya sa mga kapatid nya at yun sa bottle milk na lang sya pinapadede with gatas na bearbrand. Haha . Parang isip tao…