read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Pag-isipan natin ito πŸ€” Huwag nating hayaan ang ating sarili na i control tayo ng mga ito.Tao, pera at higit sa lahat ang mga masasamang pangyayari sa nakaraan mo. Tao sino ba sya sa buhay mo para hayaan mong controlin ka kung ano ang mga hindi dapat at dapat mong gawin sa buhay mo? Pero depende naman yun kung sino ba ang taong yun para sa buhay mo. Pero hindi sa lahat ng oras ay dapat pa control ka sa kanya. Tandaan mo, tao ka, hindi ka appliances na may remote control.. Na kung saan nya gustong manood kang channel ay isang click nya lang dun kana.. Hindi ka rin robot na maging sunod-sunuran sa kanya.. Pera- sabi nga money can make the world's go round..Pero hindi sa lahat na oras ang pera ang mahalaga. Tandaan mo may mga taong maraming pera pero hindi sila masaya at may mga tao din na walang pera pero masaya sila. Kaya huwag mung isipin porket marami kang pera ay kaya munang paikotin at kaya mong i control ang lahat.. At porke wala kang pera hindi kana pweding maging masaya. Ang kayamanan ay hindi lang sa material na bagay yan kundi nasa puso at sa mga taong nakapaligid sayo at nagmamahal. Bad experiences from the past. Ito iyong isa sa dahilan kung bakit may mga taong hindi masaya sa buhay nila. Kasi tinatalo parin sila ng nakaraan nila, yun ang nagiging dahilan kung bakit, hindi nila nakikita yung tunay na sila. Nakabilanggo sila sa nakaraan. Nakaraan na kung saan nagkaroon sila ng masamang karanasan o pangyayaring nakakapanghina parin sa kalooban nila..Maraming mga tanong, Bakit ba? Bakit ba kasi nangyari yun? Bakit ba sakin pa nangyari yun. Kapag naiisip nila yun mga bagay-bagay nyan.. Yun ang nagiging dahilan para panghinaan sila ng loob.. Maraming pumapasok sa isip na kung ano-anong negatibo. Kaya ayon,naglulugmok sila sa isang sulok, hindi makaahon dahil sa nakaraan na kahapon. Dapat ay move-on ang kailangan nating gawin..Nangyari na ang nangyari Huwag nating balikan pa ang nakaraan, Huwag nating hayaan na controlin tayo ng nakaraan, gawin na lang natin yung inspirasyon para maging matatag tayo at maging matapang sa pagharap sa mga hamon na darating pang panahon. Baguhin na natin ang lahat na ito.. Tara sabayan nyo ako 😁 Ysa19 🌺

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.