Kaway-kaway na lang po dyan sa lahat na namurder ang daliri ng ink.. haha... Katulad ko na halos binuhos na sakin ni madam yung ink sa kuko ko, ay hindi lang pala sa kuko,, pati sa buong daliri ko! Panay ang sorry sakin ni madam kanina.. Sabi ko naman sa kanya okay lang po yan Madam.. 🤣 Sya nga pala, kawawa naman yung asawa ng pamangkin ng Papa ko.. Nagchat sakin yung pinsan ko kanina. Sabi nya sinugod daw yung Papa nya sa hospital kanina habang nasa prinsento sya, half paralyzed kasi sya, tapos baka na highblood sya sa tindi ng init ng panahon. Kaya ayon nag collapse sya. Dinala sya sa hospital, sabi daw ng doctor need syang operahan kasi may pumutok yatang ugat sa brain nya.. Kailangan ng 400 thousand for operation.... Nakakalungkot pumunta lang sya dun kahit hirap sa paglalakad, para lang gampanan ang kanyang tungkulin bilang mamamayang pilipino. Pero ngayon ay agaw buhay sya ngayon.. 😔 Ysa19-🌺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Ay nakakasad naman, sana matulungan ng mga kandidato para maoperahan agad🙏