Totoo nga ang kasabihan na porket mabait ka puro kabaitan din ang isusukli sayo. Simulan natin ang aking kwento. Matapos ko syang alagaan binibigay lahat ang kanyang gusto. Halos pagkain kona lang binibigay kopa sa kanya. Tapos ganun lang ang isusukli nya sakin. Bahay ko bahay nya na din. Malaya syang labas pasok dito samin. Sala ko, sala nya din. Kusina ko, kusina nya din. Minsan nga nakikita ko nakahiga pa sya sa kama ko. Pero bakit ganun? Bakit dumating sa point na ganito? Bigla nya akung sinaktan! Porket hindi ko binigay sa kanya ang gusto nya! Oo, inaamin ko hindi ako malambing sa kanya, Kahit sobrang lambing nya sakin. Pero hindi ko naman sya pinapabayaan. Naaawa nga ako sa kanya kapag alam kung nagugutom na sya. Kapag pinapagalitan sya ng mga kapatid ko, pinagtatanggol kopa sya. Pero hindi naman kasi sa lahat ng bagay ang lahat na gusto nya ay maibibigay. Kaya tama na.. hindi kona kaya. Mula ngayon titiisin kona rin sya. Maghanap narin sya ng bagong magkakalinga sa kanya. Yung tipong lahat na gustohin nya ay maibibigay sa kanya.. Ayoko ng ganito,hindi kona kayang makita pa sya sa bahay namin. Papalayasin kona sya... Tama na nga ang nobela kung ito. Ang sakit at hapdi naman kasi, ikaw ba naman kalmutin ng pusa. Porket hindi ko binigay yung pagkain ko sa kanya. Haha... Oatmeal lang ang kinakain ko sa umaga, hingi ng hingi sya sakin. Sunod ng sunod ..ng pumunta ako sa cr ayon natigil sya sa ka meow meow.. pero ng natapat na ako sa mesa andun pala sya, bigla ba naman akung kalmutin sa paa. Huhu.. Tandaan hindi lahat ng maganda ay maganda. Meron dyan nagbabalatkayo lang para tayo ay malinlang. Katulad ng pusa na nandito samin..haha...Ang cute nya, akala mo walang gagawing masama sayo.kaya pala naghahanap lang ng tiyempo 😾 Ysa19 6🌺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
11 comments
Ahahahaha lambing daw yun .. minsan masakit ang lambing jihihih..
Bakit ganun kaba maglambing? Nananakit? Haha.. Pero ang hapdi ng kalmot nya. Dun pa naman sa.. Hay naku..
Ahahahaha lagyan mo alcohol aahaa
Nilagyan kona, ang hapdi kaya.. haha..
Haha, akala ko kung sino na sis
Pusang pasaway lang sis. Kung sino pa yung lagi kung kasama sa bahay. .haha..
Hahahaha akala ko bigo kana ngayon sis...yon pusA mo lang pala..sympre naman masakit yon kalmot na yon ha
Hahahah. Ang masakit na medyo mahapdi sis, lalo na nung nilgayan kung alcohol.
meron din ganyang ugali sa tao hahaha binigay mo lahat lahat tapos bandang huli sasaktan o tatraydurin ka lanag pala masakit sobra, baka sis may rabies yang pusa kahit kalmot delikado yun.
Parang may hugot ka sis? Haha. Pero meron talagang ganun.. Ang hapdi ng kalmot sis, Baka wala namang rabies, Kasi malinis naman syang pusa.
oo sis hugot galing sa past ko hahahahaha pero never mind na lang yun. maigi kung malinis naman pala ang pusa.