Huwag mong ikompara ang iyong sarili sa iba. Alam naman nating na madali lang natin yan gawin sa ating sarili ang pagkompara sa iba..mga narating ng iba sa buhay, mga nalampasan na mga pagsubok sa buhay. Pero hindi natin alam kung paano nya nagawa yun, kung anung hirap din na dinanas nya bago nya narating yun. Iniisip natin, mabuti pa sya, sana ganun din ako sa kanya, mabuti pa sya mayaman ako mahirap lang. Ang mas nararapat ay gawin na lang natin silang inspirasyon sa ating buhay. Pero huwag nating isipin na maging ganun din tayo sa kanila. Ang mga narating nila ay mararating mo din. kasi ibat-iba ang kapalaran ng bawat tao. Iba ka, iba sya, iba sila.. Bawat isa satin ay may kanya-kanyang taglay na katangian, na pweding meron sayo, na wala sya, at meron sya na wala din sa iba. Yun ang alamin natin kung ano ang mga yon, malay mo, yun ang maging daan patungo sa iyong tagumpay... Ysa19 🌺 #morningThoughts
9 comments
Ay ang galing tama yan. Ang inggit sa kaawan ay nakakamamatay..bkaya iwasan bagkus tama ka gawin inspirasyon.. kagaling..
Nagtama din ako sayo. Haha.. Sabi nga sa kanta ni Francis M.. Iwasan daw ang inggit ang sa iba, Ibig mong makamit... 😀
Wow nice. Nakikinig jg francis m.. mga kababayan ko ahahaha
Very popular na kanta yun ni Francis M... 😀
Walang masama kung gagamitin natin inspirasyon ang achievement ng iba, pero kung hihilahin natin sila pababa ay mabuti pang manahimik na lng tayo para sa sarili natin
Tama sis, gawing nating silang inspirasyon at huwag kainggitan..
Tama sis sila ang maging inspiration natin at huwag din tayo mag crab mentality. Good morning sis
Hindi naman kasi nila kasalanan kung bakit naging ganun sis o anong narating nila sa buhay.. Kaya gawin na lang nating silang inspirasyon, para gawin din natin ang nararapatan nating gawin..
tama ka sis laht ng tao ay d pareho