Pansit at Kamoteng kahoy lang. Yan yung facebook viral ngayon. Ang mag-asawang kinasal na tanging pansit lang at kamoteng kahoy ang handa nila sa reception. Naiyak ang bride sa eksenang ito. Kung titingnan mo kasi ay parang simpling meryenda lang ang handa nila.. Tanging pansit, kamoteng kahoy, kanin gulay, with softdrinks din na kasama. Walang masama kung simply lang ang mga handa sa kasal o kahit nga wala. Ang mahalaga naman dun ay nabasbasan na ang kanilang pagmamahalan nilang dalawa at matatawag ng ganap na mag-asawa. Meron nga dyang kinakasal halos nakakalula ang gastos sa kanilang kasal.. Bonggang gown, bonggang simbahan, bonggang reception at handaan. Meron nga ditong kinasal samin, sobrang bongga ang kasal nila, lahat bongga, pero yung pala ay galing sa utang ang ginastos nila..Kaya yung nakuha nila sa kasal na pera ay puro pambayad lang at kulang pa. Meron naman dyan sobrang bongga ang kasal nila pero instant lang ang kanilang pagsasama, panandalian lang. May inaabot lang ng buwan o ilang taon lang ay hiwalay na agad. Walang bongga o walang simply kung tunay ang inyong pagmamahalan. Kasi ang importante dyan ay ang basbas ng simbahan. Maging legal kayong mag-asawa sa mga mata ng tao at maging legal na mag-asawa lalo na sa mata ng Diyos 🙏 Kinuha ko lang ang larawan nayan sa Camarines sur facebook page.. Naawa ako sa mag-asawa habang tinitingnan ko ang larawan nila.. Pero tapos ang importante ay nakasal na sila... Best wishes na lang kanila. Ysa19 🌺
6 comments
Pag umuulan sa tanghali may kinakasal na yikbalang so malamang yan yung handa nila ahahaha
Grabe sya.. haha. Ano kaya ang lasa ng karneng tikbalang?
Ahahaha pagnakatikim ka pashare hahaha
Ewan ko sayo.. haha..
Ndi naman halata na ganun lng ang handa dahil ang may ayos pa din mga upuan, ang importante dun ang pagmamahahaln nila
yan ung nagtrending sis sa fb..