read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Ilang taon narin ang nakalipas. Araw-araw ay pagmamahal mopa rin ang hinahanap. Sobra ko syang namimis Lalo na ang mahinhin nyang tinig. Mga ngiti nyang anong bait Mama kahit nasan kaman Pagmamahal mo ay walang kapantay. Hindi man tayo mayaman Pero binusog mo kami sayong pagmamahal. Pagmamahal na walang katumbas na ano mang kayamanan. Hindi koman laging nasasabi sayo noon. Ang katagang ' i love you Mama.." pero alam mung mahal na mahal kita.. Sabi nga ibang klase ang pagmamahal ng isang ina. Kahit may sakit ka, isang haplos nya lang ay parang gumagaan na yung pakiramdam. Yan ang namimis ko kay Mama.. Pagkagising ko sa umaga mukha nya ka agad ang hinahanap ko. Titingnan sa kanyang kwarto kung gising narin ba sya. Kapag naman galing ka sa ibang lugar, pagdating sa bahay si mama parin ka agad ang hanap ko.. Nakakamis sariwain ang masasayang ala-ala na nandito pa sya. Pero paano ko sasabihin sa kanya na happy mother's day Mama ngayong wala na sya? Ang lungkot dba.. Kaya kayong nandyan pa ang mga Ina nyo. Mahalin nyo sila at alagaan. Ang hirap pong mawalan ng magulang. Ibang-iba ang pagmamahal nila kompara sa iba.. Sila yung nagbigay buhay sa atin at yun ang dapat huwag nating kalimutan. Alam ko hindi lahat ng anak ay close sa mga Ina nila.. sa kung ano na mga rason.. Pero tandaan natin, sila ang nagbigay buhay satin kaya dapat suklian din natin sila ng pagmamahal. Happy mother's Day po sa lahat na mga Mama, mommy, inay na nandito sa Noise.. Araw nyo po itong lahat kaya po sana maging masaya ang pagcelebrate nyo ng Mother's Day Para sainyo po ang kantang ito. Sana kahit hindi maganda ang boses ko i hope ma appreciate nyo ito.hehe. Kasi nagmula ito sa puso ko.. Iingatan ka by: Carol Banawa https://wesingapp.com/user/609c9486222f338e334c/song/ddPquGgVUzJEvg3e-IingatanKa?lang=en&ws_channel=copylink&from_page=2299 Ysa19 🌺

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.