read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Jackie Sya si Jackie, hango ang pangalan nya sa pelikulang " Titanic " Nung kasagsagan kasi ng Pandemic nahumaling yung pamangkin kung panoorin paulit-ulit ang pelikulang titanic. Timing naman na dumating ang aso nayan sa buhay nila, napulot lang ng bunso nyang kapatid sa kalsada yang aso nyan. Dahil sobrang nakatatak ang pelikulang titanic sa isip nya, specially c Jack, kaya pinangalanan nilang jackie ang aso.. Babae kasi kaya naging jackie. Haha.. By the way, si Jackie ang apple of the eye ng mga aso dito. Maraming manliligaw si jackie, dahil siguro sa taglay nyang kabaitan, kaya naman pila ang mga kalalakihan sa kanya. Hehe... Minsan nag-aaway-away ang mga lalaking aso dahil kay Jackie, haba ng hair ano.. pinagaawayan sya..hehe Sobrang bait kasi ni Jackie, kahit mga customer's dito sa eatery ng kapatid ko, nawiwili kay jackie, minsan sinusubuan syang pagkain na parang tao lang.haha.. Bibihira mong marinig na tumahol. Minsan sabi ko baka pipi ang asong ito. Haha. Aso lang yan, Pero nakakapaghatid ng saya sa mga taong nakapaligid sa kanya.. Kaya tao pa kaya! Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.