Swipe left or Swipe right? Tunog ng tunog cellphone na nakacharge. Sabi ko kanino ba yang cellphone na nakacharge dyan? Sabi ng kapatid ko, kay ano yan dun sa kapatid kung namamatayan palang ng asawa.. Ayon tunog ng tunog. Paulit-ulit ang kulit ng caller. Sabi ng kapatid ko, sagutin muna at baka importanteng tawag yan. Ayon sinasagot ko sana, pero hindi ko alam kung swipe left or swipe right ba? Hindi ko kabisado kasi ang phone nya, vivo kasi . Tapos nakasagad pa ang brightness. Hindi ko talaga makita kung alin ba dun ang pipindutin ko. Tapos nakalock pa ang phone. Haha. Naka 20x yatang tawag ang caller. Akala ko yung pamangkin ko lang, pinaglalaruan lang ako... Finally ng nasagot kona.. Sabi goodmorning ma'am From the office of mayor po ito. Kanina pa ako tumatawag, bakit hindi mo sinasagot? Sabay sabi kung sorry po ma'am. Kapatid po ito ng tinatawagan mo, hindi ko kasi kabisado ang phone nya at hindi ko mabuksan. Haha.. Palusot na lang po ako.. haha. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung swipe left or swipe right ba ang pagsagot ng call dun.. hahaha.. At isa pa hindi ko din ugali na basta sumagot ng tawag lalo na sa mga unregistered number 😁 Ngayon daw pala ang payout sa burial assistant ng namatay na asawa ng kapatid ko. Hindi ko alam kung magkano ang ibibigay nila.. Pero malaki man o maliit ay malaking tulong na yun sa pamilya ng kapatid ko. Nagstart narin silang sari-sari store para magkaroon sila ng pagkakakitaan sa pang araw-araw na gastosin nilang mag-iina... Salamat naman ☝️ Ysa19-🌺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Ahahahaha gurabi if 5 times pa lang alam mong importante na yun ahahaha.. ubless galit na kaaway.. Mabuti at magsari sari store na sila . Dapat ikaw din ahahaa...
Hahaha. Kaya nga, hindi ko kasi makita yung saan ko pipinduntin.. super dark kasi talaga. Mabuti na lang at natsambahan ko. Haha.. Ayoko ng sari-sari store . Sari-sari utang din yan. Haha..
Aahahaha nasasayo naman if papautang ka. Ahahha. Pag ganun gagawin mo ilalagay ko sa ilalim ng danit mo.. or ilalim ng twalya. Para mas luminaw.. para maaninag mo
Haha.. Lalo ng wala kang makikita nyan. Haha..
Hindi no try mo kasi nasa dark na background mas lalo lakabas yung ilaw.. adik. Di mo yatakpan sisilipin mo so ialalim ng damit o kumot o twalya
Malay koba, hindi mo naman kasi sinabi na d tatakpan. Haha..