read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Hey You! Walang nakakakilala kung sino ang totoong ikaw. Minsan ay nakaupo lang sa isang tabi at panay iyak lamang. Minsan ay nawawalan ng Pag-asa Minsan pakiramdam mo ikaw ay nakakaawa. Minsan nakangiti, pero sa loob ng puso ay nakakubli ang isang kahapon, pero dala-dala mo parin hanggang sa ngayon. Huwag mong ipagkait sa sarili mong maging masaya. Kasi tao ka din katulad ng iba. May karapatan kang maging masaya at magpasaya sa mga mahal mo at pati narin sa iba. Pagpatak ng luha mo ay punasan. Mag pakatatag at huwag pakalumbay. Kasi sadyang ganyan lang ang kapalaran. Hindi man ito pantay-pantay Pero mapalad kapa rin kaibigan. Ngumiti ka at magpakasaya. Makisalamuha ka rin sa kanila. Isipin ang buhay ay masaya. Hindi moman gusto ang buhay na nasayo, pero yan ang iyong kapalaran at hindi muna mababago yan. Magpalasamat parin kahit papano, kasi nandyan ang mga taong nakapaligid sayo. Handang damayan ka hanggang sa dulo. Kung sino man ang nakakarelate sa post kung ito. Para sainyo ito. Pero isa lang ang hinihiling ko sainyo Pakatatag ka lang po ha.. 🤗 Ysa19 🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.