read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Halalan 2022 Tapos na nga ba? Kanya-kanyang patutsada. Nakakabitaw ng masasamang salita sa kapwa. Lalo na yung may makakating mga dila. Kanya-kanyang pambato Kanya-kanyang pakulo. Kanya-kanyang pangako. At sana naman huwag mapako. Kung sino man ang manalo Ay respeto na lang ang ibigay nyo. Huwag yung gagawa ng kung ano-anong kwento na nakakasira sa kapwa tao. Matapos man ang lahat na bilangan Okay lang yan Kaibigan Kung talo man ang yung binotohan. may better luck nextime pa naman. Kaya huwag masyadong dibdibin. Baka dugo ay biglang tumaas, losartan nyan ang iyong bagsak. Haha. Respeto sa kapwa ang ibigay Kahit sino pa ang mga tuloyang maihalal... Bayan ko at bayan natin ito 🇵🇭 By the way, yan palang nakikita nyong mga upuan ay nagsilbing pahingaan kahapon ng mga botante. Yung sandalan ay gawa yan sa palapa ng niyog kung saan samin ang tawag. or ( coconut stem ) Kahapon naman lang ako nakabalik dyan sa paaralan kung saan ako nagtapos ng elementary..haha.. Para akung dayuhan sa sarili naming barangay. Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.