Nandito na sya Nandito na sya para bigyan ulit tayo ng Pag-asa Nandito na sya para bigyan sigla ang ating umaga Nandito na sya para maging maliwanag ang kislap ng ating mga mata. Liwanag man nya ay sobrang nakakasilaw. Pero yan ang daan para bigyan tayo ng liwanag sa daan nating hinaharap. Mula sa madilim na gabi. Liwanag nya ngayon naman ang maghahari. Kaya halina at ating salubungin. Liwanag man nya ay sobrang nakakaduling. Pero pagkatandaan natin sa bandang hapon liwanag nya ay lalamunin ulit ng dilim. Kaya ating samantalahin mga gawain dapat ay tapusin. Kasi ang oras ay sadyang napakatulin. Kaya sige baka ikaw ay mapag-iwanan na din. Ysa19-🌺 #NoiseCash
8 comments
aba aba galing tumula.. hihihi.. bulaklak n anaman hahahaha.. wala na bang iba hahaha
Tula yan ng bagong gising at hindi pa nakakain. Haha .. Wala eh, subukan ko mamaya iba naman. 🙂
Naks naman galing tumula eh
Salamt sis, tulang hindi naman tugma-tugma. Haha
Wow galing 👏👏👏 mo namam.. Ganda ng pag bukadkad niya kasabay ng kulay.
Salamat sis , may maipost lang. Haha. Gandang umaga.
napatula ako sis hehe good morning
Hahahah.. Tula yan sis ng bagong gising.. Goodmorning