Yung bang maaga kang nagising para makapaglaba at matapos din ng maaga. Tamang-tama kay ganda ng sikat ng araw ngayon. Nasa kalagitnaan kana ng iyong paglalaba, masaya kana kasi malapit kanang magbanlaw. Tapos mapapansin mo yung patak ng tubig sa nawasa ay unti-unting humihina at tuloyan ng nawala..O kay saklap dba! Huhu ..Kailan kaya darating ang tubig? Kailan ko kaya mababanlawan ang mga nilabhan ko? Kung wala naba akung tuloyang maisuot? Haha . Magwelga na kaya ako kay Mayor.. hahaha... Almost 1 week ng ganito.. 🤔 Hmmm... Ysa19-🌺
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
10 comments
Buti po sa inyo almost 1 week palang. Dito sanayan nalang po eh😆 hahahha darating din po yan mga after lunch siguro hahaahha sana
Ngayon lang nangyari ito.. Ang lakas ng daloy ng tubig dito samin. Ayoko naman sa gripo, tamad akung lumabas. Sana nga dumating sya kung darating. Hehe .
Nakuu dati ring malakas tubig dito. Nagbago na po sila🥲 Charot. Ahahaha darating po yan. Chill nalang po kayo daw muna hihiji
Ganyan talaga! Lahat ay nagbabago. Huwag lang tubig huhu..
Ahahahhaa.. magreklamo ka . Hahahaa.. malapit kayo sa dagat kaya dapat di mahirap tubig dyan wala ba kayong mga deepwell
Malayo kami sa may dagat. Siguro morethan 30 minutes ang travel. Meron kaming deepwell.. Sya yung pinakamatandang deepwell dito sa amin since 1934 pa.. haha.. Until now nagagamit parin, malakas parin ang daloy ng tubig at masarap ang tubig nya hindi malansa. Kaso tamad akung pumunra sa likod bahay, Ang init kasi .
A haaha ha so isa kayo sa pinkamatanda na dyan.. ahahahaah.. isa kayo sa mga ninuno dyan hihih..
Wagas kang makatanda..hehe Yes.. Mga ninuno ko. Haha.. Kaya kapag sinabi ang apelyedo namin..Ah, dun kina ano... No need ng ipagtanong..haha Kaya nga kilala kami Dito 😁 Ang bumangga giba.. joke!
Ahahahaha baka pagtanong sabay ilag ahahaha.. wow famous..
Sa Apelyedo lang. Haha..