Eat fresh! Eat healthy Eat Atlantic Daily Yan yung slogan ng isang pinakatanyag na bakery dito sa bicol specially sa Naga City. Ang Atlantic Bakery... Madami akung tinapay ngayon sa kwarto ko. Paano ba naman kasi ako yung inutusan naman ng kapatid ko na ayusin ang mga ipamimigay mamaya sa padasal namin sa bikol word ( Panao) kami kasi yung nakaschedule ngayon. Nagkaroon kasi ng isang debosyon ang mga original na mga naninirahan dito samin at isa na dun ang mga ninono ko. That time daw kasi nagkaroon ng epidemya katulad din ng COVID-19 halos araw-araw may namamatay, na makikita mo daw noon yung mga taong namamatay ay binabalot na lang sa banig at saka binabaon na lang sa lupa. Bata, matanda lahat walang pinipili..Kaya nagkaroon ng pagtitipon ang mga tao noon at iminungkahi ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko yata.hehe na kung gusto nilang magdebosyon o yung padasal for 9 days...Alay para matigil na ang pandemya noon. kaya ayon lahat naman ay sumang-ayon. kaya mula nun na nagkaroon ng debosyon sa barangay ay natigil narin ang pandemya. Kaya kahit ilang taon na ang nakakaraan patuloy parin itong ginagawa. Hanggang sa anak, apo, pamangkin, basta konek sa original na pamilya na nagbuo ng debosyon noon na tinawag na (Damulagon) Damulagon ang pangalan ng grupo na nagbuo ng debosyon. Kasi ginawa nila ang pagpupulong nila sa lilim ng isang napakalaking manga na tinatawag nilang damulagon.haha.. Pero sa totoo lang hindi ako marunong ng mga dinadasal nila dun. kasi mga latin words, tapos ang ibang salitang bicol sobrang lalim nila..ang hirap basahin..Kaya kapag merong padasal dito samin, nagtatago ako k Mama noon..haha.. Dito nagtatapos ang kwento ni Lola Ysang 😁 Ysa19-🌺
2 comments
mas okay daw sabi nla ang ganyn sis..ng aalay dn ung iba ng pagkain..minsan mga alak din
Kaya nga sis...