read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Mawawala kana nga ba? Sa mahigit na isang taon nating pagsasama.Hindi maitatanggi na minahal nga kita. Binago mo ang mundo kung walang sigla. Binigyan mo ng kulay ang buhay kung puno ng lungkot sa tuwi-tuwina. Lungkot ko'y napalitan ng saya Pakikipag-usap sa ibat-ibang tao ay natutunan pa. Mga ngiti sa araw-araw ay hindi maikukubli. Tuwing nakakausap ko ang mga taong araw-araw kung nakakasama ay nag-uumapaw ang tuwang nadarama. Sadyang binago mo ang tahimik kung paligid. Kahit nasa loob lang ako ng aking kwarto ang ingay mo'y hindi maikukubli. Sa tuwing magpopost ako ay hindi maiwasang mapangiti. Lalo na kung nandyan na mga taong araw-araw sakin ay nagpapangiti. Mahirap maikubli, Kalungkotan ay hindi mawari sa haka-haka na ikaw ay posebling mawala na parang bula. Paano na kaming napamahal na sayo at nasanay sa ingay mong sadyang abot kahit saan mang sulok ng mundo. Mga pagkakaibigang nabuo mo dito. Kahit hindi man magkakilala ng totoo Pero kaming lahat ay pinag-isa mo. Sana naman ay hindi ka tuloyang mawala. Okay lang kahit wala na kaming makuha sa nakasanayan namin binibigay mo na para sa amin ay malaking isang biyaya. Basta nandyan ka lang at patuloy na mag-ingay at patuloy magbigay kulay sa aming buhay lalo na sa isang tulad kung napakungkot na nilalang 😔 Maraming Salamat po! Pero umaasa ako na hindi pa ito ang katapusan ng ingay mo.. Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.