read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nagkakandarapa ako kung saan ba ako magtatago? Hindi ako nerbyosang tao, pero tinablahan ako ng nerbyos.. Ano ba ito? Katapusan naba ng mundo o katapusan kona ba? Sunod-sunod na putokan ang naririnig ko.. I'm sure malapit lang samin. Tumatakbo na ang utak ko kung ano nabang nangyayari sa labas. Kinuha ko ang phone ko, habang nanginginig sa takot at message ako sa sa GC ng family namin.. magsarado na kayo ng mga pinto ng bahay nyo.. at yun magkakasunod naman na putok ang Naririnig ko mula sa labas. Hindi na ako mapakali at lumabas narin ako ng kwarto ko . naglabasan narin ang mga kapatid ko.. Ano yun? Saan yun nangagaling ang mga putok? Tingin ulit ako sa gc namin.. At may nagchat dun.. Fireworks lang yan . Dyan sa unahan lang daw namin kasi may okasyon daw.. Grabe naman sila, grabe yung nerbyos ko kaya. may okasyon lang ganun ang putokan! Paano na lang kung may sakit sa puso, intake na..hay naku!! May phobia na kasi kami about putokan. Nung time na hinoldap ang kainan ng kapatid ko.Nakikita ko ang mga holdaper mula sa bahay namin. Sumisilip ako sa bintana namin. Naka Bonet ang mga lalake,nakikita ko pinadapa nila yung nga customers.. at nakita ko pumasok sila sa bahay ng kapatid ko, at dun naririnig kung binobogbog nila yung kapatid kung lalake. kung hindi daw ilalabas ang benta, papatayin nila yung mga pamangkin kung maliliit. Wala kaming nagagawa nun..kahit gusto namin tumulong sa kanila.. Iyakan ng mga tao sa kainan ang naririnig ko, mga iyak ng mga pamangkin ko..At dun naisip ko, may phone number pala ako sa Kaibigan ng kapatid ko na may asawang police.kaya ako ang naglakas loob komontak sa mga police. Kasi nenerbyos ng lahat ang mga kasama ko..Mama ko Papa ko.. Sabi ng police na nakausap ko.. Cge papunta na kami dyan . Pero kagaya nga sa pelikula, ang police ay laging huli sa eksena.. Dumating sila na wala na yung nga holdaper.. Salamat naman sa diyos at wala naman gaanong nasaktan. yung dalawang customer lang kasi pinokpok ng baril at kinuha ang mga cellphone at pera nila. Dun naman sa benta, kokonti lang naman ang nakuha ng mga holdapers kasi maling bag ang nakuha nila..😁 Napahaba naman ang kwento ko..Nagbalik tanaw lang kasi ako sa nakaraan na hanggang ngayon ay hindi parin namin makalimutan..😔 Ysa19-🌺

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.