Join 79,107 users and earn money for participation

But it's just all in my head...

55 74 boost
Avatar for Ruffa
Written by   1084
1 month ago

It's just all in my head

Ang gusto ko lang naman ee magmahal katulad nong mga nababasa ko sa libro. Yong ang perfect ng kwento, puro kilig lang at hindi uso ang komplikadong takbo ng kwento. Yong hindi sana uso ang poot, ngitngit at lumbay. Kaso totoo ngang imposible na mangyari and ganon sa totoong buhay. Ang buhay ng tao ay puno ng dramarama sa hapon - alam ko yon pero hindi ko pinansin dahil akala ko'y iba at original ang ating kwento. Pero katulad din pala ito doon sa mga korean nobelang mapanakit na matapos kang pakiligin sa huli iiwanan kang pag di bitin eh malamang ay luhaan din.

Bakit ba ako nagdadrama ee kasalanan ko rin naman dahil pumasok ako sa relasyon - ha, relasyon? Wala ngang relasyon na matatawag, walang tayo kaya take two!!! Alright, kasalanan ko dahil pumasok ako sa ganitong set-up na walang malinaw na usapan. Hindi nagsigurado kaya dapat lang na mag tiis ako sa naging takbo ng ating kwento. Walang dapat sisihin kundi ako dahil I settle for less. Dapat alam ko ang worth ko dito sa mundo pero nong nakilala kita naduling ako, nahilo at ayon kinalimutan ang sarili ko. Hindi pinansin ang bulong ni barok kaya ngayon oo na, pagdudusahan ko.

Pero ayaw kong magdusa habang buhay kaya nagdesisyon na ako. Titiwalag na ako at mag jojoin force nalang sa kulto. Isasampal ko sa'yo na kaya kong wala ka at patuloy akong hihinga kahit pa mag vanishing act ka sa landas ko. Uunahin muna ang sarili at ang nararamdaman ko, ayaw ko na oo kaya puputulin ko na ang feelings ko sayo. Ipapahinga ko na muna ang puso ko kaya paalam mahal ko. Malinaw na ang lahat kaya aalis ako sa tabi mo, uunahin muna ang sarili para mabuo ulit ako. Mahirap sa una, maaari pa na ma depress ako pero ganon talaga ang nagmamahal.

Sabi nga ni Sohma "If You love someone, they could make you sad. They even could make you feel lonely sometimes. But that someone can also make you happier than you'll ever be." In my case, mas nauna nalang talaga na napasaya mo ako ng wagas, sa simpleng pag yakap mo sakin noon sapat na sapat na para makumpleto ang araw ko at napasaya mo naman ako ng sobra sobra, siksik at liglig pa ika nga. Pero ayon nga, kasama kasi talaga and sadness ee. You make me feel sad today pero salamat sa sayang ibinigay mo sa'kin kahapon. Mananatili ang ala-ala kong yon with you sa puso ng agila.

Mahal Kita pero, Paalam na.

-

-

Pero teka lang wait, bibitawan na nga kita pero bakit kapit na kapit kapa rin? Diba hindi mo naman ako gusto so bakit kung maka kapit ka para bang minahal mo talaga ako? Kahit di mo sabihin alam ko naman na. Kaya nga kakalas na ako, so let me go enebe! Kung natatakot kang makiki jojoin force ako sa kulto para ipakulam ka -wag kang mag alala hindi ko gagawin yon sayo dahil ganon kita kamahal. Pagmamahal na sinayang mo. Huwag mo akong hawakan na para bang importante ako sayo. Bitaw na, pakiusap dahil marupok ako at baka di na nga ako humakbang at mas piliin ko nalang na magpakulong sa braso mong hard.

Fine kakalimutan ko muna ang kalandian so bakit mo pa ako pinipigilan? Hindi ba hindi mo naman ako mahal? Na bored kalang at dahil ako ang available ako ang naisip mong paglaruan. Sana sinampal mo nalamg ako kesa pinamukha mo pa sakin na laruan lang ako para sayo. Mas kaya ko ang sakit kesa sa sinabing mong mapanakit at tagos hanggang ngala ngala ko ang sakit. Mahihirapan na akong buuin ang nawasak, pati tiwala kong ibinigay ng buo sayo'y iyong winasak. Sana di nalang kita nakilala sana di nila kita minahal. Sana hindi nagkaroon ng sugat ang puso kong dati'y buo pa.

Mag momove on na ako para sa sarili ko. Pag nabuo ko ulit ang puso ko, tiyak mag mamahal pa ulit ako. Hindi ikaw ang sisira sa pangarap kong happy ever after. Nasaktan mo man ako ngayon, babangon ako at dudurugin kita - joke!!! Babangon ako at ihahanda ulit ang sarili sa bagong paglalandi - este sa bagong pag-ibig. Mahirap sa umpisa, medyo mabato ang daan pero keri lang. Mas mahalaga ang kaligayahan ko kahit sa ano paman. Kaya ikaw, kayo! Kung nasaktan kayo ng isang beses dahil sa mapaglarong tao. Wag kayong madala, mag mahal ka ulit. Pasasaan ba't makakahanap ka din ng totoong magmamahal sa'yo. Yong walang sakit at purong sarap lang at yong purong ikaw lang ang mamahalin, kape puro.


So, this is really not the ending I planned lol. But yeah, blame my mind because it's more on pagpapatawa nalang this one than a very heartbreaking story aigoo. Sorry about that but I'm hoping you still enjoy it. That's really what I want ee. I want you all to be happy so let's skip the drama and happy reading!!!


Lead Image From Unsplash


Recent Article


Read these to Start in Club1BCH


October 20, 2021

--

23
$ 11.14
$ 10.49 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @Koolname
$ 0.05 from @Eybyoung
+ 12
Avatar for Ruffa
Written by   1084
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

It's the "let go of me enebe" for me hahaha 😂 Sabi nga nila you cant love someone if you dont even love your self in the first place. Self-love nalang muna tayo ngayon hahaha

$ 0.00
1 month ago

Yaaaannn nanaman tayu madam hahahaha makapag dasal nga para sa LL mo para dina pabiro lahat at hindi na galing sa isip lahat. Haha

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha wag ngaaa masaya akong single diko need ng LL 😎😎

$ 0.00
1 month ago

WHEN YOU LOVE SOMEONE YOU GONNA LEARN TO LET THEM GO 🥺.

Just in my head kahit MU mask kapag may pintik na sa puso mahirap nang pakawalan eh. I felt that hayyysss. Bat ba ang hirap makalimut 😣😂

$ 0.00
1 month ago

Bat parang Michael Learns to Rock to brader? Ahahahaha.

Totoo totoo, struggle iz real. Pero matuto mag move on, yon ang ganti natin.

$ 0.00
1 month ago

So bad I don't understand the language but I think it is somehow related to a poem have a wonderful day friend 👌

$ 0.00
1 month ago

Sorry, it's a Pilipino language actually 🤭

$ 0.00
1 month ago

Okay,I can't wait to be a linguist 😃

$ 0.00
1 month ago

Did all you Filipino people took an oath today to post in Tagalog 😂😂 this is my 5th post I had to translate today haha

$ 0.00
1 month ago

Oh no, I didn't encounter the other 5 ahahaha. Sorry about that 😂🤭🙈

$ 0.00
1 month ago

Haha no worries, I read ur post through translate

$ 0.00
1 month ago

Ano na naman iyan madam.. Humuhugot ulit 😁

$ 0.00
1 month ago

Hahaha hugot kahit walang pinag dadaanan hahaha

$ 0.00
1 month ago

"Walang dapat sisihin kundi ako dahil I settle for less. Dapat alam ko ang worth ko dito sa mundo pero nong nakilala kita naduling ako, nahilo at ayon kinalimutan ang sarili ko" This one here is the big NO NO NO, toxic na kasi tong ganitong mindset eh yung sobrang blind kana sa pagmamahal mo sa isang tao to the point na binigay mo na lahat tas halos wala ng natira para sayo.

$ 0.00
1 month ago

Truth, hindi dapat ganito. Pero, pero madaling sabihin, mahirao naman gawin. Lalo na sobrang minahal talaga. Ewan ko sa iba baka ganito sila ako kasi madali akong bumitaw if gusto ko na na talaga mag move on. Ikawww ba?

$ 0.00
1 month ago

Oh my God I'm lost o lolzzz but I will try to learn your language so that I too can participate in the comment section when you post next time in your language but all the same, I really appreciate everything you've been doing here

$ 0.02
1 month ago

Haha, sorry about that 🙈

$ 0.00
1 month ago

Hahahahahaha... No problems beauty

$ 0.00
1 month ago

Sabi nga po nila na " The hottest love can have the coldest ending". Hindi porket mahal ka nung umpisa ay mahal ka hanggang dulo. We should learn to let go kapag alam nating sobrang sakit at Di na worth it ipaglaban. Sobrang sakit lang Ng story na to🤧🤧It seems that naranasan ko rin to.

$ 0.00
1 month ago

Oh my, yong ang nangniningas na pag ibig biglang nag freeze 😥. Tama, pagbwsla na talaga let go and move on. Mahirap but we have to, or else mas malulunod tayo ss kalungkutan, baka madepress oa nga. Naranasan mo na? Kamusta ka naman ngsyon?

$ 0.00
1 month ago

Ang hirap nung tanong mo ate kung kumusta na po ako ngayon hahahaha. Di ko mahanap ang tamang term to express but at least nakapag let go na po ako and unti-unti ng bumabalik sa dati 😊

$ 0.00
1 month ago

Oh, yon naman pala, umuusad ka unti unti, may progress so ayos na yan. Sana ay lalo pang mag hilom ang lahat ng sugat na nilikhan nya sayo.

$ 0.00
1 month ago

Yung feeling na nakakalungkot pero matatawa ka na lang bigla, parehas po tayo ng way ng pagsulat, actually about love din ang pinublish ko ngayon.

$ 0.00
1 month ago

Hahahahahaha, oo nga babasahin ko palang yung sayo haha

$ 0.00
1 month ago

I'm Nigerian and as such i don't understand anything here but in all, i will learn it so that i can communicate with you in it hahahahahah😂😂😂😂😂

$ 0.00
1 month ago

Haha, Omg, sorry about that. I use our language here which is Tagalog 🤭

$ 0.00
1 month ago

Haha Grabe tawa ko dito, Pero pag Hindi na healthy ang isang relasyon bitaw na at palayain ang isa't isa kung tayo tayo talaga joke HAHHA. Thank You for the Goodvibes Po Madam Ruffa :)

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha, masaya yarn? Buti naman at napasaya kita, kulayan ko na din ba mundo mo? Bwahahahaha salamat sa bwisita 💙

$ 0.00
1 month ago

Hahah Grabe talaga tama mo heheh. Sarap mo siguro maging tropa yung tipong di boring Hahaha.

$ 0.00
1 month ago

Natamaan ako sayo 🙈 bwahahahayop, sorry mukha kapa palang bata. Gawa gawa lang to ng illuminati kaya wag ka maniniwala sakin bahahaha

$ 0.00
1 month ago

Hahaha ewan ko na talaga sayo Madam ruffa, dami mong Banat ngayon gabie. Remember Aids doesn't matter ayy este Age doesn't matter hahaha.

$ 0.00
1 month ago

Aids ampt 😂😂 huwa mo akong e-madam. Ate lang okie, ATE me

$ 0.00
1 month ago

Uyy Ate, mukhang mas ma bata ahh Hahaha, okay Sige. Ate Ruffa

$ 0.00
1 month ago

Goods, pampabata talaga kasi yang ate ee bwahaha

$ 0.00
1 month ago

Akala ko spoken word poetry e hahaha ganda mp bhie este yung story pala😅

$ 0.00
1 month ago

Gustong gusto yung mga salita na ginamit mo. Malinaw na parang mapapaisip ka. Ang ganda pa ng flow ng story. Btw, iwan mo na sya. Mga lalaki talaga, yung iba mga paasa. 😂

$ 0.00
1 month ago

Hahahahaha, salamat salamat. Di ko nsman yan kwento ahahaha

$ 0.00
1 month ago

Hindi pa rin ba? 😂 di nga? 😂😂

$ 0.00
1 month ago

After ko basahin Yung Kay codename na tungkol sa Kali... Ito Naman at Tagalog din haha.

$ 0.00
User's avatar Yen
1 month ago

Hahahaha naka lugaw ng utak pag puro engols ahahaha

$ 0.00
1 month ago

Ako lang ba ang may alam na isang kang tunay na madla sa larangan lang patama. Woah mare grabe na talaga.

$ 0.00
1 month ago

I enjoy every bit of it 😊 great job.

$ 0.00
1 month ago

Wala nga ba talaga? Bka nmn meron pa, bka pareho lang kayo na gusto pa ng second chance d ba?

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha, sakin? Wala ako nyan ahahaha, tapos na ako sa ganyan ahahaha

$ 0.00
1 month ago

Makatang tunay. Ating bigyan ng masigabong palakpakan 😊

$ 0.00
1 month ago

Haha, salamat kaibigan ako'y nagagalak sa iyong gawi 🤗

$ 0.00
1 month ago

Aba eh pwede na pang piece ito ng spoken poetry ..yieee. sa artikol palang ramdam na emosyon what's more pag naisadula na.. Magandang umaga po.

$ 0.00
1 month ago

Hahaha salamat bata hohoho, try mo nga isadula haha.

$ 0.00
1 month ago

Wow, pwede pa lang magtagalog dito nagaganahan tuloy akong magsulat hehe tunay ngang kayoy napakagaling sapagkat akoy napahanga nyo rin, tama kayo kahit ilang beses man tayong masaktan we should not stop loving because one of our purpose in this world is to loved and to be loved😊 Newbie here

$ 0.00
1 month ago

Pwdng pwd syempre, kaso if gusto mo maraming makabas mg artikol mo best pa rin pag English gagamitin. Pero masa iyo naman kung anong prefer mo.

Love lamg mg love hanggang sa mapunta kana sa tang tao para sayo.

$ 0.00
1 month ago

Hahaha story mo yata to ate Ruffa e. Gusto ko yung sa last part na babangon at maghahanda sa bagong paglalandi. Hahahaha. Ganon dapat! Hahaha. Parang si love, kapeng puro. Siguradong ako lang. Yay! Hahaha. Pero before that alam mo naman ang story medyo magulo at walang kasiguraduhan pero ngayon meron naaa. Haha. Sana ay makahanap ka na rin aba. Hahaha.

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha ay wala akong ganito ma storya, ako lagi unang bumibitaw ee madali ako mag sawa ahahaha Haha dapat ganoon namna talaga. Landi lang ng landi habang kaya pa BWAHAHAHA. Hahaha ako'y wala pa sa mood mag hanap kaya pass na muna ahahaha

$ 0.00
1 month ago

Naks! Konting polish pa, parang spoken poetry na ire! Daming hugot! Parang ako yung nasasaktan eh. 😂

$ 0.00
1 month ago

Awiehhhh, awieh awiehhh 😍🙈. Salamasuuu UwU. Masakit to pat may pinag dadaanan yong iba haha. Ako nong ginawa ko di naman ako nasaktan, pero yong utak ko yung dumugo 😥😂😂

$ 0.00
1 month ago

pasingit HAHAHA. Pero sa trueee parang spoken poetry, ganon din yung pagka basa ko eh hahah

$ 0.00
1 month ago