Pa'no ko ba 'to sisimulan. Teka lang ha, yong utak kong laging ikaw ang laman mejo naguguluhan pa kaya ako'y parang timang na 'di alam ko pa'no uumpisahan. Ah oo, dito! Dito nagsimula ang lahat, Nagsimula sa isang simpleng "Bakante ba 'tong upuan?" Di ako nakasagot agad, kasi para akong nasilaw sa liwanang na dala mo, bakit ka kumikinang? Parang lang yong mga nasa telenobela na may isang anghel na bumaba sa langit ang yong dalang liwanag nakakabulag, pero di sya masakit sa tiyan. Keri lang, ayos lang pero yong puso ko mukhang malapit ng magpaalam. Sobrang bilis ng tibok, mukhang gusto pang makipag unahan sa mga kababaihan na nais kang akitin sa mga mapanlinlang nilang kagandahan.
Wala ako non sa totoo lang, cute lang ako na may mala pusang mukha sabay meron din akong kaaalaman na siguradong sa kanila'y di mo makikita. Bakit ko nasabi? Kilala ko kasi yong iba don kaya alam ko ang karakas nong ilan. Pero teka mabalik tayo sa tunay na kwento. Talagang naakit ako sa'yo 'di lang dahil sa ka cute-an mo kundi dahil ang galing mo sa lahat ng bagay. Mukhang di ka boring kausap at malamang sa malamang makipag debate kapa sa'kin ng tungkol sa Politikong suwapang na nag iiba ang ugali sa unang taon palang na pagkakahalal. Malamang sa malamang din matalo ako sa laban kapag ikaw na ang ka debatihan. Sa ngiti mo palang panigurado, makakalimutan ko nang magdahilan.
Diyan, diyan nagsimula ang lahat. Isip ko'y makulit ang hilig lang gumawa ng kwento tapos ikaw at ako ang bida. Pero lahat yon ay sa isip ko lang. Sa isip lang talaga dapat ang lahat pero nakagawa ata ako ng kabutihan nong unang panahon. Siguro'y may nailigtas akong nalulunod na mayamang duke kaya ngayon ako'y ginantimpalaan. Dahil doo'y ika'y naging kaibigan. Pero hindi lang yon ang habol ko sayo - sa totoo lang maitim ang balak ko sa'yo. Kakaibiganin tapos paglaon ay ika'y paiibigin, yiehh. Nagsimula tayong mag usap sa silid aklatan at minsa'y nagkaka bungguan. Tatango lang sa isa't isa pero ako'y maiihi na talaga sa kilig.
Parang sinasadya ng tadhana na tayo'y magkita. Nginingitian mo ako kaya ako'y halos himatayin habang nag aaral kuno. Pero hindi doon natapos ang lahat, dahil nalaman kong magkaklase pala tayo sa isang subject. At kapag siniswerte ka nga naman, pinag partner pa tayo sa ating project. Dahil doon nagkaroon ako ng chance na malaman ang number mo. Pati facebook ay inalam ko di ko na pinansin ang hiya ang dahilan pa'y for project purposes only. Pero may hidden agenda ako at yon ay ang maka chat ka gabi gabi. Nangyari naman, naging close tayo as in super close. Diko inakalang matutupad ang munting wish ko. Di na rin ako nahiya nag tapat pa ako sa'yo. Di ka nagsalita basta ngumiti kalang at kala ko'y yon na yon at okay na tayo.
Naging sweet tayo sa isa't isa at ang mundo ko'y kinulayan mo ng rainbow. Walang malinaw na usapan pero sa tingin ko'y mag MU na tayo. Hilig mo pang mang nakaw ng halik sa pisngi - pero dahil naughty ako, pag alam kong mang hahalik kana ay haharap ako ayon swak sa banga slurp. Palitan ng good morning at goodnight sa gabi naging regular na sa'ting dalawa. May endearment pa us, so para na talaga tayong mag juwa. Umasa ako, kaya minahal kita ng wagas tiwalang may "Tayo" talaga. Ngiti sa labi ko, hindi na nabura. Pero dahil di ako kuntento sa non-label na relasyon diniretsa na kita ng tanong. Tinawanan mo lang ako, hindi mo alam nasaktan ako ng dahil doon.
Wala kang sinabi pa alam ko umiiwas ka. Nasaktan ako ng todo pero wala naman akong magagawa. May karapatan ba'ko? Wala naman talaga tayong malinaw na usapan baka malabong usapan pa meron. Ang sakit lang sa dibdib pero sige lang, tuloy lang basta masaya ako - sana lang manatili tong saya na'to hanggang dulo. Masayang mag mahal, masayang mag mahal kahit wala tayong label - naging mantra ko na ata to araw araw. Pinipilit ko ang sarili ko na okay lang talaga ang ganito pero yong puso ko palihim ng lumuluha. Deserve ko ba yong ganito? Tuloy paba? Diko na din sigurado. Pero nakuha ko na yong sagot nong ikalawang tanong ko sayo.
Umasa ako, umasa akong sa huli mag iiba ang lahat at ang nararamdama'y iyo ng masusuklian. Pero umaasa lang pala ako sa wala. Sa umpisa palang di ka handang papasukin ako diyan sa puso mo. Akala ko lang pala talaga - akala lang ang lahat dahil hiling na pagmamahal mula sayo'y hindi ko makukuha. Pinaramdam mo lang na mahalaga ako pero peke pala ang lahat. Ako'y isa lamang na panandaliang aliw para sa'yo. Kapag bored ka saka mo lang ipapadama na mahalaga ako. Pero pag naglaho na back to cold person kana naman dinaig mo pa yong tinda ni ka Nina na yelo sa lamig doon sa may kanto. Pinaasa - yon lang ang nangyari. Walang kami, walang tayo at hindi kelanman magkakaroon ng TAYO.
Siguro'y nakapatay ako ng cheetah nong unang panahon kaya nag decide ang langit na ako'y parusahan ng bongga.
Hahahaha, I wrote this one yesterday actually, this is just a work of fiction. And, I have a lot more to add in here but I will just make a part 2 for this. I just decided to write a story using our Pilipino Language - it's a love story by the way, a painful one but I'm not sure yet if I will make it a happy ending one or what. Just whatever, I'll think of it when I write the part 2.
Sorry to my other readers, I just want to rest my mind in making an English article that's why I wrote this too. You can still read it if you want using that globe button just beside the BOOST. Thank you and happy reading!
Lead Image From Unsplash
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
October 17, 2021
--
I never knew there was a translation click at the top, before I use to copy and paste it in Google translator. I hope we read the part 2 . Soon.