A Nightmare on my Street

47 74
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

One day, isang araw. I saw you, nakita kita. Naga flylalu ka kaya sinundan kita. Gabi noon at malamig ang simoy ng air pero maliwanag ang buwan. Napadaan nga ako sa may pilapil kaya nahagip ng ilong ko pati amoy ng tae ng kalabaw. Hindi ko nalang pinansin kasi gusto kitang sundan. Hindi ko alam kung bakit you're shining so brightly na kala mo'y alitaptap. Pero sa laki mo imposible talaga yang iniisip kong yan. The truth is nakaramdam ako ng takot pero inignore ko lang kagaya ng pag iignore ni Kulas sa feelings ko. Sa isip ko baka kayamanan kang mag aahon sa'kin sa hirap kaya positibo akong sundan ka, nanginginig pa nga, excited yorn. Pero may kasamang kaba pero keriboom lang.

Pero wait lang ang layo na ng nalipad mo pero tuloy kapa rin sa pag lipad. Lawit na yong dila ko sa pag sunod sayo pero ikaw tuloy pa rin papaga pagaspas ang pakpak ganorn. Ano ba namang laban ko sa bilis ng wings mo sa maiikli kong biyas diba. Tapos bigla kang huminto, pati ako napa hinto as in. Yong puso ko biglang bumilis ang tibok parang yong tibok ng puso na nakakita ng gwapong hombre na sobrang gagaling manakit. Pero magka iba sila, nakaramdam ako ng panganib. Naisip ko bigla ang puri ko, pano kung plano mo pala ito sa simula palang? Na dahil alam mong gusto kita sinamantala mo naman? Iniibig kuno pero playtime lang pala. You hurt me now I'm lost.

Okay, teka take two. Naligaw na naman ng landas ang utak ko paumanhin mahal kong mambabasa. Me kaya when makaka free taste ng pagmamahal. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, rinig na rinig ko na dahil sa takot ko. Kapag napatingin ka sa direksyon ko maaari akong madedo. Baka imbes na yumaman, paglamayan pa ako. Kaya tumalikod ako! Tumalikod ako sa pangako kong mamahalin kita habang buhay! Pasensya na kayo sa author may pinag dadaanan kaya nasisingitan ng kung ano ano ang kwento. Tumalikod ako, balak kong lumayo at tumakbo para maiwasan ang sakit na hatid mo, pangil mo I mean.

Dahan dahan, very slowly. I move my feet na yong walang sound. Ingat na ingat at baka masaktan na naman ang puso kong pinaglalamayan na. God knows I tried, but I failed. It didn't work. Just like the two of us. I mean, may natapakan kasi akong dahon at gumawa ng ingay yon. Bigla akong napa tingin kung nasaan ka. At nagsalubong ang ating mata. Biglang tumigil ang pag ikot ng mundo dahil sa nakita ang yong mata, napaka pula. Akala mo'y nagda-drugs at high na high pero hindi ganon. Mapula sadya ang mata mo, ang yong tingin parang hihigupin mo ang buong lakas ko later. I will be the willing victim sana If ever but fears takeover my body when you show your fangs. Rawrrr.

Nanlamig ako bigla. Naningas ako sa kinatatayuan ko na parang tinubuan ng yelo ang lupa, di maihakbang, nakalubog sa snow na white at stuck ang mga paa. Gusto kong maglaho sa paningin mo pero huli na ang lahat. Papalapit kana sa'kin, nakabuka ang bunganga at nakalabas ang mga pangil. At habang sayo'y nakatingin nakakarinig ako ng mga rolling thunder na feeling ko'y anytime ay tatama sa akin para ipaalala na kailangan ko ng mag move on sa kanya at pakawalan ang ala-ala ng kahapon to create new memories with you, charingggfff. Papalapit kana, kunti nalang maglalapat na ang ating mga labi, panga rather. Halos maduling ako sa pag titig sa'yo at nong oras din na yon ay nagpa sabog ka ng Bomba.

Titig na titig ka sakin. Yong mata mo kung maka titig para akong lalamunin ng buo as in pati buto isusubo't ngunguyain. Walang ititirang bakas at sa tatlong kagat kalansay agad. Sari sari na ang nasa isip ko habang nakatingin sayo. Wari ko pa'y nahuhulaan mo ang iniisip ko at parang takam na takam kana sa alindog ko - I mean na lunukin ako. At mula sa mata mo'y napatingin ako sa ibaba, pababa ng pababa ng pababa hanggang sa umabot na ang tingin ko sa bukol. May bukol ka sa paa bakit kaya, hmm. At bigla kang nagsalita. Para akong nakalulon ng bone marrow ng baka at biglang di makahinga. At ang iyong sinabi "Who are you?"

Keri boom ang accents pamatay, british panga bongga. Englisherong dyablo, may sungay na pula at ngayong nasa malapit kana mas natititigan ko ang iyong mukha nakakatakot oo pero ang hot ng abs mo okay lang atang mamatay ako sa kamay nya. Ngunit pinakita mo ulit ang pangil mo kaya ako'y napaatras. Napag tanto kong di ko pala kayang mamatay sa kamay ng lumilipad na creatures. Kaya umatras ako ng kunti. Nagriready na sa pag takbo para makaalpas sa mga mata mong unti unti ng binibihag ang puso ko even though we just met. Nasa akto na ako na kakawala sa ala-ala ng nakaraan ng bigla nalang nasinagan ka ng buwan. At doon ay lumabas ang iyong tunay na anyo. Ang anyo mong diko nalimutan.

"Ku-Kulas? Isdahyuuu?" Ang akin na lamang nasabi.

The End.


So, how are you? Hahahahaha - even I don't know what's happening here. I just thought of this yesterday when I was in my crazy self lol. It's suppose to be a horror one but hahahaha, I don't know what can you say about it? I'm not really good in horror thingy coz I can't relate to it and I don't know the feelings of being haunted or whatever, but I hope I make you laugh even just a little? And I'm sorry to my non English readers - I just want to use our language every once in a while so I hope you don't mind UwU.

HAHAHAHAYA.


Lead Image From Wallpaper Safari


Recent Article


Read these to Start in Club1BCH


November 05, 2021

--

21
$ 9.62
$ 9.05 from @TheRandomRewarder
$ 0.10 from @bbyblacksheep
$ 0.05 from @Jane
+ 14
Sponsors of Ruffa
empty
empty
Avatar for Ruffa
Written by
2 years ago

Comments

Di ko alam kung matatakot ako or matatawa lalo na sa ending yung binanggit na si Kulas HAHAHAHAHAHAHAHAHA

$ 0.00
User's avatar EJ
2 years ago

Bisdak ka @Ruffa? Nagkatawa ko sa word na madedo kay ginaingon sad nako na na word hahaha! 😅

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, bisaya? Hindi man hahahaha, anong sinasabi mo huehue

$ 0.00
2 years ago

How to be Kulas? Papaturo sana ako mag English haha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, basa basa kalang daw sa watty hahaha. Or dito hahaha

$ 0.00
2 years ago

Si Kulas lng pala.haha. bet ko yung British accent ah😂😂😂😂 nkakatuwang basahin. Haha. Una nasa isip ko paniki.haha. paniking lalaki pla na englisero😂

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, happy yarn sis. Tagal mo mia dito abaw.

$ 0.00
2 years ago

'Yung pigil na pigil kong matawa habang binabasa 'to kasi nasa labas ako ng bahay. Jusmeee, ano baaa? Kung saan-saan na naman nakarating ay. Pati poops ng kalabaw, nadamay. 🤣😂

Kulas? Bagong pag-ibig ba? Ayaw mo na kila Lutcho? Hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Bwahahahaha, ayaw ko na kay Lutcho sawa na me wahahaha. Kamusta ang utak di kaba naguluhan? Hahahaha

$ 0.00
2 years ago

It's so funny, sobrang nakakatawa. I can't stop myself from laughing, hindi ko mapigilan. Ang dami kong tawa mga bente na twenty. Hahaha. Puro lang ako tawa at laugh. Nabaliw na ako dito. Hahaha. Wala akong takot na naramdaman. Yung takot ko lang ngayon ay yung mawala siya. Hahaha.

$ 0.00
2 years ago

Bwahahahahayop talaga, naisingir pa nga ang hugot nya wahahahaha. Funny na funny femfem wahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ruffa filipino lady , I have come you will not see any nightmare bch devil let begin bch journey

$ 0.00
2 years ago

Hahaha hey, you're familiar UwU.

$ 0.00
2 years ago

haha are you still want marriage .. I am ready let's do it

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, nahhh I love my freedom though hahahaha

$ 0.00
2 years ago

yeah yeah all want freedom let's see ...find me another one

$ 0.00
2 years ago

Napakanta pa ako sa intro mo sis,kala ko horrible story na.😅pero my something comedy and hugot din 😁😁

$ 0.00
2 years ago

Diko napanatili ung horror dapat hahaha hihi

$ 0.00
2 years ago

Okay na yan sis😅😅tama na ang horror,comedy and romance naman.😁😁

$ 0.00
2 years ago

Hehe kinabahan ako dun sis. Yung nati thrill kana sa pagbabasa. Tas yung imagination ko ang lawak na. Hehe si kulas lang pala yun.. pinatawa mo talaga ako sis.😄

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, horror na naging funny story sis huehue. Ahahaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha pumasok pa ako sa kwarto kasi akala ko manananggal hahhaa. Ewan kooo, laptrip talaga tu ate hahahhaa. Hugot na hugot yung mga segway eh hahha

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, di na naging horror ee. Dapat kasi horror yan ee huehue

$ 0.00
2 years ago

tama nga talaga ako...mababaliw ako habang nagbabasa ahahahah pero di ko mapigilan ang tawa ko sa mga segwasy eh...rawwrrrr

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha hugot na hugot Noona hugutera ng taon yan sya hahaha

$ 0.00
2 years ago

Laptrip 🤣🤣🤣 akala ko yung bukol sa gitna 🤣🤣 sa paa pla. Haha. Iba rn to. Nkadrugs kb? 🤣

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, naka drugs nga wari ko ako ahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Haha ang kulit eh, yanung kulas na yan walang magawa😀

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha di ko na alm san tumungo ang kwento ahahaha

$ 0.00
2 years ago

May napatunguhan naman poah, kay KU.….LASSSSS🤣

$ 0.00
2 years ago

Natawa ako sa intro sis ha. haha. You made my day talaga!

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, thank you sis. Happy akong happy kayo wahahahaha

$ 0.00
2 years ago

Si Kulas talaga pinagod ka pa. Hahahaha. Pero kailangan nga kaya tayo makakatikim ng pagmamahal? 😁

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, yan din nga tanong ko ee. Ako baga'y excited na huehue when kasi baga 🤧🤧

$ 0.00
2 years ago

Hahaha. Hindi ko din alam. Tapoa gusto ko yung may pagkagat sa leeg din. Hahaha. 🤣

$ 0.00
2 years ago

Sobrang sakit ng tiyan ko dito, di ako mka tawa ng maayos kc may work partner ko, napaka galing mo po talaga pag dating sa mga ganyang article kaya nakaka enjoy basahin,😅.nkaka wala ng stress

$ 0.00
2 years ago

Hahahau yiehhhh, salamatsu sa pagbabasa 🙈😁. Mapasaya ko lamg ang lahat solve na me 🙈

$ 0.00
2 years ago

Enjoy na enjoy talaga sis, while reading nag imagine din ako sa scene hahaha,pwedeng pwede talaga pang movie.

$ 0.00
2 years ago

Kwelang horror sis. Hahaha so bampira si kulas? Napaka thrilling at descriptive ng mga event hahaha hooked na hooked para drama.

$ 0.00
2 years ago

Hahahahaha, diko din alam ano sya ee wahahaha. Basta nalipad na may sungay huwhuw 🙈🤧

$ 0.00
2 years ago

Jusko hahahaha may pa English2 Kulas lang naman pangalan hahaha kulet neto sis

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha Englishman na devil wahahaha pero amg baho ng name wahahaha

$ 0.00
2 years ago

grabe mare hindi matapos-tapos ang tawa ko sa mga hugot mo lalo na yung bukol sa paa Hahaha sobrang bintang-binta hahahah

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, epal kasi dapat sa ano yung bukol ee . chorr wahahahaha

$ 0.00
2 years ago

nilalason mo utak ko mare ahhaha

$ 0.00
2 years ago

Hahahab grabe ang tawa ko dito, nakakgood vides ka talaga mag sulat Ate Ruffa.

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha, awiehhhh thank you 🙈🤗

$ 0.00
2 years ago