Tiktik, yes tiktik not Tiktok

17 42

Tikitikitoktok, tikitikitok.. Charot! December 6 naaaaa!

This post is a question and a short experience when I was still pregnant. So, for moms out there, if you pass by my article or read it by any chance, please share your experience too!

By the way, have you experienced something weird or scary when you were still pregnant? Yung tipong mga pamahiin or kasabihan or mga supernatural beings like Tiktik, manananggal, etc.

I was actually writing one of my articles just a few minutes ago and for some reason I remembered this experience while I was still pregnant with Lil B. So I stopped and saved the article that I was writing for later.

Eto naaaa....uy, don't expect super creepy story ha. HAHAHA

Ayun na nga, we have an apartment near my parents house and they didn't let me stay there alone. I remember my nanay telling me to put garlic sa may windows ko sa apartment when I was still staying there. Usually I stay there alone kasi nasa province nga si husband ko. Well, I didn't follow her not only because I forgot but I don't believe in it. Instead of staying in the apartment my mother really insisted me to stay in their house. They do not like me being alone in the apartment, so I did.

Months passed and my due date comes close, I think that was around 7 or 8mos when my younger sister and I experienced something weird. It's not unusual but it's legit weird.

I don't know but when I was pregnant, lagi akong puyat. Siguro na din dahil sa tulog ako madalas sa hapon ts gising ako sa gabi. I usually fall asleep around 2am to 4am. Then one night, my sister and I were in our room and I think around 1 or 2am (could be earlier) I heard a screeching sound. Yung tunong ng electric fan na parang masisira with a beep na parang nabibingi ka, ganun. Mahina sya at first, dinedma ko sya sa totoo lang pero after a few seconds palakas sya ng palakas. I was expecting na mawawala sya after a few seconds kasi ganun sya madalas diba. Yung parang ringing sa ear na *toooooooot* tapos mawawala. Pero lumakas sya lalo, I looked at my sister and asked her if naririnig nya din yun.

The sound continued to get louder and louder. Oh by the way, have dogs do if there's a rat or a person that passed by na di nila kilala magtatahulan talaga sila. Another weird thing is they didn't. Nairita na ako actually, alam mo na buntis. So I asked my sister to check or silipin sa bintana sa living room area. Sabi nya, wala naman. I told her to turn on the lights outside. Shockingly, right at the second she turned on the lights biglang nagstop yung noise. As in pagbukas na pagbukas nya nawala. Nagulat din ako. I asked her again to turn it off and turn it on again. Then nawala na yung sound.

We didn't want to be creeped out about what we heard but good thing na may garlic dun sa bintana sa room namin and I wasn't sleeping on the bed near the window. We let the lights on through out the night na lang.

I told my mother and my sisters about it, nakakaloka. Naloka din sila, tapos yung isang sister ko also shared something like that nung malapit na din sya manganak. Not exactly that she heard a noise but it was a different experience for her but we both experienced it nung malapit na kami manganak.

Kayo ba? May naexperience din ba kayong something weird or that made you believe sa mga ganung bagay? Share mo naman! Gusto ko yung mga ganyang stories din hihi.

Check out some of my related articles too!

Realizations: Mom guilt, again

Foodie of a 6 month old

Do you believe in 'bati' or 'usog'?

I'm freaking out, I'm breaking out!

Pre-nanay, newborn, atm: mother challenge

Little cosplayer: Battousai

Monthsary milestone: Twice - Alcohol Free edition

15-min rush: Monthsary o Milestone?

Pancake morning

Sorry...pt. 3

Afternoon Delight...pt. 2

Please give us days like this - pt. 1

Just when you thought it's over, it's not. It was just the beginning (...

Little Beebee goes live!

I believe in perfect timing. A pregnancy experience.

Lead image from Unsplash

7
$ 5.70
$ 5.62 from @TheRandomRewarder
$ 0.04 from @ErdoV
$ 0.02 from @Momentswithmatti
+ 1
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

fortunately, i didn't have this experience, maybe because our unit is in the 2nd floor.. so wala syang option na lalapagan..hehe

$ 0.01
2 years ago

wala parking space ang tiktik hahahhaaha

$ 0.00
2 years ago

Sa akin sis, wala naman. Peaceful naman yung paligid namin. Nakabukas pa nga yung bintana namin pero lagi akong nakaitim ng damit pag matutulog

$ 0.01
2 years ago

Marked safe during pregnancy hahahaha May ibig sabihin po ba pagblack damit matulog?

$ 0.00
2 years ago

Para di maaninag ng aswang yung tiyan ng buntis sis, yan lagi sabi ng lola ko

$ 0.00
2 years ago

oooh, kaya wala ka naexperience na ganito. Next time, HAHAHAHAHAH pagnabuntis ako ulit gawin ko talaga to.

$ 0.00
2 years ago

Oo gawin mo sis, hirap pa naman kung may aswang sa paligid

$ 0.00
2 years ago

Wala naman saken sis. Pero sinabihan ako ng mama ng gf ko na may mga aswang daw dito kaya di nya ako pinapalabas hahaha! Pero lumalabas parin ako kasi matigas ulo ko

$ 0.01
2 years ago

Basta may kasama tska sa di naman kalayuan ano. Hahaha ako dn eh pero lagi ako sinasamahan ng tatay ko kapag gabi. Hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Ito talaga iniiwasan ng mga parents pag buntis yung mga anak nila hihi. Uso din dito sa amin yang ganyan ate. Yung tiktik, aswang at iba pang elemento na target daw is yung mga buntis.

$ 0.01
2 years ago

onga eh. di din ako naniniwala nun, pero na weirduhan ako nung nangyari na sken eh. kala ko nga probinsya lng meron ih.

$ 0.00
2 years ago

Ay hahahah ako talaga nakikita din ng mga kapit bahay namin ang ganyan dito sa likod ng bahay namin, pero dito ako magtatambay e kaya diko nalang talaga pinapansin ang mga yun. Until nakita kona talaga ang mga bakat ng kamay sa dingding ng bahay namin kitang kita talaga hanggang ngayun maraming natatakot. Siguro nasanay na ako kaya diko na masyado pinapansin

$ 0.01
2 years ago

JUZKODZAAAAAI! naintriga ako kung anong nakikita ng mga kapitbahay nyo. Matulis ba kuko? kinilabutan akooooo legit!

$ 0.00
2 years ago

Bakat ng palad lang po parang dugo ang kulay

$ 0.00
2 years ago

O.O bukod sa bawang ano pa ba pangontra dun?

$ 0.00
2 years ago

Ay relate na relate ako dito sis 😅Nung buntis ako sa 2nd baby ko lagi akong may naririnig sa likod ng bahay wakwak tawag sa amin dito sabi nila pagmahina daw ang boses ay malapit lang daw pero kung malakas naman ay medyo malayo ,ilang beses kong narinig yung parang paglanding talaga ng wakwak hahha 🤣🤣

$ 0.01
2 years ago

HALAAAAAA! as in sa bubong nyo naglalanding? OMAYGAAAAAHD!

$ 0.00
2 years ago