Do you believe in 'bati' or 'usog'?

8 128

Wala namang masama kung maniniwala sa pamahiin. Totoo naman, di ka naman gagastos dn pero sometimes for no logical reason it works (well, not for all).

Tagalugin ko na lang kasi antok nako mga friends. Mejo busy lang for the past few days.

Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

May iba't ibang klase ng pamahiin ang mga pinoy. Meron pang individual, pampamilya, para sa blessings, para magasawa, o para na din sa mga bata.

Share ko lang anong nangyari last week kay little b.

DISCLAIMER: naniniwala sa pamahiin ang nanay ko, sinusunod or pinakikinggan dn naman namin MINSAN or depende sa pamahiin.

Personally, without logical explanation. Naniniwala ako sa bati or usog. Why? Kasi lagi ko syang naeexperience kahit ngayong matanda nako. Ang sabi ng nanay ko kapag lagi ka nauusog, malakas dn ang usog mo. Well, this goes sa tatay ko at ako. Minsan for no reason, biglang sasama pakiramdam namin na parang sinisikmurang nasusuka at di makatulog, kahit wala naman kaming kinain na ikasasakit ng tyan namin. For some reason, bigla na lang nawawala after a few minutes kapag pinahiran kami ng laway ng taong nakausog o nakabati samin. I find it weird sa totoo lang pero it works on me.

Same goes to babies, more pa kapag galing ka sa labas at initan or bigla mong babatiin or papansinin ang baby possible na mausog. Di ko lang dn matandaan anong ibang term nila dun pero ganun na nga. HAHAHAHA

Anyway, to continue the story ay, wala pa pala. Eto na...

Nagvisit and sister ko and anak nga kasi may lalakarin kami ng mister ko. Kelangan ko iwan ang anak ko and binilin ko sya sa kapatid ko na nagsisilbing pangalawang padede-an ng anak ko kahit may milk naman ako na naipon. Minsan kasi di sya nakukuntento sa bote. Eto na nga. Teka, pangalanan muna natin sila.

Tita Mami- sister ko

Ate H - pamangkin kong mag2yrs old.

'Lil b- anak ko

Umuwi sila nung Friday and laro laro sila Ate H and Lil b. Tapos biglang sinuot ni Ate H ung shades na binili ko para kay Lil b and nagulat kami kasi biglang umiyak si Lil b, ang nakakagulat pa ung iyak nya eh iyak ng takot. So akala namin natakot or nanibago sya sa itsura ni Ate H nung sinuot nya yung shades.

Lil b wearung the shades I bought

Pagdating ng dinner time sabay nag eat ang magpinsan. This time sinuot naman ni Ate H ung eyeglasses na ala Harry potter style.

Lil B wearing the eyeglasses na walanv grado

Pero as soon as nilingon ni Lil b si Ate H umiyak na naman ng malakas, same iyak nung una naparang takot na takot.

Ts parang every time na titingin si Lil B kay ate H, umiiyak sya. Hanggang kinakagabihan. Sabi ko baka nausog ni Tita Mami or ni Papsi (lolo ni Ate H). Sa kadahilanan na di namin alam kung sino nakausog (kung nausog man), lawayan namin lahat si lil b. Binulaga bulaga din kasi kaagas ni Tita Mami si Lil b pagkarating nila nun. Nagjoke dn si tita mami na baka naisama ni Ate H ung friend nya dun sa bahay nila.

Mejo huminahon naman sya pero bago matulog umiiyak pa dn sya ng parang takot. Last resort namin ung papakuluan ung damit nya. Kapag hindi daw alam kung sino nakabati or nakausog, pakuluan daw ung damit.

*It worked for me nung bata pa ako several times and same nung maliit na baby pa si Ate H*

So ayun, mejo tumigil na sya umiyak before matulog.

Then the next day, alis kami ng asawa ko. Iwan si Lil B sa bahay. While naglunch kami, tumawag ako to check on Lil B sa bahay. Sabi ni Tita Mami, pinapunta daw ng nanay ko ung manghihilot (si Manang) kasi pinahilot si tatay namin. Ts nabanggit dn nila na iyak ng iyak si Lil b kagabi. Tapos biglang sinabi ni Manang, ay may kasama daw. Tska Byernes dn daw nun. Kapag Martes and Byernes daw madami daw mga elemento or espiritu na pwedeng makapansin sa mga bata. Kaya ayun. Pero di bakit bawal paliguan daw ang bata kapag martes at byernes? Kasi ba fresh sila nun at baka mapansin ng mga kung anek anek? Char chos lang!

Tapos nung nagising daw si Ate H before pumunta si Manang, edi nakita sya ni Lil b. Si Lil b daw parang kinakausap si Ate H tapos parang pasigaw hahahaa. Imagine mo na nagsasalita ung baby nang di mo lang maintindihan, parang awawaaaawawawaa awwuwuwuwuwuwww! Ganern hahaaha!

So ngayon, di naman na sya umiiyak ng sobra na parang takot. May times lang nagaamba ng iyak kapag nakikita nya pa dng nakasalamin si Ate H.

Closing

Pero ayun na nga, wala naman masama kung maniniwala. Piliin lang natin siguro kung ano papaniwalaan sa maliliit na bagay pero tandaan. Wag natin isakripisyo ang kalusugan ng ating mga anak, dahil lang sa pamahiin. It's always better to consult an expert. When still in doubt, consult another expert. :)

Heartsuuuuu ♥️♥️♥️

Lead image from unsplash

Pictures posted are mine

4
$ 3.72
$ 3.65 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Khing14
$ 0.02 from @Momentswithmatti
Sponsors of Micontingsabit
empty
empty
empty

Comments

i dunno anong term nyan sa amin sa bohol but di ako naniniwala...maybe may scientific explanation jan.. it may or may not work to others,

$ 0.01
2 years ago

True, hirap nga magpalaway ngayon kasi may pandemic buti na lang mga kapatid ko lng lagi bumibisita dito sa bahay

$ 0.00
2 years ago

Dito po sa probinsya po namin, naniniwala po sa usog. Malakas daw nakaka usog yung may itim o maitim yung dila.

$ 0.01
2 years ago

Hala, maitim lang kilikili ko sis hahaha pero malakas daw usog namin ng tatay ko sabi nung manghihilot dati

$ 0.00
2 years ago

Hahaha, pero personal experience ko lang about usog. Yung baby ko ngayon laging na uusog kasi mataba , ayaw niya mag dodo bigla. Tumawag kami sa doctor tapos wala namang finding kong bakit, nag decide yung papa ko dalhin sa manghihilot . Pagkatapos pinulsohan sabi hilot tapos binasbasan niya nang latin na prayer. Pag uwi namin nag dodo na siya.

$ 0.00
2 years ago

Ako sis personally hindi naniniwala sa usog eh...pero sa probinsya namin naku uso yan..basta nag iiyak ang bata nang parang hindi malaman ang dahilan eh sinasabi nila nausog or nabati.

$ 0.01
2 years ago

Weird kasi kahit ngayong matanda nako pagsumasakit tyan ko ng di ko alam ts may bisita sa bahay kadalasan ganun ang lagay ko hahahaha

$ 0.00
2 years ago

Kanya kanya naman po talaga tayo ngbpaniniwala..hehe

$ 0.00
2 years ago