read.cash Log in
@JhennyDR

@JhennyDR in October 2022

@JhennyDR

My first born ate Missy! She's turning 11 years old this October 7. Pag nag birthday sila nakakatuwa kasi weekly. Ang isa ko ay sep 30 and then next October 7 tapos ang Mj naman namin ay October 14 hehe. Si ate Missy, napaka mahiyain nung baby pero habang nag aaral naman siya ngayon ay gumagawa ng record sa school. Noon ang linya ni ate missy ko ay "chichi big girl, chichi aral" kapag big girl na daw siya ay mag aaral na siya hehe chichi kasi di niya mabigkas pa ang missy…

@JhennyDR

My big girl ate Missy! More more throwback pictures ng aking eldest hehe nakapag share na din ako sa kabila ng ilang pictures niya. Nakakatuwa balik balikan ang mga pictures nila noon. Parang lalo mong naiisip na napakabilis ng panahon.

@JhennyDR

Ey! What's up Noise family! My first ever post using noise.app from playstore! w(°o°)w Thank you, thank you first of all to our Developer. We are so grateful because of your neverending hardwork @Simon. Full of surprises talaga, grabe medyo tumahimik ang admin ng noise.cash before pero meron palang pa ganitong ganap. Habang nag eexplore explore lunch time na din muna po tayo. Gulay na sitaw at kalabasa plus nilagyan ko ng gabi hehe. Sayang naman eh hinalo ko na din. May mga…

@JhennyDR

Lunch time na! Sitaw, kalabasa at may pa extrang gabi pa! Nabalitaan niyo naba noisefamily ang noise.app na available na sa google play store? Aba'y kung hindi kapa nakakapag download, mag download na! Very thankful and grateful sa ating admin at developers na talaga namang super duper hardworking. Ang galing kasi diba meron talagang improvement at talaga namang mas pina convenient ang pag gamit. Anyways, tara na po, lunch na muna tayo:)

@JhennyDR

Patatas pa more! Dahil wala silang meryenda na iba ngayong hapon, itong patatas ang naisip kong lutuin. Nung mga nakaraan ay nilulutuan ko na din sila nito at talaga namang, patok na patok sa mga chikitings na ito ang pritong patatas. Parang fries na daw kasi ang lasa sabi ni Mj, kaya natawa ang ate niya at sinabihan na, Mj, ang fries sa patatas yun gawa 😅 hehe ang tawa ng mag ate eh. Meryenda mode po muna tayo, nag iwan ako ng ilang piraso para sa susunod na lutuan kasi…

@JhennyDR

Spicy na Oishi pa! (ノ*0*)ノ Grabe pala ang spicyness nitey, mas maanghang pa doon sa kulay red na oishi. Akala daw kasi ng kapatid ko eh ito yung original. Pero mas pina anghang pa pala hehe. Hindi nga magawang maubos, nung isang araw pa ito, inuunti unti namin hehe. Natikman niyo na din po ba itong ganitong flavour noise family?

@JhennyDR

Jemjem and Mj There's a monster and Fighting Ninja Photo! Kuha ito ng ate nila, sinend ni mister sa akin. Aba may pa ganito pa silang nalalaman. Ako nga di ko alam mag ganyan ganyan pa effects hehe. Ang dami nilang alam ngayon, at ang galing nilang gumamit ng mga edit edit sa phone. Kapag nakakahawak sila ng phone, puro videos at pictures ang makikita mo talaga sa gallery haha.

@JhennyDR

Cutie Sibuyas for 25php Grabe ang itinaas ng sibuyas, dahil sa epekto ng bagyo kaya ganito ang nangyari sa presyo ng mga bilihin lalo na ang gulay. Bago magkaroon ng bagyo, nakabili pa kami ni mister ng 30 to 35php ang 1/4 kilo. Pero itong mga cute na sibuyas na ito ay 25php na wala pang 1/4 dahil sa palengke daw ay 200php na ang kilo. Huhu sana wala na munang mga bagyo or malalakas na ulan para makabawi bawi din ang ating mga farmers. Ang daming napinsalang tanim na pinag…

@JhennyDR

Happy and Blessed Sunday everyone! Goodmorning noisefamily! Ang bilis ng araw, linggo nanaman po ano. May tira pang shanghai na di na iprito last time na ginawa ito nung friday kaya pinirito ko na ngayon for almusal! Ganern. Sabayan natin ng kape o tsaa para mainitan ang ating sikmura.

@JhennyDR

Ganda ng gising ng aking little bossing! Walang S! Magandang morning po from our little one Ela. Medyo tinanghali ng gising ang bebe namin kasi gising kami kaninang 4am. Nagising siya ng alanganin at aba, naglaro pa kami nun ha hehe. Ang nakakatuwa sa kanya kapag nagigising ng alanganin hindi naman siya yung umiiyak wag lang yung may nararamdaman siyang sakit or what. Talagang mag papa cute na kaagad at mag hahanap ng lalaruin hehe. Ano pong ganap sa inyo ngayon noisefamily?…

@JhennyDR

Nakalabas din! Ilang araw na din na gabi lang umuulan kaya ngayon nakalabas sila. Kulang ng isa kasi busy magtakbo si jemjem hehe. Habang nasa labas sila nila papa namin linis mode naman ako dito sa loob hehe. Happy Sunday po ulit!

@JhennyDR

Lunch time na! Kain na po tayo noisefamily, gagawa ako ng sawsawan nito para mas masarap ang kain ng family. Nag laga din ako ng kaunting talbos ng kamote para pang dagdag. Sabi ng nag tinda nito ay native na tilapia daw ang pangalan nito. Maliliit lang siya pero malasa at mataba ang isda. Let's dig in noise fam!

@JhennyDR

Walang kasawaan sa Kikiam Basta meryenda naku, walang kasawaan ang mga chikitings na ito sa Kikiam pero sa fishball hindi sila masiyado. Parang hindi nila type masyado ang lasa nun. Itong Kikiam kahit na walang sauce eh aba, binabanatan nila siyempre pati ako pati si mister haha.. Umalis na si mister para sa orientation kasama niya ang isang bunso kong kapatid. Kaya kami muna hehe, habang may nakasalang na labahin, kain kain din! (✷‿✷)

@JhennyDR

Ayiih! Makakatuyo kaya aku? Sino po dito ang kagaya ko na sunday ay laba day? Nakatuyo naba kayo? Or kagaya ko nakabilad pa din ang mga sampay? Hehe sana pare parehas tayong makatuyo anu po. Kaunti lang ang nilabhan ko ngayon kasi kahapon naglaba na din ako ng mga sapin at kumot ngayon naman ang mga damit. Makapag timpla muna ng kape kahit mainit kape pa rin, tara kape!

@JhennyDR

Kain po tayo ng ginisang gulay! Arat na! Ginisang repolyo at sayote po ang dinner namin, ang inihalo ko dito ay yung tirang babalutin sana kaya lang naubusan na ng wrapper. Naipang sahog na lang tuloy. Hinihintay ko pa sana si mister kasi umalis siya kanina para mag attend ng meeting, kaya lang baka mamaya pa siya dumating kaya mauuna na ako. Kumain na din ang mga bata kanina, buti na lang nakuhanan ko ng picture bago kumain kanina. May mga gising paba diyan noisefamily?

@JhennyDR

Earlier.... This is the view on our way to mom's house. While we're on our way I decided to took some pictures of the view together with my daughter Jem. Before this road is clean, without grass even the tiniest grass but after few weeks and days of raining, look how it all grows! But still it's beautiful the combination of colors are wonderful!

@JhennyDR

Magandang Morning! Thank you po God sa pag gising sa amin! Kanina habang nag browse ako ng mga posts dito nababasa ko na maulan sa kanila. Kanina mainit init pa dito sa amin kaya nga nagtataka ako, naisip ko na baka may bagyo nanaman or low pressure area. Pero ngayon hindi na ganito ang langit, makulimlim na ng husto at parang uulan na rin. Kaya hindi ko na rin itinuloy ang paglabas ng sinampay. Happy Monday noisefamily! noise.app/JhennyDR

@JhennyDR

Goodmorning noise.app friends and families! Love love daw nila si Smigol! Ang aga ng bonding nitong mga batang ito with Smigol. Buti na lang behave si Smigol parang alam niya din pag si Ela ang may hawak sa kanya eh. Minsan kasi napapa diin ang hawak ni Ela di siya nag rereact parang wala lang hehe. Pero tinuturuan ko pa rin si Ela na wag manggigil kasi sabi ko nga kawawa naman si Smigol. Parang aambon na din dito sa amin, ano pong activity ninyo for today's vidyow, este for…

@JhennyDR

Dahil wala pa sa bahay, ayan nagsend ang aking anak na nag dagdag daw ng hotdog na ulam kanina si biyenan ko. Nagluto kasi ako ng paksiw na isda, yung tilapia. Pero baka daw kasi di niya gaano makita kaya nagluto siya nito. Medyo may edad na din kasi talaga ang biyenan ko at minsan eh malabo na ang paningin. Ako naman baka mamaya pa makauwi, late na talaga ang lunch nito hehe pero keri lang kasi halos araw araw ay ganun naman ang nangyayari. Iba lang itong ngayon kasi…

@JhennyDR

Naks, busy si Aling maliit Pagdating ko ayan ang pinag kaka abalahan, mabuti na lang hindi siya umiyak hehe. Kakatapos ko lang kumain ng lunch noisefamily. Malamang ang karamihan sa inyo ay nag memeryenda na hehe ako naman ito kakatapos lang mananghali at busog pa pero nagkakape na. ╮(^▽^)╭ Nakakatuwa at marunong ng humawak ng pen, kala mo talaga nag susulat na eh haha.

@JhennyDR

Reports! Ang daming reports ng aking mga anak hehe, di na sila sanay ng umaalis ako eh kaya ayan ang daming report. Busy ang Ela kanina at doon ko nga naishare sa noise.cash pero di din naman padadaig mga ate at kuya. Ito naman daw ang pinag ka abalahan nila kanina. Ang isa gumawa daw siya ng calendar ang dalawa naman nag drawing daw hehe.. Mabuti at namana nila ang galing ng papa nila sa pag drawing ako kasi di ako marunong hehe.

@JhennyDR

Hala sige kudkod! Gumagamit pa din ba kayo ng ganitong pang kudkod? Ang tawag namin dito ay kaba kabayo din kagaya ng plantsahan hehe. Nagbigay si mama ng niyog kasi may nakuha na sila sa puno na ilang piraso. Tamang tama ito sa ulam mamaya, nakayari na ako mag kudkod nagsubok din ang mga chikitings haha, akala ko tatagal sila eh pero sumuko din ,( •͈ᴗ•͈) Siguro nagluluto kana rin, ano pong niluluto ninyo?

@JhennyDR

GulayS! With S! Yes with S, kasi hindi siya nag iisa. Ilang klaseng gulay siya hehe. Hindi lang pala si Ela ang may S pati ang gulay meron din, pero ibang S naman. May kaunti pang paksiw na isda kanina kaya ito ang pangdagdag ko ngayong gabi. Kailangan bumawi at kanina nag hotdog ang chikitings. Kaya ngayong gabi, gulay naman. Kain na po tayo!

@JhennyDR

Napurnada ang gata! 😅 Dahil dumating sila mama nagdala ng sayote, sakto may ilang carrots pa ako at isang repolyo kaya ayun nag gulay na lang kami. Ang niyog sabi ni mothe earth i ref na lang daw kasi ilalagay daw bukas sa "arawan" sa glutinous rice flour. May tira pang paksiw na isda charan! Nasa third picture ang cute ng mga fish na yan maliliit lang kasi pero malasa naman. Hala tara na po kain na tayu!

@JhennyDR

Magandang magandang morning! Thank you po Lord for the gising. Almusal mode na ng mga chikitings kasi check up nila ngayon sabay kuha na din ng mc nila para makapasok na sa school. Hindi kasi pwede ang to follow kailangan on the spot bago pumasok merong fit to go to school certification, oh diba ang taray ng ferson! Haha Anyways, highways national highways at sa lahat ng highways tayo na at magkape at mag almusal para maraming magawa. Nag prito lang ako nito kasi para…

@JhennyDR

Mainit na ang panahon! Maya maya ay aalis na kami papunta sa doctor para mapa tingin na ang mga chikitings. At sana ay mabigyan sila ng medical certificate para naman makabawi bawi na sa mga lesson. Sharing our back yard view, sa bandang dulo kasi after ng ulan di ko pa nalinisan sa ibabang ibaba hehe. Puro dito lang sa paligid ng bahay. Magandang morning sa inyo noise.app family!

@JhennyDR

Pila is real! Ang aga na namin dumating dito kanina pero pila is real talaga at siyempre kailangan unahin ang mga lactating moms with their babies at ang senior citizens para kasi hindi sila masyado matagalan na ma expose sa ibang mga tao. Kasi makikita mo talagang nag iiyakan na ang baby nila tapos siyempre hindi komportable ang mga elderly natin. Mas mahihirapan sila kung mag aantay ng sobrang tagal kaya tayong mga kaya naman mag hintay ay tayo na ang umunawa. My big…

@JhennyDR

May airplane daw! Grabe nakita nila yun sa sobrang liit hehe. Picturan daw nila kaya ayan po kuha nila yan habang nandito pa kami nakapila ang ganda kasi ng ulap sabay sabi may nakita daw silang airplane. Nakita niyo rin po ba?

@JhennyDR

Libang na libang yarn! Malapit lapit na kami sa katotohanan, number 20 na at number 36 kami hihi. Kanina kasi ang tagal sa number 8 at number 9. Pero ngayon mabilis bilis na, ang iba ay di na rin nakatiis na umuwi. Ang dami talagang nagkakasakit ngayong panahon natin kasi iinit at lalamig tapos uulan pa hahay.. kaunting tiis na lang at matatapos din, happy lunch po sa mga nag la lunch na!

@JhennyDR

Ang bilis ng oras, meryenda time na kaagad! Ang haba ng ipinila namin kanina sa health center pero ang mahalaga ay okay na. Ang aking dalawa sa hwebes pwede na makapasok. Ang panganay ko naman sa friday pa daw pwede, sakto at birthday niya iyon. Napakagandang regalo na ang gumaling sila at makabalik sa school. Nag prito ako ng patatas para sa meryenda nila hehe, kasi ako balak ko magkape at inaantok ako. 4am na yata ako nakatulog kakanood ng lesson para makapag apply ako ng…

@JhennyDR

Who wants some potatoes! Time flies so fast that it is their snack time already. I fried some potatoes as usual, because this is their snack last time. They liked and love potatoes, My eldest said it's like fries too, and even more tastier with cheese. My kids are happy that finally, we got their Med certificates. They can go to school on Thursday and my eldest is on friday. Yehey!

@JhennyDR

Salted Caramel pero lasang peanut butter? May dalawa kasing flavour itong biscuit na ito. At ang pinili ko nga ay itong salted caramel dahil nagustuhan nila ito last na nakabili ako ng mga pang baon. Pero ito mukhang na prank ako haha. Pero mas na prank yung mga anak ko haha. Ang gusto kasi nila ay yung peanut butter na gawa ni mama ganun ang lasa na gusto nila ( ◜‿◝ ) Anyways naghapunan na po ba kayo?

@JhennyDR

Gulay is life! Kailangan talaga sa pang everyday life natin ang gulay. Para mas pinahealthy ang food ng whole family. Nag gisa ako ng gulay na repolyo at sayote. Madalas kong maishare dito na si Ela ay mahilig sa gulay, okra, sitaw, kalabasa, beans, talong, carrots halos lahat ng niluluto ko kinakain niya maliban sa repolyo. Hindi ko alam pero ayaw na ayaw niya ang repolyo talagang hindi sila bati matagal ko na pinapakilala sa kanya pero ayaw niya pa rin hehe. Siguro di pa…

@JhennyDR

Goodnight naba talaga? For real my little one? Panay ang sabi niya ng goodnight mama, labyu! Pero iba naman ang nakikita ko sa mga mata mo. Hehe parang dito ka naman matutulog anak. Yung totoo mukhang maglalaro pa tayo at aantayin mo pa si papa mo eh. Keri lang anak, sabay tayo mag hintay hehe. Siyempre habang nag lalaro kami makakapag ingay ingay tayo!

@JhennyDR

Tipaklong/Grasshopper Earlier this afternoon, A grasshopper jumps in to our doorstep. Missy my eldest saw it first, but if my eldest was afraid of the grasshopper Jem,my second born is not. She said she was brave because Missy her eldest sister really ran when she saw the grasshopper but Jemjem was even caught it, haha I said just catch them inside but release them outside because they have lives too. Goodevening everyone, currently here with my little one waiting for our…

@JhennyDR

Preparing! Atm, at mom's house! Tumutulong ako maghanda ng birthday decors para sa pamangkin ko kasi pupunta daw sila dito kila mama. Tuwang tuwa ang mga chikitings ko kasi magkikita kita sila mag pipinsan mamaya. Goodmorning noisefamily, kape mode muna ako habang nag gagawa at nag papalobo ng balloons.

@JhennyDR

Fire up! Lutuan time na muna, nandito si brother ko na magaling magluto kaya assistant lang ang peg ko ngayon hihi. Keribels naman yun kasi nandito si Ela para matignan ko din. Hehe Yung kaninang decoration naku okay na sana kaso may pumutok agad na mga lobo haha apat agad agad. Sana umabot hanggang dumating yung may birthday.

@JhennyDR

Pangtikim lang daw ito? Siyempre pagkatapos magluto, tikman natin haha pero parang ang dami nitong pang tikim ni mother earth ko. Akala niyo po sa akin ano😅 Mamaya kakain na din ang chikitings (*^3^) wala pa rin ang ate ko at ang anak niya ngayon. Baka abutin sila ng 11am sa biyahe. Pero ganunpaman, super excited ang mga bata talaga at magkakasama sila ngayon.

@JhennyDR

Happiest Birthday to my pamangkin! Eating time na! Nandito na ang birthday celebrant. Tuwang tuwa ang mga chikitings kumpleto silang magpipinsan ngayon. Si Ela naman ngayon lang niya nakita ang anak ng kuya kong panganay. Meryenda na din po kayo noisefamily, arat na!

@JhennyDR

Isa pa! Isa pa! Isa pang sikinjoy! Chicken pa more! Ang daming chicken na pinaluto ni ate kaya naku talaga naman ang mga bata, isa pa isa pa isa pang chicken ma? Ayan ang kanilang bukambibig kanina hehe. Namiss nila ang chicken kasi matagal tagal na nung huling nagprito ako eh. Pero ako naman parang ang sarap magkape haha. Kayo po anong pinag kaka abalahan niyo ngayon noisefamily?

@JhennyDR

Missy with Tophee! They easily get close especially my eldest Missy since she really have a lot of visits to Tophee. Mas naging close siya kay Tophee. Sa picture na ito sa first and second si Tophee ang umakyat kay Missy hehe at gusto magpakandong. Ang sweet talaga din ng mga alaga natin ano po? Magandang gabi po!

@JhennyDR

May pakain na may pa baon pack pa! Ito yung hinandang pabaon pack ni mother earth sa amin kanina at mga lootbags na hinanda naman ni ate. Halos kakauwi lang namin ngayon dahil doon ako nag duty at nakatulog pa si Ela kaya lalo kaming natagalan sa pag uwi. Nauna ng umuwi ng bahay si biyenan ko dito at sinama niya na si Jemjem. Ito na din ang dinner ni mister ko kasi nag hapunan na kami doon kanina, yung mga tira na ang kinain namin para hindi na magluto. Nag dinner na din po…

@JhennyDR

Magandang umaga po! Maaga akong nagsalang ng almusal nila para umabot kasi may pasok na ulit ngayon ang mga bata. Kaya buti na lang umabot ang champorado kasi ito ang almusal namin ngayun. Naalala ko dati sa canteen namin noong nag aaral pa ako nakakabili ng champorado na 5php lang hehe pero ngayon naku waley na. Kaya ang solusyon ko magluto na lang ako para mas solve ang mga bata. Kayo po nakapag handa naba ng almusal ng inyong mga estudyante? noise.app/JhennyDR

@JhennyDR

Sunduan time! Mainit ang panahon ngayon dito sa amin pero buti na lang at mahangin naman. Si mister ko ay naka day off ngayon kaya siya na muna ang manunundo sa chikitings. Excited kanina ang mga bata kasi ngayon lang sila makakapasok ulit dahil nga nag higpit na dito sa aming lugar kailangan eh makapag pa check up ka muna at makahingi ng medical certificate para maipresent sa school bago pumasok. Kayo po, Kamusta po kayo noisefamily? Mag ingat po ang lahat ng papasok sa…

@JhennyDR

Sunduan time! Mainit ang panahon ngayon dito sa amin pero buti na lang at mahangin naman. Si mister ko ay naka day off ngayon kaya siya na muna ang manunundo sa chikitings. Excited kanina ang mga bata kasi ngayon lang sila makakapasok ulit dahil nga nag higpit na dito sa aming lugar kailangan eh makapag pa check up ka muna at makahingi ng medical certificate para maipresent sa school bago pumasok. Kayo po, Kamusta po kayo noisefamily? Mag ingat po ang lahat ng papasok sa…

@JhennyDR

Potatoes! More more potatoes from potato giant. Kahit nga yung tig 40 php lang per kilo masaya na ang mga bata, ito pa kaya na may pa ganyang packaging hehe. Tuwang tuwa sila pagdating at kinain na nila kaagad bago pa kumain ng tanghalian. Nauna na ang meryenda nila kasi mamaya papasok pa sila sa school. Anyways lunch time na po kain na po kayo!

@JhennyDR

My bida for my post! Tulog ang miming, sarap ng tulog kahit mainit ang panahon. Ang totoo po ay hindi ko alam kung ano ang name ni Miming. Kasi kanina may pinuntahan kami ni mama at itong miming ay sa kumare niya. Humingi naman ako ng permiso para mapicturan siya hehe. Dalawa daw sila, ang isa gusto sa mainit pumwesto ang isa naman gusto sa malamig. Kaso nasa ilalim ng table kanina yung isang miming kaya di ko na nakuhanan ng picture. Mamaya gising kana ming at meryenda time…

@JhennyDR

Kung bida si Miming sa noise.cash siyempre po siya din ang ibibida ko dito. Kasi bago kami umalis doon sa tindahan ng kumare ni mama ayan pumihit na siya ng higa. Ang cute niya kasi tignan enjoy na enjoy pa rin siya oh sa pag idlip kahit na mainit. Masikat pa ang araw niyan kanina kasi makikita niyo po may sikat ng araw malapit sa kanya. May parang trapal o lona lang po sa harap na part kaya feel na feel niya pa rin ang init which is gustong gusto niya sabi ng may ari sa…

@JhennyDR

noise.app/JhennyDR After garlic, let's do the peanuts! Pampawala ba ng antok ang hanap mo? Hehe sharing my way para mawala ang antok, ang magluto ng isa sa aking comfort food. Meron kasi kaming suppy ng tubig ngayon,ginabi kaya ayun, puyaters much. Pero keri lang naman po ang mahalaga ay may tubig na magagamit kasi mas mahirap yung puyat kana wala kapang supply ng tubig hehe malala yun, as in! Kayo po patulog naba mga sissy ko at brother ko diyen?

@JhennyDR

Finished! I shared few minutes ago sa kabila habang nakasalang ito, jusme nilakasan ko na baka naman kasi forty eight years pa bago siya maluto hehe. Ayun, ang ending muntik ng masunog haha. Pero tamang tama lang daw ito sabi ni biyenan ko at excited na din siya sa foodtrip hehe. Sarap naman kasi talaga nito lalo na habang nag no- noise. Ayiih! Kain na tayu!

@JhennyDR

Goodmorning from our little princess! Aga niya nagising at hinihintay niya magising ang kanyang ate kanina. It's her Ate's Birthday today. Pero may pasok sa school kaya umalis na din kami naghatid ako ng estudyante at waiting pa magbukas ang room ng aking second born. Si Ela panay naman ang pa cute sa camera oh, talagang akala mo eh nag momodel ng kanyang mukha hehe. Goodmorning noisefamily!

@JhennyDR

Fried Siomai! Goodmorning po ulit, at ako'y nagbabalik. Busy si Inday sa labahin kaya hindj po ako nakabisita kaagad hehe. Kayo po anong pinagkaka abalahan ninyo? Kagabi kasi hindi na ako naglaba dahil inaantok na si Ela at late na din yun nasa 11pm na ako nakatapos magsahod so ayun pinag pa umaga ne leng. Kasi iiyak din ang Ela namin kapag hindi ko natabihan kaagad at hindi sanay na matulog na hindi ako ang katabi. For now, meryenda muna at upo upo ng kaunti hehe bago…

@JhennyDR

Happy birthday ate Missy! Ikaw ang unang naging prinsesa namin at mananatiling prinsesa ko habang buhay. I love you anak, salamat at maintindihin ka, hindi ka nag hahangad or nag hahanap ng kahit na ano. Ang hiling mo lang ay makapasok na ulit kayo sa school. Sobrang thankful ako noisefamily, dahil ang mga anak ko na may kaawaran nung last week itong week at next week hehe kasi magkakasunod sila ng birthday. Alam nilang dumaan kami sa matindi tinding pagsubok kaya…

@JhennyDR

Kakain na tayu! Pritong Isda at gulay na saluyot at papaya for today's lunch. Namiss namin ang saluyot at papaya. Si Ela nga eh pinili na ang mga papaya sa plato niya haha. Kakarating lang kasi namin galing sa school at mamaya si Missy lang ang ihahatid ko, may oath taking program lang daw ngayon kaya walang pasok ang dalawa ko. Si ate Missy lang kasi ang officer sa room nila at sa over all ng Yes-O Bago manumpa, kumain na muna haha..

@JhennyDR

Hotdogs Magiging hapunan na ang lulutuin ko para sa birthday ni Ate Missy. Kakauwi lang kasi namin galing sa Oath Taking nila sa school. Officer kasi siya sa room nila at sa 3 pang club kaya ayun kailangan umattend. Isang hapon nanaman pong mainit noisefamily, grabe ang sakit ng balakang ko ngayon at braso siguro dahil na rin sa sunod sunod na gawa na mabibigat lalo na ang mga nilabhan ko kanina may mga kumot at sapin pati comforter kaya ang braso ng inday ngalay na hehe.…

@JhennyDR

Paalis na kami kila lola niya nito kanina! Ang berde din ng paligid kila mother earth, galing kasi kami doon pagkagaling sa school sinundo namin si mama para sabay sabay na kaming gogora sa bahay. Happy ang ate Missy ko na yan, kasi nakaka experience siya ng mga ganyan sa school. Gusto niya kasi talaga yung nag le lead siya and at the same time natututo siya. Happy birthday ulit ate Missy namin!

@JhennyDR

Ayiih! Dumating na ang order nung kapatid ko para sa kanyang furbaby Toffee. Talaga naman mahal na mahal siya ng kapatid ko lalo na at isa si Toffee sa kanyang stress reliever. Alam niyo po ba, sa sobrang stress ni kapatid ko sa kanyang work, isinasama niya si Toffee minsan doon at kapag break time laro laro sila habang wala pang ginagawa sa office. Kaya salamat Toffee at dumating ka sa buhay namin, lalo na sa buhay ng kapatid ko.

@JhennyDR

Izza Nuts! Excited pa si nanay kasi parang may nakita daw siyang citron dahil medyo malabo na nga ang mata at nasa madilim na parte pa ng istante kinuha niya kaagad. Sabi niya bakit naalog? Haha pagka punta sa liwanang "mani" pala. Naglagay kasi ako sa garapon nung mani na niluto ko kagabi at di ko naman naubos yun. Hehe Magandang gabi po, kamusta kayo noisefamily?

@JhennyDR

Hello noisefamily! Happy Saturday! Maaga na kami nag almusal kanina pa kasi po merong announcement na mawawalan ng kuryente ngayon sa amin. Kaninang madaling araw 1:30am to 3am tapos ngayong 9am hanggang 5pm. Marami nanaman magagamit na art materials ngayong maghapon hehe.

@JhennyDR

Leftover Spaghetti for breakfastiiie :) pati meryendi? Kanina kumain na kami pero may isang bata na nag memeryenda na ulit haha si kuya Mj.. Epekto yata ng walang kuryente itey. Si Ela kanina nagyayaya sa labas ng bahay kasi mahangin sa labas, di kagaya dito sa loob kahit papano kahit sawali ang half na dingding eh may kulob pa rin. Matagal tagal pa ang hihintayin ng mga chikitings, 5pm pa mamaya babalik ang kuryente ┐(‘~`;)┌ Btw kayo po nag memeryenda na din ba?

@JhennyDR

Happy ang baby kahit napeke ng mama! Hihi Mahilig kasi si Ela sa papaya. Itong ulam namin ngayon ay tinola at more more sayote. Wala kasi kaming papaya ngayon, nataon naman kasing waley. Tapos si ate Jem, nagtanong siya kung ano ito sayote ba or papaya, sabi ko sayote. Aba sumagot ang Ela, "di ate, paya" pasigaw talaga haha. Kaya sabi ko kay ate Jemjem, wag na maingay kunwari papaya na lang ayan kinakain niya na. Sabi niya more paya mama. Haha isang malaking scam anak pero…

@JhennyDR

Itlog ng butiki/ lizard's Egg Kanina habang nag lilinis ako sa ibabaw ng divider, nakakita ako ng itlog ng butiki. Hindi naniwala ang mga bata kaagad hehe. Tapos nag search kami at nakita nila na ganito talaga kalaki ang itlog ng butiki. Amazed na amazed nanaman sila hehe. Hindi ko kasi binasag eh at kawawa naman nilagay ko sa gilid ng bintana katabi ng divider baka sakali na mapuntahan siya ng kanyang mama. Madadaganan kasi kapag binalik ko sa divider ulit. Nakakita na din…

@JhennyDR

Mainit na hapon noisefamily! Palipas muna ng oras habang wala pang kuryente. Sinubukan nilang mahiga para daw sana makatulog sila pero hindi kinaya hehe. Sobrang init na kasi tapos may nag sunog pa dito malapit sa amin, pumasok ang usok hanggang kwarto kaya after nila mag sunog lumabas kami habang kumakain ng popcorn ayan enjoy ang kids hehe.

@JhennyDR

Mahaba habang pila Kasalukuyan kami ngayong pauwi na ni mister. At merong hindi inaasahang pangyayari na hindi ko din alam at hindi ko maintindihan paano ang nangyari. Nag commute na lang kami pauwi dahil wala na ang motor ni mister ko. Grabe sa isang iglap back to normal at ito ang araw araw na pinagdadaanan ng mga commuters. Lalo na kapag ganitong oras wala ng gaanong namamasada kaya kailangan mag hintay. Ang hirap kapag yung sunod sunod na hindi magandang pang yayari ang…

@JhennyDR

Nakatulog na si little bossing pagdating namin Umiyak daw siya saglit kanina, nanibago kasi ngayon lang ulit siya naiwan at natulog ng wala ako. Pangalawang beses palang itong mangyari na gabi na kami nakauwi mag asawa kasi namatay ang father ni hubby ko. Medyo matagal kasi ang pila kanina plus pila pa ulit sa sakayan ng tricycle kaya doble doble ang pagod. Naalala ko noon nasa fast food chain pa ako, gabi na ang out, pagod na sa work, sa bahay at sa kids pero laban pa din.…

@JhennyDR

Itlog for breakfast! Almusal po muna bago pumasok sa work noisefamily, wag po kayong papagutom at mahirap po lalo yan kapag nagkasakit kayo. Kahit na maraming pinagdadaanan, kailangan sumulong pa din at bumangon para sa mga mahal sa buhay kaya bangon lang tayo noisefamily, sa mga kagaya ko po na may mabibigat na pinagdadaanan, laban lang po tayo sa hamon ng buhay.

@JhennyDR

Buti na lang maaraw! Buti na lang at maaraw ngayon noise.app fam. Maaga akong naglaba, kinusot ko lang para makatipid sa kuryente at maghapon din naman na nasa sampayan, wag lang may mag papausok ng tanghali ( ´◡‿ゝ◡`) Sa kabilang sampayan ay more more pa hehe ito lang ang nakuhanan ko ng picture at aalis na kami ni mister. Si mister ko papasok sa work at ito nga nasa second photo sabi kasi ni ate Jemjem ko siya na daw mag punas sa sapatos ni papa niya. Ako naman ay pupunta…

@JhennyDR

Nyay! Excuse me daw, Pause muna then Post! Pang ilang beses na itong padaan daan si Puti kanina pa kaya itong ngayon ay kinuhanan ko na ng picture. Gusto talaga ako nitong magpahinga muna at bumisita dito eh. Nag bibigay siya ng idea ng mai popost ko. Medyo nauubusan ako ngayon ng naiisip kasi punong puno ng mga iba't ibang isipin. Haays naka pause muna ako saglit para makapag post. Kamusta po kayo noisefamily, nandito ako kila mama ngayon kaya ayan si Puti, mag nanay nga…

@JhennyDR

View here at mom's house! Sharing you this wonderful and amazing view, para makapag pa relax po ng isip at makapag bigay kulay din lalo na sa mga mata natin mas masarap tignan ang ganitong view. Mainit pa rin ang panahon dito ngayon sa amin at malamang eh makakatuyo ako ng sinampay. Ang ganda lang pag masdan nitong tanawin na ganito, nakakawala ng problema. Ito po ang view ko ngayon habang ako eh nasa harapan ng laptop at maya maya balak ko nang magkape. Tumawag muna ako sa…

@JhennyDR

Popsicle Mom's treat, kami lang kasi dalawa dito kaya ayan at nainip si mama. Nagulat na lang ako kasi nakabili na pala siya hehe. Mabuti na lang din at merong malapit dito na nag titinda ng ganito. For 10php solved na dahil pampawi ng init. Magandang hapon po.

@JhennyDR

Joyice Popsicle Ang akala ko ay na upload ito doon sa kabila pero naiwan yata ang picture hehe. Kaya ito share na lang po dito sa inyo mura lang itong ganitong popsicle at nakakapawi na ng init. Nakakapag palamig na sa lalamunan, wag lang uubuhin at naku lagot tayu. May ganito din bang brand sa inyo? Kasi parang bago lang ito dito sa amin yung dati kasi ibang brand ang nabibili namin eh kaya na curious ako sana meron din pong ganito sa inyong lugar.

@JhennyDR

My one and only kuya Mj. One and only son kasi the rest of his siblings ay babae na, pero kahit na siya ang lalaki, siya ang pinaka manonoy or mapag damdam kapag may sakit. Manonoy or manene yan ang sinasabi sa amin noon eh nung mga bata pa kami,kaya nadala ko na din po. This is just his throwback photos few days ago nung medyo okay okay pa ang pakiramdam niya. Pero simula kagabi nilagnat na siya. Ang hirap talaga kapag may sakit ang mga anak natin ano po, tapos sunod sunod…

@JhennyDR

Halamanan sa school Isa sa gustong gusto kong dinadaanan itong part na ito sa school nila kasi ang cute at ang gandan ng pagkakatubo ng halaman na ito. Hindi gaanong kita ang bulaklak na maliliit hehe pero meron po yan. Sorry po at hindi ko alam kung anong exact name ng halaman na ito hehe. Magandang morning po.

@JhennyDR

Bailey the Pogi! Ayan at may pa pose pa ang aso ni kuya ko. Kanina ito kuha ko pagdating ko doon nung maaga eh hawak ko kasi ang cellphone ko. Aba nag ganyan kaagad siya, ang dami kong picture niya pero ito lang ang nag upload. Mamaya i try ko makapag connect para mas malakas ang data. Grabe ang hina ng signal parang isip ko ngayon medyo mahina hehe Magandang umaga po!

@JhennyDR

Kwek-kwek at Hotdog Ilang pirasong hotdog at Kwek- kwek para sa pananghalian namin ngayon. May tira pa naman na sabaw kaninang umaga kaya pandagdag na lang ito. Mahilig din po ba kayo sa kwek-kwek? Dati namimili ako nito sa terminal bago umuwi ng bahay pagkagaling sa work. At gumagawa din ako minsan nito pang meryenda pero ngayon bumili lang ako sa kanto 5php ang isa. Lunchtime na po muna tayo!

@JhennyDR

Mj's prescription Sana maging okay na ang Mj ko after magtake ng antibiotics at itong mga vitamins na iba eh sana makatulong makapanumbalik ng sigla niya at gana sa pagkain. Isa sa pinakamahirap sating mga magulang kapag may sakit ang mga anak natin. Kung pwede lang na kuhanin natin ang sakit sa kanila ginawa na natin. Hindi po ba ano, kasi ang hirap makita na nahihirapan sila. Naglunch naba kayo noise.app fam?

@JhennyDR

Magtahi ay di biro Ops, kakanta kanaba sana? ( ◜‿◝ ) Napapakanta din kasi sana ako eh ".) Kaso hindi pala tama ang lyrics ko haha. Naranasan ko ito dati, madalas ito mangyari sa palda ko. At ito na nga, wala pang isang buwan, nasira na itong lock ng palda ni Missy. Nilagyan ko na nga sa loob ng hook and eye ito para may suporta eh. Dinoblehan ko pa nga ito ng tahi bago mag simula ang klase eh pero di kinaya, bumitaw na. Tahi mode muna bago laba tapos ready na bukas!

@JhennyDR

Hapunan is ready! Excited si Jemjem sa hapunan ngayon kasi favourite niya ang sinigang. Kahit manok or isda gusto niya pa din yan basta sinigang. Siya din ang anak kong mahilig at magaling mag tinik ng isda hehe. Thank you po Lord for this food sa aming hapag kainan. Kain na din po kayo, ako may tinatapos pa kaya later na langs muna, unahin ko sila tsaka si Ela "aling maliit"

@JhennyDR

Papicture naman po Smigol Una kong kinuhanan ng walang flash pero may sound, nagising tuloy siya. Sorry naman Smigol namin, tapos itong mga sumunod may flash aba nagtakip na talaga siya. Eh di, sorry po ulit bing. Hehe Sarap ng tulog niya kasi mamaya gising nanaman siya eh, malamig na dito sa amin ngayon ang lamig lalo na sa labas. Pang Christmas Season na ang datingan, sa inyo din po ba malamig na?

@JhennyDR

Sarap ng tulog ng Baby Ela namin! Huwag ka muna mag madali lumaki anak, enjoy muna natin na maliit ikaw hehe. Kanina isinama ko siya sa paghatid sa mga ate niya. Pero parang natakot nung papasok na sa school kasi ang daming tao. Ito ang epekto ng hindi nakakalabas gaanu, hay anak ko natatakot naman din kasi ako na makasagap sila ng kung ano kapag ilalabas ko dati nung kasagsagan kasi ng pandemya ko ipinanganak si Ela. March nag lockdown, July ako nanganak sa kanya kaya…

@JhennyDR

Medicine time ng kuya Mj namin Robi Kids at itong Calpol ang itake nanaman nitong aming kuya. Kasi ang isang gamot ay mamaya pa ang oras. Laban lang anak, kain muna din ikaw para lumakas kana ulit at maging masigla. Humihingi siya ng apple or dalandan daw kahit ano sa dalawa. Kanina pa yun pero dahil gabi na wala na talagang mabili kaya sorry anak, baka bukas na lang makahanap si mama ng apple mo. Ngayon hansel muna at noodles para mainitan ang sikmura

@JhennyDR

Noodles with Egg This is what me and my son ate this early morning. It's morning already at it is 1:07am here. I prepare this because I want him to sip some hot soup so that it can help his high temperature become lower. This is really one of the most painful experience for a mom and a dad to see their kids getting sick. I hope and pray that God will heal him with His healing hands.

@JhennyDR

Sinangag at itlog noise.app/JhennyDR Wala nga lang po yung itlog sa pictures kasi nakuha na nila (灬º‿º灬) hihi. Kamusta po kayo noisefamily? Ako ay eto medyo lutang pa kasi almost 3:30am na kami nakatulog ni Mj. Nag kwentuhan pa kami ng anak ko kanina. May binigay din palang fish cake si mama, pero wala siyang sauce na ginawa, pinirito niya daw ito kagabi hehe.

@JhennyDR

Mag Exercise tayo tuwing umaga! Tuwing umaga!🎶 Kakanta kana din ba? Parang sa ganitong daan eh hindi ko na kailangan mag exercise paakyat at pababa kasi ang daanan dito sa amin at pabundok. Buti na lang nga at medyo nadevelop na ang daanan dito sa amin kasi dati lahat ito lupa lang wala pang semento, sobrang putik kapag maulan. Goodmorning po noise.app fam, kamusta po kayo? Ano pong ganap natin ngayon diyan?

@JhennyDR

Too tired! Toffee and Soffee played along earlier, my brother said. And here's the ending result, too tired that Toffee's head is not on the table where he sleeps. Lols. Parang mga bata din talaga sila na kapag napagod, tulog talaga kaagad. Wala ng pakialam sa pwesto si Toffee basta makatulog lang haha. Si Soffee naman binabantayan siya.

@JhennyDR

Lagi mo na lang akong dinededma! Napapadalas yata ang pag isip ko ng mga tungkol sa kanta hehe. Siguro kasi talagang noon pa man nakakatulong sa pag kalma ng isip ko ang music. Pero itong si Toffee kasi dinededma ako palagi kayabayan ang Title na naisip ko na kanta hehe. Kuha ko ito kahapon nung nandun ako kila mama, ito yung itsura niya bago sila maglaro ni Soffee, naishare ko nga din sa kabila ang after, kasi nandito ang before haha. Laglag na ang ulo niya pero tulog pa…

@JhennyDR

Kumakain din ba kayo ng ganitong isda noise.app fam? Mahilig kami ni biyenan ko sa maliliit na isda kasi malas ma siya talaga tapos ang tiyaga din mag himay nun ni biyenan ko. Ito kasi kanina last na balot na lang nung nag titinda kaya pinakuha na ni biyenan ko. Ang sarap ng pag kaka paksiw tuyo ang sabaw at lumasa na ng husto sa isda. Nagluto naman ako ng itlog na may patatas at carrots para sa mga chikitings! Kasi para mabilisang kain na lang sila at may pasok pa sa school.

@JhennyDR

Punong Abala- Aling maliit! noise.app/JhennyDR Done na maghatid sa mga ate, bago ako magtupi agaw atensiyon si aling maliit. Dala dala ko ang basket eh humihingi siya ng lapis tapos pepel haha. Pepel kasi ang papel niya eh, itinatama ko naman kaya lang talagang medyo hindi yata nasunod ang dila niya sa ngayon, siguro bukas ulit i try namin. Hehe Akala mo talaga estudyante na oh, minsan pa yan ayaw ng lapis ang gusto eh ballpen, buti ngayon lapis muna ligtas ang kamay at…

@JhennyDR

Nakatuyo aku hihi, tapos babad ulit! Marami akong kagaya dito na nakatuyo hehe kanina kasi may mga nakausap ako at isa na nga rin sa sinasabi kong nakatuyo ay si Ma'am @Nengste. Magandang gabi po sa inyong lahat! Nakaluto na po ba kayo ng hapunan? Kasi aku hindi pa hehe, nag babad muna ako ng mga damit para bukas ng umaga malabhan.

@JhennyDR

Busy ang mama, dapat busy din daw siya! Kuha ito ng ate namin, gusto niya kasi na mabuo ang mga blocks ni Ela. Gawa daw ito ni Ela tinulungan lang siya ni ate niya dun sa part na mataas ang cute pati mga facial expressions akala mo eh malaki na eh, natutuwa ako sa mga pictures na ito kaya naisip kong i share sa inyo noise.app fam. Magandang gabi po from our little one!

@JhennyDR

Time check 9pm Mukhang may babagsak nanaman sa higaan mamaya na aling maliit. Hanggang ngayon kasi ay super duper hyper pa din siya hihi. Still waiting pa kay papa niya. Kaya lang matatagalan ang baby ku mag antay kasi nag cocommute na si papa niya ngayon. Minsan pag gabi eh ilang oras bago dumating ang jeep, tapos pagdating sa kanto mag hihintay ulit ng trike. Naalala ko noon, nung kasagsagan ng commute din ako, ang out ko sa work ay 10pm nakakauwi ako ng 12mid. Swertehan…

@JhennyDR

Bida ang saya! Kahit na walang Jabee, bida pa rin ang saya kay Ela. Nag videocall kasi ang papa niya at ang sabi ay out na sa work, kaya mas na excite siya sa pag uwi. Parang matanda na itong si Ela, kasi kami talaga or ang mama ko hindi talaga nakakatulog hanggat hindi kumpleto ang miyembro ng pamilya. Hindi kasi na screenshot yung video call nila kaya itong picture na naishare ko na din sa kabila ang inilagay ko noise.app fam.

@JhennyDR

Makalat, makulit malikot Parents: Mas okay na ganyan na lang ang mga anak natin kaysa naman may nararamdaman sila. Ang hirap pag may sakit. Itong dalawa ko kahit papano okay okay na. Kuha ko ito kahapon, pero kagabi nagsimulang sumakit ang paa ni Mj at binti. Ang hirap niyang tumayo at hindi makalakad. Kaya ngayon mas lalong natuliro ang isip ko sa mga nangyayari kasi ang panganay ko na okay naman kahapon, kagabi nilagnat din. Kanina pagkakain nagsuka na siya at masakit din…

@JhennyDR

Sarciado na native na tilapia May nabili kami kahapon na maliliit na tilapia na native. Ang lambot ng laman at pati ang kaliskis niya ang lambot din linisan. Sana bumalik naman ang sigla ng mga anak ko. Kanina after kumain ng almusal ni missy, nagsuka siya. Si Mj naman wala pa rin gana kumain. Si Jemjem lang ang nakapasok sa school ngayon kaya malungkot si Jemjem kanina. Naiiyak siya kasi namimiss niya daw ang ate niya at kapatid. Wala daw siyang kasama pumasok ಠ︵ಠ

@JhennyDR

3 down 4 to go! Isa sa malalakas na gamot na dati ko na ring nainom ang co-amoxiclab. Ito ngayon ang nireseta kila Missy at Mj. Mabuti na lang at nandito naka duty ngayon ang doktor sa health center. Salamat po Lord at hindi niyo pa rin po kami pinapabayaan sa kabila ng dami ng pagsubok at unos na pinag dadaanan namin sunod sunod na problema ay mayron at mayron pa rin po kayong planong maganda sa amin.

@JhennyDR

Pauwi na rin sa wakas! Kamusta po kayo noise.app family? Nilutuan ko kanina ng patatas ang mga bata bago ako umalis pero nag send si biyenan ko ng picture na hindi naman daw nakakain sila ate Missy ko. Gusto nila akong hintayin at para daw makakain sila ng apple. Mabuti nalang at nakabili ako ng 3pcs na Apple. Haay. Ang init grabe, kaya mas masarap manirahan doon sa may sa amin kasi malilim lang. Sa kasamaang palad hindi ko pa nabili ang lahat ng gamot. Yung mga antibiotics…

@JhennyDR

Magandang gabi po! Our Good-looking Smigol! Nakadila pa yarn, itong tray na ito ay nakatago dito sa ibabaw ng katre kasi ginamit ni Jem kanina may mga nilaro siya. Nakahanap nanaman ng bagong pwesto itong magala kong alaga sa gabi at tulog sa umaga hehe. gusto ko po palang humingi ng paumanhin noisefamily noong mga nakaraang mga content ko ay mga negative post dahil sa pag kakasakit ng mga anak ko. Gusto ko pong bumawi kaya heto at nakapawi ng stress panandalian si Smigol.…

@JhennyDR

Fried Egg po kayo diyan! Magandang umaga noisefamily, maagang nagising ang mga chikitings kaya maaga silang nakakain at nakainom na din sila ng gamot. Nakapag bilad na din sila ng kaunti sa araw para dagdag vitamins. Kamusta po ang inyong Thursday noisefamily?

@JhennyDR

Langhap naman tayo ng sariwang hangin Sabi ni Jemjem sasama daw siya sa akin, may pinakuha kasi si mama kanina doon sa nag order sa kanya ng peanut butter. Medyo malayo pero worth it ang pag punta dahil sa ganda ng tanawin doon. Ito ay isa sa mga kuha ko, may picture din si Jemjem doon kaya lang ayaw mag loading ng iba. ᕙ(⇀‸↼‶)ᕗ Sabi ko nga kay Jem baka mapagod siya pero ito ang sabi niya para daw makalanghap ng sariwang hangin hehe. Kaya natawa ako kasi kung ano ang…

@JhennyDR

Sinampalukang Sapsap for lunch! Kain na po tayo! Sariwa itong sapsap na nabili ko kaya ang sarap nitong iluto sa maasim na sampalok. Kumakain din ba kayo nito noisefam? Ang sarap nito, kailangan lang matiyaga ka mag himay. Lunch time na po, mamaya ay hatiran nanaman ng estudyante. Si Jemjem ko lang ang papasok ngayon kasi ang dalawa ko ay hindi pa din okay.

@JhennyDR

A busy Thursday afternoon noise.app fam. Stay safe po sa ating noise.app fam na ngayon eh nakakaranas ng malalakas na pag ulan. Sana po ay humina na at tuluyan ng tumigil ang ulan. Dito naman sa amin, sobrang init mula kanina. Umaga palang nag kusot na ako ng mga damit para matuyo sila hanggang hapon. And ito namang miming na kulay black, nakasalubong ko kanina pag sundo kay Jemjem. Ang cute niya, medyo mailap nga lang siya lalo na hindi naman niya ako kilala. Para siyang si…

@JhennyDR

Love this Sunset Shot! I was with my second born when I captured this amazing view of sunset. Sunset never fails to amazed me and I think everyone here too, right noisefamily? Apologies for not being so active for few hours as I have fever, cold and cough after doing the laundry this morning. I think it's not only because I am exposed with my kids who are sick too but also the weather is a huge factor. It's too hot even the wind outside is hot. I hope this will not continue…

@JhennyDR

Goodmorning from our little bebe Ela! Ayaw niya ipa bura yung sulat niya sa kamay kagabi kasi daw banana daw yun. Sabi ko nga eh, paano naging banana yan anak? Tapos inilayo niya na ayaw talaga ipabura, kaya hanggang pag gising niya binibida niya yan sa amin. Mabuti na lang at nandito ang biyenan ko, maswerte ako sa biyenan kasi palaging naka alalay sa amin lalo na kapag ganitong may sakit ako. Grabe ang sakit ng mga binti ko at braso. Nag lilimita din ako sa pag gamit ng…

@JhennyDR

Ginisang sitaw at kalabasa! Nag lunch naba kayo noisefamily? Kami ay mag la lunch palang din. Ito po ang pag sasalu saluhan namin ngayon. Dahil bawal sa mga bata ang malalansa kaya kailangan eh mag gulay gulay na lang muna, bawal na muna ang fish. Mas lumala ang nararamdaman kong bigat ng katawan ngayon. Kanina kasi noong nakaginhawa ako after pagpawisan, sinubukan ko mag imis imis, at mag tupi. Si biyenan ko na ang nag walis sa labas. Pero ngayon ito nanaman. At ang isa pa…

@JhennyDR

Aling maliit ko, may lagnat na din! Ang Ela namin nahawa na din sa amin ng ate niya. Ang hirap sa kanya kasi barado ang ilong niya kaya luha siya ng luha. Ako naman ay ngayon lang nag okay okay ang pakiramdam, kapag nakakainom ako ng gamot mag ookay tapos balik nanaman haay. Ngayon lang ako nakabalik dito noisefamily kasi talagang di kaya ng mata ko mag tagal sa cp kahapon sobrang init ng mata ko. Bawi po ako sa ibang hindi ko nabalikan.

@JhennyDR

Dalandan Napapanahon nanaman ang dalandan. Ang daming nag titinda nito ngayon, sa school nila last week meron ng nag titinda, sa mga tindahan, at lalo na sa palengke. Ito ang pinag kakaabalahan ngayon kainin ng aking chikiting maliban kay Ela. Hindi pa sila bati ng dalandan. Maliliit lang ang pinili ko nung makapunta ako ng bayan 3 days ago nung bumili ako ng mga gamot nila. Ito ang palatandaan ko sa matamis or medyo hinog na, Sa dalandan kasi madalas kapag yung makapal ang…

@JhennyDR

Belated Happy Birthday sa aking nag iisang anak na lalaki kuya Mj! Kahapon, dahil sa sobrang sama ng pakiramdam naming lahat hindi ako nakapag post at nakapag interact gaano dito. Isa na nga sa happenings kahapon ay ang birthday ni Mj. Si biyenan ko nilutuan siya ng spaghetti, kapag bata talaga spaghetti ang hinahanap. Pero dahil halos lahat na kami ay may karamdaman talagang hindi naging ganoon kasaya dahil nga di din sila gaano makakain. Sabi ko nga sa kanilang apat babawi…

@JhennyDR

Goodnight noise.app fam! Medyo mas maaliwalas na ang itsura ng baby Ela namin kanina bago siya matulog unlike kaninang tanghali hanggang hapon. Kung kailan bumubuti na ang lagay ng mga bata ito nanaman may isa nanaman na tinamaan sa amin. Si mister ko ay maagang umuwi kasi nag paalam na daw siya sa work at di na talaga niya kinaya, masama na daw talaga ang pakiramdam niya noise.app fam, hihingi po sana ako sa inyo ng tulong na sana po ay isama ninyo ang buong family namin sa…

@JhennyDR

Good na good ang morning noise.cash family! Sobrang thank you po sa inyong mga prayers, sobrang laking improvement na ng mga bata silang lahat ay di na nilagnat mula kagabi haay kaya sobrang saya ko talaga. Ibig sabihin ang infection sa loob ng katawan nila ay bumababa na. Kaya dire diretso lang ang pag inom pa nila ng gamot para mag tuloy tuloy na ang recovery. Praise God!😇 Nakikiusap na si Ate Missy at ate Jemjem kanina kung pwede sila mag paint at si Mj mag drawing naman…

@JhennyDR

Happy Sunday Noise.app fam! Nai share ko nga po sa ating isa pang platform na ang laki ng improvement ng mga anak ko kaya nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa pag dadasal ninyo. Nawa'y lahat po ng may sakit at anu mang karamdaman makaramdam ng ginhawa para at bumuti buti na ang pakiramdam. Thank God!😇 Thankful din ako kay nanay na talagang di kami pinabayaan, At ito po ang ginagawa ni nanay ngayon, nag gagawa siya ng lumpiang gulay para sa tanghalian namin noise.app fam,…

@JhennyDR

Lumpiang gulay po diyan noise.app fam! Meryenda na po tayo, may sawsawan na din na nakaready para kakain na lang po. Meron itong toge, repolyo, may sayote din at kaunting patatas. Hindi ko na nilagyan ng sahog hehe purong gulay lang po talaga ito. Nauna ng kumain si Ela kanina habang di pa nababalot pero di sila bati ng toge hehe. Kaya ang ibang gulay na lang ang pinapak niya. Nagmeryenda naba kayo po ba kayo noise.app fam? Kung hindi pa po tara na na po at mag meryenda na…

@JhennyDR

Smigol namin pagod na (^._.^)ノ Sabi ko kanina sa mga junakis ko, maaga tayong hihiga ngayon ha para makapag pahinga tayo ng husto at manumbalik ang lakas unti unti. Pero may nauna na pala sa amin na nahiga, aba ang Smigol nauna kapa sa amin, katabi niya nanaman yang si davayow(stuffed toy) Bago umulan ng hapon gumala nanaman itong Smigol ko kaya ayan akala mo puyat na puyat oh, pagod na pagod yarn? Nauuna kasi sila kumain sa amin kaya siguro inaantok na agad, nauuna na din…

@JhennyDR

Maulan na umaga noisefamily! Maulan na din dito sa amin nagsimula kagabi. Kaya lalong ang lamig na panahon. Ito ang almusal namin at diretso na tanghalian dahil mamaya ay aalis si nanay. May kailangan siya puntahan para sa senior id niya. Babalik din daw siya kaagad dito sa amin pagkatapos kaya nilutuan niya na kami ng ulam. Nilagang manok ito pero nilagyan niya ng sari saring gulay para mas healthy kasi wala kaming pechay na maihahalo. May carrots, patatas at repolyo ito…

@JhennyDR

Pasalubong! Nakauwi na rin si nanay at ito ang ilan sa mga pasalubong niya. Nakapunta pala siya sa kapatid niya at namitas daw siya ng talong at sili. Ito namang okra ititinda sana pero ibinigay na din sa kanya hehe. Nabusy ang inday sa pag aasikaso kay aling maliit kaya hindi po ako nakapag update. Medyo hindi pa din kasi siya okay at ngayon eh ayaw nag papalapag. Pero kung okay ang pakiramdam niya madalang siya magpa karga. Medyo madiin pa din kasi ang ubo niya at ang…

@JhennyDR

Lakad! Bilad! With Fam Pagaling na mga anak ko para makapag bilad bilad na ulit tayo ng ganito oh, makapag lakad tayo buong pamilya ng maagang maaga. May sikat na ng araw pero sobrang lamig pa rin. Nahuhuli kasi kami niyan ni Ela hehe, for the picture and ferson. Nabawas bawasan ang sakit ng ulo ko, kaya hala sige makakapag ingay nanaman ako nito. Namiss ko yung mag babad dito kaso ngayon di ko pa magawa na magtagal ng husto. Kaya hinay hinay muna, magandang gabi po sa…

@JhennyDR

Miki with gulay! Magandang umaga po! Meryenda time na po at maya maya ay medicine time nanaman kaya dapat kumain muna. Almusal namin ito kanina at meryenda na din namin ngayon. Mayroon itong sayote, repolyo at carrots kaya talagang masarap at masustansiya ito. Bukod sa madali lang itong lutuin, mura lang kasi ang miki na ito kaya hindi nawawala sa menu ko ito. Pero itong miki ngayon si nanay ang nag luto. Kain po muna tayo!

@JhennyDR

Siksik na pandelemon! Meryenda time na po, kumakain na ang dalawa kong anak ngayon. Si Ela ayaw pa niya at si Jem. Mas madali na kami nakaka bili ng tinapay minsan kapag gusto ng mga bata kasi ang kapitbahay namin nag luluto na sila ng iba't ibang tinapay. Kanina inalok kami ng pandelemon kaya ayun may tinapay kami na meryenda. Kagaya ito atleast alam namin palagi na bago ang tinapay kasi gawa nila. Masasarap ang gawa nila na tinapay, minsan pa nga ay nabibigyan nila kami as…

@JhennyDR

Ela's View Ito ang View ni Ela kanina at napa wow siya nung makita niya ito kaya naisipan kong kuhanan ng picture at ishare din sa inyo noisefamily. Hanggang pinto lang muna ang bebe namin at di pa talaga pwedeng lumabas, babawi na lang kami kapag magaling na. Siguro uulan nanaman mamaya Kaya ganito ang langit wala man lang bituin kahit isa. Ito yung kasabihan dati naaalala ko kapag wala daw bituin baka daw uulan pero kapag may bituin hindi daw yan uulan. Naniniwala din po…

@JhennyDR

Chicken Sinigang / Sinigenggeng Naalala ko yung dating classmate ng anak ko. Kapag yung mama niya naghatid na ng pagkain sa school nila ng lunch break. Sumisigaw siya kung anong ulam tapos mag sasasayaw at ang isa sa pinaka tumatak sa amin ay yung kanyang sinegenggeng hehe. Yan ang tawag niya sa sinigang hehe. Kinukwento ko nga kay missy ngayon eh naalala niya pa din daw hanggang ngayon. At iyon po ang kwento ng aming sinigang ngayong gabi hehe. Si Ela kanina napapa kanta na…

@JhennyDR

Magandang umaga noisefamily! Nag libang libang na si Ela kanina, haay salamat naman din at bumuti buti na ang pakiramdam niya. Si ate Jem naman masakit pa rin ang lalamunan at di niya kayang tiisin kaya naiiyak siya kanina. Doble ang sakit sa ating mga magulang kapag nakikita natin na ganun sila pero kailangan natin ipakita sa kanila na di tayo nanghihina kasi sa atin din sila humuhugot ng lakas. Nakita kasi ni Ela ang clay doh at ayan sila ni missy yan si missy nag guide sa…

@JhennyDR

Meron na ulit dalandan! Kagabi ito dala ni mister, sinubukan niya kasing pumasok sa trabaho at kailangan na daw. Kahit may sinat sinat pa eh talagang pinilit niya na pumasok. Tuwang tuwa ang mga bata kasi gustong gusto nila ito sinasawsaw sa asin minsan pero kapag matamis ay hindi na. Grabe ang bilis ng oras mag aalas dose na, dibale malapit naman na maluto ang mongo, yun ang ulam namin ngayong tanghali. Namiss ko na sana ang tuyo or daing kaso di pa daw pwede ay. Kayo po…

@JhennyDR

Gasul, gasul, gasul! Buti na lang ay mas nag mura ng kahit paano pero malaki pa rin kumpara dati. Hindi pa kami makabili kaya sa kahoy muna mabuti at may mga naipon ipon na kaunting kahoy sa lutuan sa labas bago umulan haay. Ngayon din dito sa amin hindi na daw kagaya ng dating patakaran. Dapat daw ganitong kulay at tatak lang ang tangke na pwede mong bilhan hindi na pwede ang ibang de kulay. Kapag sa ibang tindahan ka naman pupunta sobrang mahal ng singil sa mga de kulay na…

@JhennyDR

Monggo para sa hapunan May tira pang mongo kanina kaya ito ininit na lang namin at ito na ang hapunan namin ngayon. Pero nagluto din ako ng sabaw ng mga bata. Nilagyan ko ng patatas at carrots ang soup para mas malasa ang hihigupin nilang sabaw kasabay nitong monggo na ulam namin. Medyo natuyo na kasi siya. Kayo po ba naghapunan na rin? Natatakot nanaman ako at baka mawalan ng kuryente dito sa lugar namin dahil kumukulog at kumikidlat ngayon senyales na baka umulan mamaya.…

@JhennyDR

Nag smile na ulit ang ate Jemjem ko! Thank God at bumubuti buti na ang pakiramdam ni ate Jemjem namin. May kaunti na lang daw na masakit sa lalamunan niya. Nakakakain na siya ng maayos kahit papaano. Ulam namin ay tinola, kaunting manok lang ang niluto ko dinamihan ko ng sabaw at papaya dahil yun naman din ang mas kinakain nila. Si Ela na lang po Lord God sana makabawi bawi na po siya. Nilalagnat pa din kasi siya paminsan minsan sa gabi kaya pagkagising sa umaga madalas…

@JhennyDR

Lumpiang Toge Meryenda po muna kayo diyan, maaga kasi kami masyado nakapag tanghalian kaya napaaga din ang meryenda namin ngayon. Hindi namin gaanong na enjoy ang lumpia nung nakaraan dahil na rin sa masasama ang pakiramdam namin nun lalo na ako kaya heto at may part 2. Gumawa ako ngayon ng lumpia habang si Ela ay nakatulog sa kwarto kanina mabuti na lang at nakatabi sa kanya si Missy para makapag tapik sakaling umiyak. Gusto din ni nanay itong lumpia, si nanay ang gumawa…

@JhennyDR

Sopas po muna tayo! It's dinner time nanaman, ito ang naisip kong lutuin ngayong gabi para makahigop sila ng sabaw. Lalo na ang mga bata at si nanay, sana maraming makain si Ela kasi dati kapag nagluluto ako ng ganito gustong gusto nila at marami silang nakakain. Pinapalamig ko muna ng kaunti para katamtaman lang ang init kapag kinain na nila. Maaga akong nagluto ngayon para anytime kapag nakakain na sila makakapag pahinga na o di kaya naman ay pag inantok makakatulog na.…

@JhennyDR

Nilagang gabi/Taro! Kumakain din ba kayo ng nilagang gabi noise family? May nagbigay sa amin nitong gabi, bagong ani siya kaya malabo at masarap. Madali pang lutuin kasi bagong ani palang siya. Masarap ito isawsaw sa asukal pero pwede rin sa asin or as is lang kainin na siyang ganito. Doon sana ako magsasalang sa kahoy pero lahat pala ng kahoy ay nabasa dahil natabig ng aso namin yung lagayan kaya nalaglag lahat, haay. Anyways, tara na po at sabay sabay natin pagsaluhan…

@JhennyDR

Finally! Nakita ko rin silang nagsama sama na naglalaro ulit. Hindi yung magkakahiwalay kasi yung isa may lagnat hindi makabangon. Ngayon ay sipon na lang at ubo ang nararamdaman nila at wala na silang lagnat na tatlo. Si Ela sana ay sumunod na rin sa paggaling. Nag babasa sila ng kwento tapos may mga tanong sasagutin ng mga nakikinig. Haay salamat po Lord!

@JhennyDR

Smigol na antukin Panay na ang inat ni Smigol kanina at tuluyan na ngang inantok. Nagpapasalamat ako dito kay Smigol kasi sabmga sitwasyon na ganito sa pamilya namin isa siya sa nakakapag palibang minsan sa mga bata lalo na kapag tatabi siya sa amin. Kahit ako nakakatulong si Smigol sa akin parang stress reliever na din siya para sa aming lahat. Ayan at inaantok na talaga siya kailangan na din niya matulog kasi mamaya gising nanaman siya sa gabi eh. Ang mga bata naman ay mag…

@JhennyDR

Ginisang upo po kayo diyan noise.app fam! Kamusta ang inyong friday? Nagdinner naba kayo? Kung hindi pa eh tara na po sabayan na ninyo kami maghapunan. Minsan sobrang aga namin maghapunan, minsan naman sobrang late. Depende din kasi sa oras ng meryenda nila minsan. Maaga aga pa itong hapunan namin ngayon para makapag pahinga din ng maaga ang mga bata. Kailangan bumawi sika ng husto ng lakas at sa lunes balik sabak nanaman sila sa eskwelahan. Hindi ko alam kung excited ba…

@JhennyDR

Mongo Buchi! Ang sarap pala nito noise.app fam. Madalang na kasi ako bumili ngayon nh tinapay sa iba dahil dito sa katabi namin ay nag titinda ng tinapay. Dala ito nk mister ko kagabi eh masarap siya sa 6 pesos sulit na ang isa. Maya maya palang ako mag lunch kasi tinapos ko ang mga labahin ko,kailangan ko matapos ang labahin na mga damit para bukas ang mga kumot at sapin naman. Kayo po nag lunch naba kayo diyan?

@JhennyDR

Popcorn! Popcorn po muna kayo riyan! pinagbigyan ko na ang request ng mga bata na popcorn kasi matagal tagal din silang hindi nakakain nito dahil nung magkasakit kami di na ako nagluto. Salamat po Lord at nag okay okay na ang mga anak ko. Wala ng may lagnat sa kanilang apat. May kaunting ubo na lang at sipon pero ang dalawa ay makakapasok na sa school sa lunes. Haay thank you po Lord, salamat din po sa inyo noise family sa pagsama ninyo sa pagdarasal para sa amin. Tara na at…

@JhennyDR

Picture time before bedtime! Game na game ngayon mag pa picture itong aking dalawang junakis. Si ate Missy at ate Jemjem kasi ay pareho nang nakatulog kani kanina kaya naman matira matibay itong aking dalawang chikiting. Ang ganda na ng ngiti ng mga bebes ko, nakaka ginha ginhawa na kasi sila sa pakiramdam nila nung mga nakaraan. Nakakahinga hinga na rin ako ng maluwag. Kaunti na lang mga anak at makakapasok na kayo sa school, siyempre maliban kay aling maliit. At sa mga…

@JhennyDR

Baon ni Mister Naging abala ako mula kaninang umaga kaya hindi pa ako nakabisita sa inyo. Maaga akong nag labas ng mga sinampay at naglaba ako ng mga sapin at kumot para makatuyo din. Nakapagluto na rin ako ng tanghalian at ito nga ay ang adobo, nakapaghanda na rin ako ng baon ni mister. Araw araw hindi ko pinawawalan ng baon si mister kasi para di na siya bibili at para mas madagdagan ko pa ang baon niya. Dalawa ang hinahanda ko dahil mahaba masyado ang oras niya sa…

@JhennyDR

Ang aling maliit happy na happy na! Kaunting sipon na lang at ubo ang nararamdaman ni aling maliit ko. Ang aking mga anak ay tuloy tuloy ng gumagaling kaya kahit papaano ay nababawasan na ang aking pag aalala. Ganun yata talaga ang magulang hindi talaga hahayaan na mapano ang kanilang mga anak. Hindi talaga kasi ako makatulog simula nung may sakit sila. Ngayon lang kasi nangyari na ang tagal nilang nagkasakit hindi kagaya ng dati na isang araw ay okay na. Ang saya saya ko…

@JhennyDR

Tinola! Chicken Tinola na mas maraming sayote, diskarteng malupit na lang ang katapat para mapagkasya ang budget. Kailangan kasi magbawi bawi ng mga chikitings ng kain kaya madalas ay may sabaw ang niluluto ko para mas ganahan sila. Kumain na din po ba kayo? Kain na po kayo noise.app fam ha wag kayo papagutom. Maulan dito ngayon sa amin, sana wag naman sobrang lakas mamaya pag pauwi na si mister ko at ang hirap magbyahe ng maulan. Maulan din ba sa inyo?

@JhennyDR

Salamat po Diyos ko sa pag iingat sa aming lahat, maayos na po at tuloy tuloy na nakaka recover ang aking mga anak. At nagpapasalamat din po ako sa ginawa ninyong instrumento kagabi. Alam niya po yun kung sino siya, napakabait at napakabuti niyang ate sa amin. sobrang salamat po ate sa pag inspire at sa pagtulong sa amin. Nakapasok na sa wakas ang dalawa kong anak. Si Jemjem kaunting pahinga na lang at makakapasok na rin siya. Kailangan nilang makapasok kasi exam week na…

@JhennyDR

Pananghalian na sari saring gulay! Magandang tanghali noise.app family! Kamusta po kayong lahat, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan lahat ngayon. Kakauwi lang namin ni, hinatid namin ang aking dalawang estudyante sa school kaya medyo late ang tanghalian. Pero ang mga chikitings ko hindi pwedeng mahuli ang pananghalian nila, kanina pa ako nag ready nitong gulay para pag uwi nila eh makakakain na sila kaagad at papasok pa ulit. Patola, papaya at itong gabi na bunga ang…

@JhennyDR

Magandang hapon noise.app family! Sunduan time muna ng aking mga estudyante at pagkatapos ay walisan time naman sa labas. Tag lagas ang mga dahon ngayon kaya tuwing hapon kapag hindi maulan nililinis na namin kaagad. Tutulungan ako ng mga anak ko sa pag wawalis kasi parang bonding na rin namin iyon. Ngayon palang ay iniisip ko din kung anung ihahain mamaya sa hapag kainan hehe, mag titingin ako ng mga gulay ulit. May natira pa nung kanina kaya isipan ko na din ng katerno…

@JhennyDR

Pang dagdag sa aming ulam! Heto na nakasalang na itong patola ulit at papaya, wala na kasing ibang gulay sa tindahan kaya ito na lang ang idadagdag ko sa ulam namin. Sayang at wala silang tinapa kasi madalas bago at hindi maalat ang tinda nilang tinapa na tamban. Magandang gabi po, kayo ba ay nag hahanda na rin ng hapunan? Tara na magluto na tayo noisefamily!

@JhennyDR

Sleep time na, Sleep time na din ni Smigol! Inantay niya yata talaga ako makatapos hehe. Di rin siya mapakali kanina pa eh. Maaga aga ako nakatapos sa mga gawain ngayon noise.app family. Salamat sa Diyos sa kalakasan na pinagkaloob niya sa akin, at sa ating lahat. Another day is about to end nanaman, sana po ay nag papahinga na rin po kayo diyan kung nasaan man kayo. Bilang nanay marami talagang ginagawa pero super worth it kapag nakatapos kana ng gawain. Ang iba kasing…

@JhennyDR

Magandang umaga! Maaliwalas ang panahon ngayon dito sa aming lugar, sakto lamang ang init at hindi rin gaanong malamig. Minsan talaga kahit umulan sa gabi ay ganito na bigla ang panahon dahil sa biglang pabago bago ng klima. Oo nga pala, kamusta po ang inyong umaga? Tayo na at sabay sabay tayong magpasalamat sa Diyos dahil binigyan niya nanaman tayo ng isa pang araw. Salamat sa Diyos sa ating mga "gising" Dahil sabi nga po diba, every gising is already a blessing! Magandang…

@JhennyDR

Magandang hapon po! Nakatapos na din sa aking labahin, nagkaroon kasi kami ng supply ng tubig ngayon kaya sinamantala ko makapaglaba. Pero ang panahon di yata nakiki ayon ngayon sa akin hehe. Minsan may mga ganung pagkakataon talaga ano po? Naexperience niyo na din po ba yun, magsasampay kana sana pero umambon na agad hehe Kaya ito dito na lang muna sa loob lahat ng sinampay. At sakto naman na ang kapitbahay ko nagtawag kani kanina, inabot itong tinapay. Nagbigay sila para…

@JhennyDR

Recess time nanaman daw si kuya MJ Pagkadating ayan agad ang hinawakan niya pagkabihis niya. Mag practice ng cursive,yan daw ang bilin ng teacher. Mabuti na lang at may biscuit sila ulit, bigay ng aking ate. Salamat Ate, Salamat din sa Diyos sa lahat lahat! Oo nga pala, noise family, familiar ba kayo sa tupad? Meron din po ba nun sa lugar ninyo, yung mga nag ko-community service. Nag lilinis ng mga daanan. Nag try kasi ako mag apply dahil sabi nung nakaraan pwede daw mag…

@JhennyDR

Pigil na pigil ang antok baby ko ah! Ang Aling maliit ko, sleepy mode na pero pinipilit pigilan kasi hanap niya pa din si papa niya ih. Kinakausap ko nga siya sabi ko sleep na muna gigisingin ko na lang siya mamaya. Pa out na din ang papa namin ngayon kaya lang nakakauwi siya after 2 to 3 hours pa. Kahit kasi malapit lapit lang kami ang matagal ay ang mag hintay ng jeep at trike dahil sobrang daming pila ng pasahero. Pero kung sa dati na nakakapag motor siya wala pang 45…

@JhennyDR

Sa wakas nakauwi na rin si Mister Nakakain na rin siya ng hapunan, kapag ganito mas hinihintay ko siya kasi nawawalan siya ng gana madalas kumain kapag mag isa lang siya kakain. Kaya hanggat mahihintay ko siya ganun ang ginagawa ko. Ang tagal kasi ng biyahe talaga lalo kapag ganitong oras na dito sa lugar namin, kanina nag message siya 10:13 pm nasa paradahan na siya ng jeep pero mahaba daw ang pila (nasa second pic) tapos nung siya eh makarating na dito sa kanto sa may sa…

@JhennyDR

May pasok ka din ba Ela? Goodmorning from our little one! Malapit na kami matapos mag gayak ngayon ng aking mga estudyante. Itong aming aling maliit kapag nagising na ang mga ate kailangan gigising na din siya eh. Minsan pa nga mas nauuna pa siya akala mo may pasok din hehe. 5am talaga ang bangon namin ng aking mga estudyante pero minsan mas inaagahan ko lalo na kapag sa kahoy ako magsasalang ng mainit na tubig nila na panligo. Minsan mas gusto ko doon mag luto sa labas para…

@JhennyDR

Mag aral mabuti mga anak ko ha! Salamat po Lord God at okay na sila, kumpleto na silang nakakapasok sa school simula ngayon. Haay laking pasalamat ko talaga sa Diyos at napakabuti niya hindi niya hinahayaan na sumuko tayo sa mga pagsubok, first time nangyari sa amin ang mga pagsubok na dumaan kaha talagang napakabigat at hindi pa man din nakaka ahon ay meron nanaman pero lahat ng yun ay alam kong kakayanin namin dahil wala naman binibigay si God na pagsubok na di natin…

@JhennyDR

Talbos ng kamote! Nanalbos ako kanina kila mother earth dahil may tira pang tinapa kagabi na tamban. Ayun na ang aking inulam, sinawsaw ko sa bagoong may kaunting suka. Solb na solb ang pananghalian hehe lalo at nakakamay pa kumain. Mas masarap pa talaga ang kain kapag ganito ang ulam namin kaya naku kahit araw arawin na ganito nilagang gulay tapos may tinapa or tuyo ay solb na. Kamusta po kayo noise.cash and noise.app family? Nakapag hatid na po ba kayo ng inyong mga…

@JhennyDR

Sinigang na isda sa sampalok! Si nanay ang nagluto nito para sa aming hapunan noise.cash and noise.app family. Nag sahod kasi ako ng tubig at naglaba ng kaunti para bukas ilalabas na lang ang sinampay. Another job nanaman ang natapos ko ngayon hehe. Salamat kay nanay at nagluto siya nitong aming ulam. Sabi niya siya daw ang magluluto. Maasim asim at ang sarap nagustuhan ng mga bata ang aming hapunan. Asim kilig pa sila sa paghigop ng sabaw hehe. Salamat po Lord sa inyong…

@JhennyDR

Bulaklak ng kalabasa ✔️ Patola ✔️ Kamote✔️ Talbos ng sitaw✔️ Yehey! Ito ang mga gulay na talaga namang hindi matatanggihan. Ang sarap nito mamayang lunch. Luto time po muna tayo mga momsh ko diyan nakasundo na ako ng aking mga estudyante kani kanina. Maaga aga sila pinalabas kasi exam day nila ngayon at bukas. Luto po muna tayo! Salamat po Lord sa another biyaya!

@JhennyDR

Late lunch po tayo mga sister and brother! Ito na ang gulay, pampakulay ng buhay. Salamat Lord sa aming pananghalian po ngayon. Hindi nga ako nagkamali at naku nagustuhan nila ito. Sa susunod sana maka tiyempo pa ako ng mga murang gulay para makapag gulay gulay kami ulit. Naparami ang kain ng aking dalawang estudyante na nag exam kaninang umaga. Ngayon naman ay yung grade 3 ko ang may pasok si ate Jemjem. Naihatid ko na din siya sa school kaya lunch time na muna. Mamaya kasi…

@JhennyDR

Checking time! Check muna ang Blood pressure ni kuya. Kasi dapat mag dodonate kami pareho ng dugo pero hindi siya na approve. Kahapon galing na siya doon sa kigar kung saan mag dodonate kaya lang masyadong mataas ang bp niya. Ngayon pag check ko 140 over 120 kaya mataas pa din. Hindi pwede talaga makapag donate kapag ganun kataas ang blood pressure. Ako naman hindi pa ako nakakapag pa check kung pwede ako. Kailangan din kasi healthy at normal ang dugo bago makapag donate.…

@JhennyDR

Kumakain po ba kayo nito? Hello po sa inyo magandang gabi! Nagluluto na rin ba kayo o nakaluto na hehe Arusep daw ang tawag nito dito sabi ng aking mother-in-law pero alam ko sa ibang lugar iba ang tawag nila dito hindi po ba noisefamily? Dati nakasubok na akong makakain nito tapos ngayon na lang ulit ako makakakain. Pang terno sa pritong isda kasi kanina inalok si nanay ng mura na isda na tilapya yung gloria po kung tawagin nila. Kaya prito muna ako mga ka ingay at maya…

@JhennyDR

Magandang gabi po/ Goodevening! How's your day noise.app family? I hope that you're all doing well. Are you eating your dinner right now? Or you're about to go to bed? We finished eating our dinner and right now kids are about to go to bed. We had fried fish and seaweed called arusep for our dinner earlier and kids had so much fun eating. It's their first time to see arusep the green seaweed I post and shared here few hours ago. I hope you enjoy having your meal with your…

@JhennyDR

Magandang morning po! A blessed Friday po sa ating lahat kamusta po kayo? Kami maaga kaming bumabangon palagi para maagang makapag gayak ang aking mga estudyante sa pagpasok sa school. Nakaligo na sila at nakakain, waiting na lang sa oras ng pagbihis nila kaya naupo muna ako saglit hehe. Itong picture po na ito kanina ito pagbangon namin si Smigol bumangon din pero inantok pa yata ulit pagbuhat ko eh humiga pa saglit sa akin hehe. Muli goodmorning po! Salamat po Diyos namin…

@JhennyDR

Kalapati Girl aling maliit! Pagkahatid ko sa aking mga estudyante kanina, lumabas na kami nila Ela at magwawalis na ako sana sa bakuran. Kita niyo naman po hehe ang dami agad ng dahon. Bale umaga nagwawalis ako tapos pagkasundo ko sa mga estudyante sa hapon nag wawalis din ako ulit kasi madahon na kaagad. Tag lagas kasi ngayon hehe ang dami pa naman naming puno dito sa amin. Kaya itong mga dahon na ito mula lang ito kahapon ng hapon hehe at magdamag. Kaya lang nauna na…

@JhennyDR

Tilapya with kalamansi at kamatis! Lunch time na noise.cash and noise.app Family! Huwag natin kalimutan magpasalamat sa Diyos sa biyaya at sa pagkain na nasa hapag kainan natin. Maaga akong naghatid sa aking anak na grade 3 si ate Jemjem kasi maaga daw sila mag sisimula mag exam. Ang sarap nitong isda kasi sariwa siya nung nabili ni mother earth. Isa din ito sa paborito ni mama yung tilapya na sinabawan at nilagyan ng kalamansi. Nagluluto din po ba kayo ng ganito?

@JhennyDR

Reading Mode muna ang kuya namin! Pagdating kanina ng mga bata, nagpahinga muna pagkatapos ay tinuloy na ng aking mga estudyante yung tinutupi kong mga damit nila. Tapos nag meryenda muna sila ng biscuit. After nun ito na ang ginagawa ni kuya Mj. Medyo busog pa daw siya kaya mamaya na siya kakain sasabayan niya daw si papa niya. Ang kondisyon ko kasi sa aking mga anak kapag walang pasok kinabukasan pwede sila magpuyat at mag wait kay papa nila. Kaya ngayon tuwang tuwa sila…

@JhennyDR

Kain na po tayu! Salamat po Lord sa aming pagkain ngayong gabi. Nag patong ako ng ilang pirasong okra sa sinaing kanina hehe para di na ako mag i steam ng separate, naka save na sa oras, naka save pa sa gas. At itong ilang pirasong isda, siyempre di mawawala ang sawsawan. Bagoong with burong suka at isang sili. Kakain lang ako ng kaunti at mamaya eh need ko pa sabayan si mister ko kasi para may kasabay siyang kakain. Tara na po tayo'y magsikain na.

@JhennyDR

Matutulog na lang may katabi pang Panda, este notebook! Sabi ko sa aking panganay kung anu nanaman ba itong nasa tabi niya bago matulog. Akala ko yung kagaya nung nilalaro niya dati na parang notebook siya pero maraming suksukan ng ibang mga drawings. Para siyang scrap book pero pwede kang makapag laro gamit yun. Napanood niya sa isang video yun dati eh kaya naisip niya daw gayahin. Pero mali pala, ito pala ay notebook na kung saan may multiplication table sa likuran. Para…

@JhennyDR

Maulang Morning noise.app fam! Mula kagabi umulan na dito sa amin hanggang ngayon. Pero ambon ambon na lang, sana humupa na ang bagyo sa iba pang lugar. Kamusta po sa inyong mga lugar, sana po ay safe po kayong lahat. Sa probinsya ng aking mama sa catanduanes ay nag ready na sila kahapon dahil nga papadaan na daw doon ang bagyo. Kakatapos lang mag almusal ng chikitings at ito naman pong isda ay baon ni mister sa trabaho para hindi na siya bumili. Tamang pang asim lang po ang…

@JhennyDR

Cheesy Popcorn! Malakas pa rin ang ulan ngayon dito sa amin, mula pa ito kaninang bago mananghali. Maulan pa rin po ba sa inyong lugar? Sana naman ay humupa na itong pag ulan ulan na ito at ang hirap kapag maulan lalo na sa mga binabahang lugar. Naisipan kong magluto nitong popcorn, medyo matagal tagal na nung binili ko ito, buti na lang at pwede pa kasi hindi ko na ito nailuto nung magkasakit kami. Tara na po kain po muna tayo!

@JhennyDR

Signal#3 Kabubukas ko palang ng phone ko ulit ngayon at bumungad itong alert. Sana naman ay malusaw na ang bagyo. Ito agad ang bumungad sa akin at pati mga anak ko na alarma din kasi alam nila yung tunog ng phone ko kapag may emergency alert ang NDRRMC. nakakalungkot ang mga nababasa ko sa social media tungkol sa mga nasalanta ng bagyo. Mag ingat po kayong lahat noise.app family. Sabay sabay po tayong magdasal na sana ay tumigil na sa pananalasa ang bagyong ito.

@JhennyDR

Pritong patatas at pritong itlog Hapunan na po muna tayo noise.app fam! Maaga ang hapunan ng chikitings ko ngayon kasi mag iigib pa ako mamaya hehe. Kailangang makapag sahod at makalaba ng kaunti. Kaunti lang muna ang pwede at maulan pa rin. Sana nga bukas ay humupa naman na ang ulan at tuluyan ng lumabas ang bagyo. Kumain naba kayo? Ano pong ulam natin diyen? #hapunanmunabagolaba

@JhennyDR

How are you all noise.app family? I hope that this post finds you all well. Please do stay safe, rain is really heavy right now. Rain is still pouring here in our place and Hubby is not yet here that's why this little one of ours can't sleep yet. She's fighting her sleepiness just to wait for her papa. I asked Ela if I can take some photos of her and ofcourse this smile means a yes already. After taking some photos she is now looking at my phonr whilr I'm writing this and…

@JhennyDR

Maulang umaga pa rin po sa inyong lahat! Kamusta po sa inyong lugar noise.app fam? Humupa na din po ba ang ulan sa inyo? Sana po ay safe po kayong lahat. Mag ingat po tayong lahat. Siyempre huwag natin kalimutan magpasalamat sa Diyos sa another day na tayo ay gumising. At salamat din po Lord sa biyayang ito, sa aming almusal ngayon. Nag sangag ako ng kanin hinaluan ko ng hotdog kaya di na ako nag luto pa ng ulam nila kasi 2 in 1 na daw sabi nga ng aking panganay hehe. Pero…

@JhennyDR

Thank you Lord! Unti unti ng humihina ng husto ang ulan at lumiliwanag na din ang langit. Mabuti na lang din at walang mga sanga sanga ng puno ang nahulog ngayon masyado. Kahapon nagwalis ako diyan mismo sa nasa kabilang picture. Nakapayong ako kasi sobrang dami na ng dahon kahapon sa may harapan namin. Medyo umaambon lang naman nun kahapon, pero ito na siya ulit. Lumipas lang po ang magdamag, sana naman ay tumigil na ng tuluyan ang pag ulan at iwanan na tayo ng bagyo.…

@JhennyDR

Late lunchiees! Gulay for today's vidyow, este for today's ulam po pala <( ̄︶ ̄)> Mix na gulay po ulit itong aming ulam tapos may tira pa akong tuyo kanina hehe, kaya alam na! Nabusy kasi ako magwalis sa labas pagkaluto ng ulam,nagbawas ako ulit ng mga dahon kaya ngayon lang nakakain. Huminto kasi ng bahagya ang ulan pero sobrang hangin naman. Kayo po ba kumain na? Tara kain po tayo kung hindi pa kayo nag la lunch!

@JhennyDR

Nilagang saging po kayo diyan! Meryenda na po tayo sabayan natin ng kape or tsaa para sa malamig na panahon. Salamat po Lord sa another blessing na ito. Kain tayo mga momsh, dads, ates and kuyas, and mga kapatid! Nakatiyempo daw si mother earth ng murang saging na saba. Namiss namin ng mga bata itong nilagang saba kasi matagal tagal na nung huling nagmeryenda kami nito.

@JhennyDR

Maagang biyahe! Bibisita kami sa sementeryo. Bibisitahin namin si papa kasi medyo mahina naman na ang ulan at hangin. Kahapon pa nag pplano si mother earth ko pero hindi natuloy dahil malakas pa din ang ulan at hangin. Pero ngayon tuloy na tuloy na!

@JhennyDR

Babalik kami ulit Papa! Thank you po Lord, at hindi ganun kalakas ang ulan ng pag biyahe namin. May mga beses din na tumila talaga ang ulan dito sa lugar kung saan naka himlay ang aming late father. Kasama ko si mother earth at mga kapatid ko sa pagbisita. 4am kami umalis para pagdating ay mag liliwanag palang. Sayang lang at di pa nakapag pintura dahil sa panahon. Mag ingat po tayong lahat at meron nanaman palang isang bagyo.

@JhennyDR

Tortang Sardinas! Itlog at sardinas lang solb na! Naglagay ako ng bawang na pino dito para mas malasa po siya. Dati pati sibuyas nag lalagay ako kaya lang ay mas mahal pa siya sa bawang ngayon kaya kung anung mayron yun na lang hehe. Late lunch po tayo noise.app peeps. Kumakain po ba kayo nito? Narinig ko kanina sa jeep na nakapasok na daw ang isa pang bagyo nanaman. sunod sunod nanaman talaga sila kapag nasimulan oo. Sana po ay safe po kayong lahat. Kain po tayo!

@JhennyDR

Nag dinner na po ba kayo? Or kagaya ko na nagluluto palang din? (•ᴗ•) Mas maaga dapat ako makakaluto kaya lang ang aming aling maliit ay inantok. Pinatulog ko muna siya bago ako nagluto. Mauuna na din kumain ang mga chikitings kasi mamaya pa ako sasabayan ko si mister ko mamaya pagdating niya. Napagod si aling maliit ko kakasayaw kaninanat kaka kanta kasi dumating si lola niya dito hehe, si mother earth nagdala pa nga siya ng tinapay. Ang pambato ko sa kendengan siyempre…

@JhennyDR

Goodmorning! Banana/Saging kayo diyan! Maaga akong nagising ulit ngayon kasi sasama ako ulit sa pagpunta sa aking papa. Sasamahan naman namin ang dalawa ko pang kapatid na di pa nakabisita kahapon. Ito nga palang saging na saba ang kinain ko kanina bago umalis, mabuti na lang at ang gising ni Ela kanina ay 2am, napatulog ko na siya ulit bago ako umalis. Ngayon ay malapit na ulit kami kung saan nandoon si papa. Goodmorning po sa inyo..