Kumakain po ba kayo nito? Hello po sa inyo magandang gabi! Nagluluto na rin ba kayo o nakaluto na hehe Arusep daw ang tawag nito dito sabi ng aking mother-in-law pero alam ko sa ibang lugar iba ang tawag nila dito hindi po ba noisefamily? Dati nakasubok na akong makakain nito tapos ngayon na lang ulit ako makakakain. Pang terno sa pritong isda kasi kanina inalok si nanay ng mura na isda na tilapya yung gloria po kung tawagin nila. Kaya prito muna ako mga ka ingay at maya maya ay magugutom na ang ating mga little bossings. Exam pa rin nila bukas kaya dapat maaga sila makatulog today.
30 comments
Galing ba sa dagat yan?
Opo sabi po nila sa dagat daw po ito nakukuha. Pero nabili lang po namin ito kanina hehe
parang familiar lng
Ano nga ang tawag sa ganyan?
Arusep daw sis eh di ko lang alam kung anung tawag sa ibang lugar.
Wala akong napapansin na nagtitinda ulit ng ganyan dito samin. Hindi pa ako nakakatikim kaya curious ako sa lasa nya. Naririnig ko lato ang tawag nila dyan.
Ahh lato pala ito sis sa ibang lugar. Ngayon ko lang din nalaman hehe. Pag natikman mo siya sis may kaunting alat at yung lasang lamang dagat talaga po siya.
Kung kelan naman gusto ko matikman yan wala na din akong makita na nagtitinda. Dati meron akong nakitav gabyan sa wet market kaso hindi ko naman pinansin, duda kasi ako kung niluluto ba o ano haha.
Masarap yan
Ay oo lato tawag nito samin
Sea grapes yata sad english yan hehe. Di pa ako nakatikim nyan.
Sis pahingi niyan tagal kong hinanap yan dito sa Manila wala talaga. 😭
Lato ang tawag nyan dito sa amin,bisaya kami
uu naman sis! ytm!
Isang klase ng halamang dagat or seaweeds, parang lato ang tawag ng tatay ko diyan.
Masarap ba yan neng di pa ako nakakain nyan.
Opo para po siyang kagaya sa lasa nung fresh na seaweed na hinahalo sa korean soup ate. Pero ito po may pagka maalat naman po.
Di ako nakain niyon hahaha
seawages ba yan i do know the exact spell with it sarap yan mate
Dipa ako nakakakain nyan sis, pero favorite ni Nanay ko yan
buong buhay ko mate hinde p ako nakatikim nyan.. pero nakikita ko yan at inalok ako ni suki ng ganyan isnag beses..sabi ko dko alam pano yan hahaha
Hindi pa ako nakakaen niyan .. or nakakaita niya sa personal anu pong lasa
Sa umang tingin, Parang green na grapes
Hehe oo nga po eh pagka upload ko yun din sabi ng anak ko kasi parang lumaki siya sa picture hehe
Sarap yan ensalada bhe at perfect match nga sa prito. Fresh na fresh.
Hala lato! Sarap niyan lalo at bagong harvest.
Ay gs2 ko yan. Ararusip tawag samin d2 haha kelangan me kamatis para perfect hhaa
father ko mahilig jan hehehe. sis pafollow din ako https://noise.app/Gemini41A
Nabisita na po kita doon sissy. Magandang gabi po
Tpos na sissy. Rest rest n ulit.