Lumpiang Toge Meryenda po muna kayo diyan, maaga kasi kami masyado nakapag tanghalian kaya napaaga din ang meryenda namin ngayon. Hindi namin gaanong na enjoy ang lumpia nung nakaraan dahil na rin sa masasama ang pakiramdam namin nun lalo na ako kaya heto at may part 2. Gumawa ako ngayon ng lumpia habang si Ela ay nakatulog sa kwarto kanina mabuti na lang at nakatabi sa kanya si Missy para makapag tapik sakaling umiyak. Gusto din ni nanay itong lumpia, si nanay ang gumawa nung nakaraan pero ngayon siya naman ang masama ang pakiramdam nahawa na din sa amin na may mga sakit. Sana ay mag tuloy tuloy na ang pag galing naming lahat dito sa bahay at nang hindi na ako nahihirapan makatulog. Gabi gabi kasi nag aalala ako kaya ayoko ng ganitong may nagkakasakit kasi di ako nakakatulog talaga ng maayos lalo na sa mga anak ko. Palagi kasi ako nag oobserve sa kanila.
13 comments
They look amazing. I think they look as good as they taste.
Mother's sleep is really hard to take care of the children. May God bless everyone
Ai favorite ko yan lu. Piang toge... Ayaw lang ni mr...
Nasarapan ako sa Toge sis. ππ₯°
Ganon talaga ang mga Ina, walang ibang iniisip kundi ang kapakanan ng anak lalo pag may sakit.
sarap Lumpia lalo na bagong luto crunchy
Masarap yan kapag malutong pa ang balat π
Yay , one of my favorite Lalo na Kung masarap Ang sukang maanghang π€€
Enjoy eating lumpiang tougue
Huhu ang sarap lalo pag bagong prito, sis!
May awa ang Dios Sis basta makakain sila ng masustansya at maraming tubig gagaling din sila
sarap naman sis nakakagutom toπ
Sarap naman po niyan sis. π