Kalapati Girl aling maliit! Pagkahatid ko sa aking mga estudyante kanina, lumabas na kami nila Ela at magwawalis na ako sana sa bakuran. Kita niyo naman po hehe ang dami agad ng dahon. Bale umaga nagwawalis ako tapos pagkasundo ko sa mga estudyante sa hapon nag wawalis din ako ulit kasi madahon na kaagad. Tag lagas kasi ngayon hehe ang dami pa naman naming puno dito sa amin. Kaya itong mga dahon na ito mula lang ito kahapon ng hapon hehe at magdamag. Kaya lang nauna na magpatuka si kalapati girl hindi pa ako nakakawalis bumababa na ang mga kalapati at lumalapit na kay Ela kaya ayan hehe nauna na ang pakain kaysa linis. Magandang umaga po ulit sa inyo, happy Friday!
21 comments
Kapag mapuno sa paligid talagang di mawawala ng wawalisin. Pero ang kagandahan niyan, malilim makukuha mo rito ang natura oxygen. At naauna silang kumukuha ng virus bago pa ito masagap ng tao. Good morning, ka-noise!
Tama po, halos di po kami naiinitan ng husto kapag lumalabas ng bahay dahil sa mga puno at mas sariwa pa po ang hangin. Magandang umaga din po
Magandang araw din, ka-noise!
Ufff! How cute she is with the pegions. She is doing a beautiful job.
Aw thank you so much my dear friend.
Mukhng na enjoy ni lil girl ang pagpapakain sis
Oo sis ganyan siya noon pa kaya lang na stop kasi nung magkasakit siya
Daming kalat 3 x a week kana lang mag walis neng para sigaan mo after. Bait naman ng munting prinsesa
Hehe pag 3x a week lang po ate naku baka po di na makita ang lupa kasi po nasa lagpas 15 ang puno namin dito kaya sa maghapon po ang dami agad hehe.
Ah okey ingat na lang kayo
Ganda ng panahon dyan sainyo sis. Dito samin puro ulan na lang.
Aww sana naman po humupa na ang ulan sis. Nung nakaraan din po dito tuwing hapon naulan po. Ingat kayo diyan sis ha
Si Ela pala nagpakakain, naging maamo na sa kanya ang mga kalapati.
Opo hehe. Kasi po kasa kasama siya ni papa niya dati kaya ngayon po ay maamo na sa kanya
Gang ganda naman nyan bebe!
Hehe salamat sissy. Enjoy na enjoy nga siya namiss niya makalabas eh
Ay Ang bait Ng mag alaga ni baby girl na mga kalapati. Dito Rin tag lagas na KAya Ang daming walisin rin
Oo nga sis kapag hindi naman tag lagas ay isang beses lang ako kung magwalis hehe
Nawiwili siya pakainin ang mga kalapati.
Sipag naman ni aling maliit..hehe marunong na sis..maasahan na..😅
Ang cute naman ng baby girl namin.🥰