Talbos ng kamote! Nanalbos ako kanina kila mother earth dahil may tira pang tinapa kagabi na tamban. Ayun na ang aking inulam, sinawsaw ko sa bagoong may kaunting suka. Solb na solb ang pananghalian hehe lalo at nakakamay pa kumain. Mas masarap pa talaga ang kain kapag ganito ang ulam namin kaya naku kahit araw arawin na ganito nilagang gulay tapos may tinapa or tuyo ay solb na. Kamusta po kayo noise.cash and noise.app family? Nakapag hatid na po ba kayo ng inyong mga estudyante?
34 comments
Uy maganda sa katawan natin yan lalo na sa may anemic. Yong sabaw niya pwede inomin
Opo sis maganda po ito sa mga anemic talaga.
Sarap nyan timplahan maigi 😋
Hihi opo sis. Nakakamiss nga po kasi nung magkasakit kami di na ako ganu nakapanalbos
wow swakkkk sa pares niya shaaarrap
Hehe alam mo yan kuya sa ganyan lang aba eh solb na
oo naman sa atin okay yan
Yan ang ulam ko nakaraan ay panalo sarap sa kanin hehe happy lunch sis.
Hindi nakakasawa ano sis, lalo kapang ginaganahan pagka ganito ang ulam eh
Sarap sis masustnsya
sarap neto sawsaw sa bagoong, sis! 😍😍😍
Masustansiya ang talbos ng kamote, ka-noise. Rich sa iron iyan. Enjoy ur meal, ka-noise!
Salamat po oo nga po kaya madalas po talaga kami nito kumain lalo na ako kailangan ko po kasi anemic ako
Eksakto talaga sa mga mommy na tulad mo, Kasi mapupuyat kayo sa mga baby ninyo.
Fav.yan ng junakis ko dmi nia nakakain kapag ganian ulam
Ay hehe same sila ni Ela ko sis pinapapak niya ito pati nilagang okra
Ang sarap ng ulam mo sigurado napadami ang kain mo nian
Sinabi mo pa po sis basta mga ganito napapalaban hehe
Tama yan mas masustansya mga gulay
Oo nga po ate eh, may mga sibol na kasi kila mama na talbos hehe kinuha ku kanina
Masustansya yun neng sarap nyan
Healthy nutrients food .. my favorite
Glad to hear that sis, ang sarap kasi talaga nito eh.
yes steam lang katalo na sis hehe
Oo sis minsan pinapatanong ko sa sinaing ito pero kapag mabilisan kaunting steam lang.
Done na rin sa lunch ate. Ang healthy naman niyan
Kailangan sis more more healthy foods para sa ekonomiya hehe
Masarap po isawsaw sa patis yung talbos ng kamote.
Oo nga sis kaya lang wala kaming patis, sakto may bagoong hehe kaya ayun na lang
Ito gusto ko kainin kasi tagal ko ng di nakakain. 🤤
Aww madalang po ba may nag titinda ng ganito sa inyo sis?
Wala sis. Andito ako sa city sis.
sarap nyan mate sawsaw sa bagoong
healthy to sobra! sarap naman sis tas may tuyo yumm