read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Belated Happy Birthday sa aking nag iisang anak na lalaki kuya Mj! Kahapon, dahil sa sobrang sama ng pakiramdam naming lahat hindi ako nakapag post at nakapag interact gaano dito. Isa na nga sa happenings kahapon ay ang birthday ni Mj. Si biyenan ko nilutuan siya ng spaghetti, kapag bata talaga spaghetti ang hinahanap. Pero dahil halos lahat na kami ay may karamdaman talagang hindi naging ganoon kasaya dahil nga di din sila gaano makakain. Sabi ko nga sa kanilang apat babawi na lang sa susunod kapag may extra kami na budget, sa ngayon talaga ay napunta lahat sa gamutan. Ang ulam naman po namin ngayon ay itong patatas at repolyo na may sotanghon hindi na nilagyan ng manok kasi bawal din daw muna ang manok eh at medyo malansa din sabi ni nanay, hindi ko na po na picturan nung naluto kasi naubos na, hindi halatang nagustuhan nila hehe. Kayo po nag hapunan naba? #noise.cash #noise.app

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.