Thank you Lord! Unti unti ng humihina ng husto ang ulan at lumiliwanag na din ang langit. Mabuti na lang din at walang mga sanga sanga ng puno ang nahulog ngayon masyado. Kahapon nagwalis ako diyan mismo sa nasa kabilang picture. Nakapayong ako kasi sobrang dami na ng dahon kahapon sa may harapan namin. Medyo umaambon lang naman nun kahapon, pero ito na siya ulit. Lumipas lang po ang magdamag, sana naman ay tumigil na ng tuluyan ang pag ulan at iwanan na tayo ng bagyo. Laking pasalamat ko sa Diyos at di naman ganun kalakas ang hangin kagabi dahil kung hindi baka ms madami ang sanga diyan kaysa sa dahon. Ngayong umaga naman nag sisimulang humangin ng malakas pero humihina na ng husto ang ulan. Ibayong pag iingat pa rin sa ating lahat!
12 comments
Bukas tuluyan na liliwanag ang ating langit. Dito samen maulan padin
Salamat naman at bumuti na ang panahon
Sana magtuloy tuloy na ang pagliwanag no ate. Mabuti at safe po kayo riyan.
Dito din kumalma na though baha sa paligid at paulan ulan pa din pero mahina na. Ingat pa din sis.
Salamat parin talaga at safe tayong lahat.
Sana ay wala na munang bagyo ang sumunod kay Paeng.
Sana tuloy tuloy nang mawala Ang ulan . Magandang umaga Sis
Thanks god at safe tayo sia
Buti Naman at Sana lumabas na ng tuluyan si Paeng.
amen
Ingat kau dyan sis update mo kami at doble ingat lagi
Na imagine kita sis naka payong nag walis, maganda sana yun picturan ka hihihi. Mabuti sis ano walang mga sanga nahulog.